Chapter 21

94 4 0
                                    

Pagpasok ko sa loob ng cubicle, narinig ko naman ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng CR. "Good job, girls." Sabi ng isang babae at saka ko narinig na pumalakpak ito.

Napakunot ang noo ko ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. Hindi pa ako sigurado pero parang si Hazel?

Hindi agad ako lumabas ng cubicle. Ayokong manira ng conversation ng ibang tao lalo na, mukhang interesting ang pinag-uusapan nila.

"Ginawa lang naman namin kung ano ang utos mo." Nahihimigan ko ang pagyayabang sa boses ng babaeng nagsalita.

"Mabuti at hindi kayo pumalpak."

Ngayong mas malinaw ang boses na naririnig ko, nakilala ko na kung sino ang nagsasalita. Tono pa lang ng papalita, alam kong hindi ako nagkakamali na si Hazel Sarmiento at ang mga alipores niya ang narito ngayon sa loob ng CR.

Patungkol saan ba ang pinag-uusapan nila? Ito ang gusto kong malaman bago ako lumabas ng cubicle.

"Look, girl. Libo-libo na ang shares and reacts!" Tili ng isang babae. Nagsalubong ang kilay ko sa narinig.

"Hindi lang 'yan, sobrang dami na rin ang nagpo-post about sa kanila. Idagdag mo pang hindi lang sa facebook kalat 'yan. Pati na rin sa Twitter!"

Tila nakuha ko na kung anong pinag-uusapan nila. Sila ba ang may pakana sa pagpapakalat ng mga litrato namin ni Drake sa social media?

"Hindi naman na nakakapagtakang magkagusto si Drake kay Princess." Maya-maya ay sabi ng isang babae. Natahimik naman ang mga kasama niya hanggang sa marinig ko ang tanong ni Hazel na mababakas ang galit sa tono.

"Anong pinapalabas mo? Na mas maganda, mas mayaman, mas matalino 'yang babaeng 'yan para magustuhan ni Drake kaysa sa akin?" Galit na galit na tanong ni Hazel sa isang alipores niya.

Pinakiramdam ko kung nagsasabunutan na ba sila pero mukhang hindi pa naman.

"H-Hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin-" Hindi ko na pinatapos pa ang pagpapaliwanag ng alipores ni Hazel. Bukod kasi sa nalaman ko na ang lahat ng gusto kong malaman, sobrang init na sa loob ng cubicle kaya lumabas na ako ng cubicle.

Narinig kong napasinghap sila ng makita akong lumabas mula sa isang cubicle. Halata namang hindi sila aware na may tao silang kasama rito sa loob ng CR.

Taas noo akong derededetsong naglakad palapit sa lababo kung saan may malaking salamin kaya kita ko silang lahat.

Nanlalaki ang mga mata nila lalo na si Hazel na siyang pinakanagulat. Isang nakakalokong ngisi ang pinakawalan ko mula sa labi ko at kitang-kita nila 'yon dahil nakatingin sila sa salamin kung saan, kitang-kita nila ako at kitang-kita ko rin sila.

Yumuko ako at saka ko binuksan ang poset bago ako naghugas ng kamay.

At habang naghuhugas ng kamay, nag-angat ako ng tingin kaya nagtama ang mga tingin namin gamit lang ang malaking salamin na nasa harapan naming lahat.

Ibinalik ko ang nakakalokong ngisi mula sa aking labi. "Really, Hazel? Ano namang katangahan ang naisip mo at talagang nag-effort ka pang ipakalat sa mga alipores mo ang litrato namin ni Drake?"

Agad na sumama ang tingin sa akin ni Hazel pero pinagtaasan ko lang siya ng kilay. "Nag-ingat naman sana kayo. Ayan tuloy, nalaman ko."

Malakas silang napasinghap ng iwisik ko sa kanila ang basang kamay ko.

"What the fuck?!

"Iww!"

Nadako ang tingin ko sa babaeng maarteng tumili ng Iww. Nanlaki ang mga mata niya ng magtama ang tingin namin.

"For your information, mas malinis pa ang kamay ko kaysa sa inyo." Pagkatapos kong sabihin 'yon, muli ko silang winisikan ng basa kong kamay. At dahil maaarte sila, napuno ng tilian ang buong CR. Nakakarindi.

"How dare you!" Galit na galit na sigaw sa akin ni Hazel habang ang kanyang mukha ay hindi na maipinta.

"Sige, subukan mo!" Malamig na sabi ko dahilan para matigil siya sa paglapit sa akin. "Subukan mong idapo 'yang madumi mong kamay sa mukha at hindi mo gugustuhin kung anong magagawa ko sa'yo."

Bumakas ang takot sa mga mata ni Hazel at saka siya napahakbang paatras ng humakbang ako palapit sa kanya.

"Hindi mo alam kung anong kaya kong gawin, Miss Salvador." Nagbabantang saad ko habang masama ang tingin ko sa kanila. Nang muli akong humakbang palapit sa kanila, lahat na sila ngayon ay napahakbang paatras.

"Mali kayo ng kinalaban." Mahinang usal ko sapat lang para marinig nilang lahat.

Isa-isa ko silang tinignan bago ako nagpasyang lumabas na ng CR. Binangga ko si Hazel dahil paharang-harang siya sa daraanan ko.

"Bye, girls." I said and waved my hand.

Pero natigil ang akma kong paglabas ng pintuan ng biglang magsalita si Hazel.

"Makakaganti rin ako sa'yo!" She shouted angrily.

Matamis akong ngumiti sa kanya ng lingunin ko siya dahil sa sinabi niya. "I'll wait for it."

Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko naapektuhan ako bigla ng makita ko ang pagsilay ng nakakalokong ngisi sa labi ni Hazel.

Pero imbis na magpadala sa nararamdaman, hindi ko na lang pinansin 'yon at tuluyan na akong naglakad palabas ng CR. Siguradong kanina pa ako hinihintay ni Daphne at Kurt.

Nang makarating ako sa cafeteria, hindi ko inaasahan na makikita ko si Daphne at Kurt na kasama na ang grupo ni Drake sa table namin.

Si Kurt na kausap ngayon si Joshua. At si Daphne na nakapangalumbabang nagpapa-cute kay Nathan na nakatutok sa libro. At si Alexander na nagpapapansin kay Daphne na hindi naman siya pinapansin. Habang si Drake naman, ay nakapangalumbaba rin sa lamesa tulad ni Daphne habang deretso itong nakatingin sa akin. Pinapanood akong naglalakad papalapit sa kanila.

Si Drake kasi ang unang nakakita sa akin ng makapasok ako sa cafeteria.

"Bakit ang tagal mo?"

Hindi ko inaasahan na kay Drake ko maririnig ang tanong 'yon. Si Daphne kasi ang inaasahan kong matatanong sa akin. At dahil sa tanong ni Drake, nadako ang tingin nilang lahat sa akin.

Nagkibit balikat ako. "May inasikaso lang."

"Ano namang inasikaso mo?" Si Daphne na ngayon ang nagtanong.

"Nagugutom na ako." Sabi ko imbis na sagutin ang tanong ni Daphne.

"Nakakain na kaming lahat. Sa sobrang tagal mo kasi." Agad akong napatingin sa mga tray nila dahil sa sinabi ni Daphne. Wala ng lamang pagkain ang mga tray nila. Habang ang tray ko, hindi pa rin nababawasan ang pagkain.

"Kumain kana, hihintayin kita." Nakangiting sabi ni Drake sa akin.

Inirapan ko lang naman siya at saka na ako nagsimulang kumain. Alam kong pinapanood nila ako pero hindi ko 'yon pinansin.

"Ang ganda niya pa rin kahit kumakain 'no?" Rinig kong sambit ni Joshua. Hindi ko lang alam kung sino ang kausap niya.

Lahat naman kami ay aware sa issue na kumakalat. Pero mukhang tulad ko, wala ring pakialam sila Drake.

Hindi ko inakala na malalaman ko rin agad kung sino ang may kagagawan ng issue naming kumakalat ni Drake. Bitch.

Wicked Princess [SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon