Chapter 5

287 13 0
                                    

Chapter 5

"Uminom ka na muna ng tubig." Sabi ni Manang ng mapatahan na niya ako. Nandito pa rin kami hanggang ngayon sa kusina. Kasama ang mga katulong na malungkot na nakatingin sa akin ngayon.

"Nand'yan na mga bisita." Rinig kong masayang sabi ng asawa ni Daddy ng makapasok siya rito sa kusina. "Palagay na lang sa dining room ang mga pagkain. Oh hi, Princess. Halika, join ka kila Stephanie." Sabi niya ng makita ako. Walang mababakas na emosyon sa mga mata ko ng titigan ko siya.

"Mukha bang gusto kong sumali sa kasiyahan ng anak mo?"

"Kung gusto—"

"Kung gusto mo ikaw ang sumali." Sabi ko ng putulin ko ang sinasabi niya. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at saka ako naglakad palabas ng kusina.

Napataas ang kilay ko ng makitang na sa living room pa ang mga friends ni Stephanie paglabas ko ng kusina. Nang magawi ang tingin nila sa akin ngumiti sila.

"Hi, Ate!" Si Stephanie.

Sampung tao ang kasama ngayon ni Stephanie. Tatlong lalaki at pitong babae.

"Good evening, Ate Princess!"

Walang emosyon kong tinitigan si Stephanie. "Ano namang pagkain ang pinakain mo kay Daddy para mapapayag mo siyang magdala ng mga basura rito?" Lahat sila ay napasinghap sa sinabi ko. Halatang hindi inaasahan.

"A-Ate."

"I'm asking you."

"Anong nangyayari rito?"

Lahat kami ay napatingin sa nagsalita.

Si Daddy na kakapasok lang ng Mansion na agad namang sinalubong ng asawa niya.

"Wala po Dad—" I cut her off.

"Tinatanong ko lang naman kung ano ang pinakain sa'yo nitong anak mo at pumayag kang magdala siya ng basura rito sa Mansion." I said and smirked.

Agad akong sinamaan ng tingin ni Daddy na ikinatawa ko. "Bastos kana talaga—"

"Alam niyo Daddy, kayo naman ang dahilan kung bakit ako ganito ngayon!"

"Sa akin mo pa talaga sinisisi?"

"Bakit hindi?! Sabihin niyo nga, anak mo pa ba ang tingin mo sa 'kin? Kasi alam mo, 'yang mag-ina na lang na 'yan ang nakikita mo—" Nanlaki ang mga mata ko ng mabilis na dumapo ang kamay ni Daddy sa pisngi ko. Kasabay ng pagpatak ng luha sa mga mata ko ay ang panlalaki ng mga mata niya.

"Bastos kang bata ka!"

I glared at him. "Bastos na kung bastos! Magsama-sama kayong lahat!" I shouted. Padabog akong naglakad paalis. Lakad takbo ang ginawa ko habang umaakyat ng hagdan. Halos wala na akong makita dahil sa pag-iyak ko. At nang makarating na ako sa kwarto ko, dali-dali akong nag-impake ng mga damit ko.

Alam ko naman na sa loob-loob ni Daddy, gusto na niya akong lumayas sa bahay na 'to. Mabilisang pag-iimpake ang ginawa ko. Nang matapos, inayos ko na ang sarili ko. Walang emosyon akong humarap sa salamin para tignan ang sarili ko.

Ramdam ko pa rin ang pamamanhid ng pisngi ko sa lakas ng pagkakasampal sa akin ni Daddy. Mapula pa rin ang pisngi ko kung saan niya ako sinampal.

Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko ng bumukas iyon. Si Manang.

Nanlaki ang mga mata niya ng agad mapunta sa dalawang maleta ko ang kanyang tingin. Hindi siya makapaniwalang nag-angat ng tingin sa akin. "Aalis ka?" Malungkot na tanong sa akin ni Manang. Tipid ko siyang nginitian bago ako tumango.

"Sa bahay na lang po muna ako ni Lola."

Nalabuntonghininga si Manang Fe. "Mukhang hindi na kita mapipigilan dahil nakahanda na ang mga gamit mo."

I smiled and nodded. "Lalayo na lang po muna ako. Mukhang hindi na rin naman ako mahalaga sa Mansion na ito."

"Huwag mong sabihin 'yan."

"Manang, huwag niyo na po akong intindihin, masama sa inyo ang nagpapaka-stress pa."

Ngumiti sa akin si Manang. "Aalis kana ba?"

"Gabi na rin po kasi."

"Sige, mag-iingat ka."

Tinulungan ako ni Manang na ibaba ang dalawang maletang bitbit ko. Saktong makababa kami ng hagdan ay ang paglabas naman nila Daddy mula sa dining room. Nakita kong napakunot ang noo niya ng makita ang dala-dala ko.

"Where are you going?" Tanong ni Daddy na hindi ko pinansin.

"Manang, ako na po." Kinuha ko mula kay Manang ang maleta kong bitbit niya. "Alis na po ako." Pagpapaalam ko at saka ako humalik sa pisngi ni Manang Fe.

"I'm talking to you, Young Lady!"

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Para saan pa? Mag-aaway lang naman kami pagsinagot ko pa siya! Hindi ko na hihintayin na lumabas mula sa bibig niya ang pagpapalayas niya sa akin kaya uunahan ko na siya.

Nang makalabas ako ng Mansion, agad kong tinawag si Mang Bert para magpahatid sa bahay nila Lola dahil ang kotse ko, naiwan sa bahay ni Lola.

"Pinalayas ka, 'nak?"

I nodded. "Ako na po ang nagkusa. Masakit kasing marinig na si Daddy na mismo ang magpapalayas sa akin."

"Mas mabuti ngang sa Lola mo na lang muna ikaw tumuloy. Magpa-miss ka sa Daddy mo."

I laughed sarcastically. "Malabo pong mangyari 'yan."

Lalo na ngayong masaya sa piling ng bago niyang pamilya. Siguro masaya na sila ngayon dahil umalis na ako. Wala na 'yung gumugulo sa kanila na puro away ang dala.

Hindi ako magtataka na sa susunod, lahat ng mana ko ay na kay Stephanie na. Ngunit hindi ko hahayaan na pati ang pera ni Mommy ay mapunta sa kanila. Ilang months na lang at makakapagtapos na ako.

Sisiguraduhin kong ako ang hahawak sa mga business ni Mommy na iniwan niya. Mukhang mag-isa kong aakyat ng stage.

Nag-aalala si Lola na sinalubong agad ako ng malamang dumating ako. "Susmaryosep! Ano bang nangyayari sa inyo."

Niyakap ko si Lola. "Dito na lang po muna ako Lola."

"Oo naman, Apo. Hindi ka iiwan ni Lola."

Mas humigpit ang yakap ko kay Lola dahil sa sinabi niya. "Thank you po."

Kay Lola ko na lang nararamdaman 'yung saya sa puso na gusto kong maramdaman tuwing kasama ko si Daddy.

Pero dahil malabo ng mangyari 'yon, nandiyan naman si Lola sa tabi ko.

Napakaswerte ko pa rin dahil nagkaroon ako ng kakampi sa buhay.

"I love you."

"Mahal ka rin ni Lola."

Wicked Princess [SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon