Chapter 23

265 6 5
                                    

Naramdaman ko ang presensya ni Drake sa likuran ko kaya tiningala ko siya. Narito ako ngayon sa pool are ng Mansion. Nakaupo ako habang nakababad ang dalawang paa ko sa pool habang ito namang si Drake ay nakatayo sa tabi ko.

"I'm sorry." I apologized.

"Hmm?"

I sighed heavily. "Nangako akong makikipag-date sa'yo pero nakalimutan ko." Saad ko at saka saglit siyang sinulyapan.

"It's okay." Ramdam ko ang sinseridad sa kanyang boses. "Ahm, can you tell something about you and your family?" Napatitig ako sa kawalan ng marinig ang sinabi niya. Napatikhim siya. "Kung ayaw mo okay lang. Pasensya."

Nanatili akong hindi umiimik. Ni hindi ko nga rin inalis ang tingin sa kawalan. "Five years ago, nang mamatay ang Mom ko." Muling bumalik sa aking alaala kung paano namatay si Mommy dahil sa sakit na cancer. "Sobrang sama ng loob ko kay Daddy dahil para wala lang sa kanya ang pagkamatay ni Mommy. Nalaman ko ang dahilan ng wala pang isang taon, inuwi na ni Daddy ang kabit niya at ang anak nito." Nagtagis ang bagang ko habang binabalikan ang mga alaalang hindi na mawawala sa akin. "Galit na galit ako sa kanila. Nagtaksil si Daddy. Kaya pinangako ko sa sarili ko, hindi ko sila mapapatawad." Galit na galit na saad ko. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko ng maalala ang pagtataksil ni Daddy kay Mommy. "Buhay pa si Mommy pero pinalitan na niya kami sa buhay niya."

"Wala siyang kwentang Ama! Wala!" Galit na galit na sumigaw ako. Nagulat ako ng hinarap ako ni Drake sa kanya at saka niya ako mabilis na niyakap.

"Shhh."

Nagtuloy-tuloy na bumuhos ang luha mula sa mga mata ko dahil sa ginawa ni Drake.

"M-Mahal na mahal nila ang isa't isa kaya hindi ko maintindihan kung bakit ginawa ni Daddy 'yon." Humihikbing dagdag ko. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap sa akin ni Drake at saka niya hinagod ang likod ko.

"Shh. Stop crying." He whispered softly.

Nag-iwas agad ako ng tingin sa kanya ng bigla na lang niya akong iniharap sa kanya. Napaamang ang labi ko ng maramdaman ang malambot na handkerchief pinangpunas niya sa dalawang mata kong punong-puno ng luha.

Inalalayan ako ni Drake na tumayo at saka kami naglakad palapit sa isang bench. Nang maiayos ni Drake ang pagkakaupo ko, binalikan niya ang tsinelas ko na nasa gilid ng pool.

Napatitig ako sa kanya. Nagtama naman ang tingin namin ng magsimula siyang maglakad pabalik kung na saan ako ngayon.

Habang papalapit siya nang papalapit sa akin, pabilis naman nang pabilis ang pagtibok ng puso ko. Mas bumilis pa lalo ng lumuhod sa harapan ko si Drake habang seryoso ang mukhang sinuot sa dalawang paa ko ang tsinelas.

"Talaga bang gusto mo ako?"

Napatakip ako sa bibig ko ng ma-realize ang tinanong ko. Nang mag-angat ng tingin sa akin si Drake, agad siyang napangiti lalo nang makita ang reaksyon ko.

"I really like you a lot. Hindi ko alam kung bakit at paano nangyari. Basta ang alam ko nagising na lang ako, ikaw na ang gusto ko." He said seriously. Wala akong makitang bakas ng pagbibiro sa mga mata niya.

Napaamang ang labi ko. "K-Kailan pa ba 'yan?"

Nagkibit balikat siya. "I don't know." Hinawakan niya ang dalawang kamay. "Just give a chance to love you and make you mine." My heart boomed loudly. Oh my gosh!

"D-Drake."

"Can i court you again?" Nakangiting tanong niya sa akin habang deretsong nakatitig sa mga mata ko. "Gusto kong malaman ang sagot mo."

Napatitig ako sa kanya. Ang mga mata niya ay nag-aabang sa isasagot ko. Habang pinagmamasdan ko siya kanina, wala akong makitang pagbibiro sa mga mata niya. Seryoso siya sa lahat ng mga sinabi niya sa akin.

"Princess Villafuente, can i court you?" Nakangiting pang-uulit niya.

Hindi ko tuloy mapigilang mahinang matawa. "Hey! What's funny?"

Agad akong umiling-iling sa kanya. "Wala."

"So?"

I nodded. "Okay."

"Yes?" Kinakabahang tanong niya. Dahan-dahan akong tumango.

"Yes!"

Napatili ako sa gulat ng bigla na lang akong binuhat ni Drake at saka inikot. "Hey! Oh my gosh! Tili ko at saka ko siya pinalo sa balikat.

Tawang-tawa si Drake ng maibaba ako. Sinamaan ko naman siya ng tingin pero hindi niya iyon pinansin. Kundi, natatawa niya akong inakbayan. "Let's go inside. I'm hungry." Sabi niya at saka pa siya humawak sa tiyan niya. Nanlaki naman ang mga mata ko.

"Kanina ka pa nagugutom?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango-tango naman siya.

"Bakit hindi mo sinabi agad?" Kunot-noong tanong ko sa kanya.

Napakamot siya sa ulo niya. "Nagdradrama ka pa kasi kanina."

Agad ko siyang pinalo kaya natawa siya. Inirapan ko siya. "Halika na nga!" Inis na asik ko sa kanya at saka ako naunang naglakad. Tumatawa naman siyang sumunod sa akin.

Nang makapasok kami sa loob ng Mansion, agad ko siyang niyaya sa kusina. "Anong gusto mo?" Tanong ko at saka tumingin sa kanya.

"Ikaw." He said and winked at me.

Nagsalubong ang kilay ko. "I'm serious."

"Seryoso rin naman ako, ah!"

"Ang tinatanong ko, kung anong gusto mong pagkain." Naiinis na sabi ko. Iniinis niya ako kanina pa.

Napatango-tango naman siya. "Kahit ano." Nakangiting sabi niya at saka nagpangalumbaba. "Basta gawa mo."

"Okay." Kibit balikat na sagot ko. Naglakad ako palapit sa oven. Naroon pa rin nga pala ang cookies na ginawa ko kagabi. Hindi ko pa 'yon natitikman dahil anong oras na ako natapos kagabi.

Nilagay ko sa bowl ang ten pieces ng cookies na nasa maliit na tray. Napatitig ako sa cookies na gawa ko. Nag-aalangan pa ako kung idadala ko na kay Drake. Kasi naman, hindi ko pa natitikman ang gawa ko. Paano kung hindi naman masarap?

"Hey!"

Napaigtad ako sa gulat ng marinig si Drake na nasa likuran ko na. Nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa kanya. "What are you doing here? Sabi ko hintayin mo na ako sa dining, 'di ba?"

"Ang tagal mo, eh. Nagugutom na ako-Whoa!" Napatingin siya sa bowl kung na saan ang cookies na ginawa ko. "Ikaw ang gumawa nito-aww!"

Agad kong tinapik ang kamay niya ng akma niyang kukunin ang bowl. Pinanlakihan ko siya ng mata. "Bumalik kana nga sa dining. Gagawa lang ako ng juice mo at susunod na rin ako."

Wala ng nagawa si Drake kundi sundin ang sinabi ko. Nang makapagtimpla na ako ng juice, agad na akong nagtungo sa dining habang bitbit ang tray na may lamang meryenda. Hindi ko na tuloy natikman ang gawa ko kung okay lang ba ang lasa dahil kay Drake.

Kaya naman ng kumagat siya ng cookies na ginawa ko, bigla akong kinabahan habang sa reaksyon niya. "O-Okay lang ba 'yung lasa?" Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng pagtango niya. Kaya napaamang ang labi ko ng marinig ang sagot niya.

"It tastes good!"

Wicked Princess [SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon