Chapter 20

65 4 0
                                    

Mabilis akong sumakay sa driver seat ng kotse ko bago pa ako maabutan ni Stephanie. Ang lakas ng loob niyang sabihin kay Daddy na sa akin na lang siya sasabay. Talaga bang hindi niya nararamdaman na ayoko sa kanya? Mabuti na lang at natakasan ko siya.

Nang makita ko siyang nakalabas na ng main door ng Mansion, hindi na ako nagsayang pa ng oras. Pinatakbo ko na ang kotse ko paalis ng Mansion.

Nang makapag-park ako sa parking lot ng University, binitbit ko na ang mga gamit ko bago ako lumabas ng driver seat. Agad na napaamang ang labi ko at natigil ako sa pagsara ng pintuan ng kotse ko dahil may isang kotseng mabilis na pumarada sa tabi ng sasakyan ko.

Hindi pamilyar sa akin ang kotse na 'to. At sa nakikita ko, mukhang bago ang sasakyan. Tuluyan kong sinara ang pintuan ng kotse ko bago ako muling tumingin sa katabing kotse ng sasakyan.

Hindi ko inaasahan na si Drake ang taong lalabas mula sa sasakyan. Agad siyang ngumiti sa akin ng magtama ang tingin naming dalawa.

"Hey, good morning!" Nakangiting pagbati niya sa akin. Pinanood ko siyang binuksan ang pintuan ng backseat ng kotse niya at saka siya may kinuha mula ro'n.

Napaamang ang labi ko ng makitang isang bouquet ang nilabas niya mula sa backseat ng kotse niya. Hindi ko nakita kung anong klase ng bulaklak ang naroon.

Sobrang yabang ng pagkakangisi niya nang maglakad siya palapit sa akin.

Hindi ako gumalaw mula sa kinatatayuan ko. Kundi, hinintay ko siyang tuluyang makalapit sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko ng tuluyan ng makita kung ano ang laman ng bouquet na hawak-hawak niya. Hindi ko inaasahan na imbis na bulaklak ang makikita ko ro'n, napakaraming shawarma ang naroon ngayon sa bouquet na hawak-hawak ni Drake.

Hindi ako makapaniwalang napatitig sa kanya ng mag-angat ako ng tingin. He chuckled. "Bouquet of shawarma for you."

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Hindi rin mawala ang tingin ko sa napakaraming shawarma na nasa harapan ko ngayon. Kumain na ako ng almusal pero bigla akong nagutom ng makita ko ang napakaraming shawarma. Natatakam ako!

"Ano, tititigan mo lang ba? Alam kong marami kang pambili nito pero sana tangga—" I cut him off.

"Ang dami mong sinasabi." Sagot ko at saka ko kinuha mula sa kanya ang bouquet of shawarma. "Thank you." Pagpapasalamat ko at saka ako tipid na ngumiti sa kanya. Napatitig naman siya sa akin bago nag-iwas ng tingin. Napangisi ako ng makitang namumula ang tenga niya.

Nang muling bumaling ang tingin ni Drake sa akin, nakita ko mula sa mga mata niya na may gusto siyang sabihin peri hindi niya masabi. Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"May sasabihin ka?"

"H-Ha, ahm.." Nahihiya siyang napakamot sa batok niya. Malalim siyang napabuntonghininga bago matapang na nakipagtitigan sa akin.

"Let's have a date."

Napaamang ang labi ko sa sinabi niya. Napakunot ang noo ko ng maramdaman ang mabilis nanpagtibok ng puso ko. What the hell is happening to me? M-May sakit ba ako sa puso?

"Hey! I'm asking you for a date."

"Okay."

Nanlaki ang mga mata niya. "O-Okay? Okay sa'yo?"

"What do you think?"

"Yes!" Sigaw niya at saka malapad na ngumiti sa akin. "Sa Sunday, susunduin kita sa inyo."

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya. Nagsimula na akong naglakad habang yakap-yakap ang bouquet. Sa dami nito, mukhang hindi na ako makakakain ng lunch dahil mauubos ko ang lahat ng ito mamaya rin.

Hindi makapaniwala si Daphne ng makita ang dala-dala ko ng magkita kami sa library. Wala kaming klase ngayon sa first class namin kaya naisipan naming magkita na lang sa library.

"Mukhang seryoso talaga sa'yo si Drake." Kinikilig na sabi niya. Bago pa makakuha ng shawarma si Daphne, tinapik ko na ang kamay niya kaya nanlaki ang mga mata niyang binawi ang kamay habang sapo-sapo ito.

"Ang damot mo! Isa lang naman!" Nakasimangot na sabi niya at saka nag-puppy eyes sa akin.

Kinunutan ko siya ng noo bago ako malalim na napabuntong-hininga. "Fine!" Naiinis na pagpayag ko sa kanya.

"Yes! Sabi na nga ba hindi mo ako matitiis." Tuwang-tuwang nanguha ng isang shawarma si Daphne mula sa bouquet. Walang emosyon lang akong pinapanood siya.

"Hmm, ang sarap!" Papuri niya sa lasa ng shawarma ng tuluyang malasahan iyon ng makakagat siya. Napapikit pa siya kasabay ng paglunok. Nang magmulat siya ng mata, nagtama ang tingin namin.

"Tikman mo, ang sarap! Saan kaya 'to binili ni Drake?"

Nagkibit balikat ako sa tanong niya. Kumuha rin ako ng sa akin. Kanina pa ako natatakam. Pero sa wakas! Makakakain na ako.

Tama nga si Daphne, masarap nga ang shawarma! Ibang-iba ang lasa nito sa lasa ng shawarma sa cafeteria.

"Ang sarap 'no?" Nakangiting tanong sa akin ni Daphne. Tumango naman ako sa kanya.

"Sabi ko sa'yo, eh. Pahingi pa nga."

Agad ko siyang sinamaan ng tingin. Agad din naman siyang nag-peace sign sa akin. "Joke lang hehe."

Nagpatuloy ako sa pagkain habang si Daphne, imbis na libro ang hawakan, nakatutok siya sa cellphone niya. Kumakain lang ako habang pinapanood siyang unti-unting nangunot ang noo dahil sa binabasa.

Hinayaan ko na lang siya at saka ako tumayo at naglakad palapit sa mga shelve. Pansin ko ang mga estudyanteng nakatutok din sa kani-kanilang mga gadgets. Ang iba pa, pagkatapos tumingin sa cellphone, tumitingin sa akin.

Hindi ko na lang sila pinansin at naghanap na lang ako ng libro.

Pagbalik ko sa table namin ni Daphne, napasinghap ako ng bigla na lang niya ako hilain paupo sa tabi niya. "What the-" She cut me off.

"Trending kayo ngayon ni Drake sa social media!"

Agad na nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. "What do you mean?"

"Ito tignan mo." Mabilis niyang binuksan ang cellphone niya. Ilang saglit pa, pinakita na niya sa akin ang laman ng newsfeed niya sa facebook.

Drake Xyrus Montecarlo (The Playboy) and Princess Villafuente (The Wicked) are dating?

Iyon ang nakalagay sa caption ng isang post mula sa fan page ng University namin.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang picture namin ni Drake. Kuha iyon kanina sa parking lot kung saan tatanggapin ko na ang bouquet mula kay Drake.

Hindi ako makapaniwalang napatingin kay Daphne. "Hindi lang 'yan ang picture niyong kumakalat ngayon.

Dahil sa sinabi ni Daphne, agad kong tinignan ang laman ng newsfeed niya. Napaamang ang labi ko habang isa-isang binabasa ang mga post patungkol sa amin ni Drake. Ang ibang post, may cinfirmation na mula sa kanila na nagde-date kami ni Drake.

What the hell? Hindi ko alam na ganito ang mangyayari.

Wicked Princess [SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon