Chapter 13

193 10 2
                                    

Napakunot ang noo ko ng bigla na lang tumayo si Daphne kaya hinawakan ko siya sa braso dahilan para mapalingon siya sa 'kin. "Where are you going?" I asked. Lahat ng mga kaklase naming babae ay nagsilabasan habang nagtititili sa kilig. At ito namang si Daphne. Kinikilig din dahil sobrang lapad pa ng ngiti.

"Lalabas ako!" Kinikilig na sabi niya. Wala naman akong nagawa kundi ang pakawalan siya at panoorin siyang maglakad palabas ng classroom habang kinikilig na nakisalamuha sa mga kaklase namin. Napailing-iling na lang ako.

Na saan na ba ang Professor namin at bakit ngayon wala pa? Tss.

Muling bumalik ang tingin ko sa labas ngV classroom namin. Unti-unting napakunot ang noo ko ng makitang na sa tapat mismo ng pintuan ng classroom namin ang apat na lalaking pinaagkakaguluhan ng mga babae.

Nang magtama ang tingin namin ni Drake, nakita ko mayabang na ngisi na naglalaro sa kanyang labi. Pinagtaasan ko siya ng kilay.

Unti-unting itinaas ni Drake ang kamay niya dahilan kung bakit tumahimik ang mga estudyante sa katitili. Napasunod ang tingin ko kay Alexander ng naglakad ito palapit sa President namin at saka ito kinausap. Ilang saglit pa, tumango at ngumisi si Alexander kay Drake ng matapos makipag-usap kay Sarah na siyang President namin.

Hindi ko inaasahan ang sunod na mangyayari, bigla na lang naglakad papasok ng classroom namin si Drake at ngayon, naglalakad siya patungo sa direksyon ko. What the hell is happening?

Matapang akong nakipagtitigan sa kanya hanggang sa huminto siya sa harapan ko mismo.

Unti-unting napaamang ang labi niya ka tinignan ko rin ang tinitignan niya. Ang bouquet of roses na tinapon ko sa isang bakanteng upuan.

"Tinapon ko, walang kwenta, eh." I said and smirked. Salubong na ang kilay niya ng tumingin siya sa 'kin.

"Alam mo bang mahal 'yan?! Tapos itatapon mo lang?! Hindi man lang ba na appriciate?!" Napaamang ang labi ko ng bigla na lang niya akong sinigawan.

"Ano namang pinuputok ng butsi mo?! Naiinis na tanong ko sa kanya. "Bakit ikaw ba ang nagpadala nito?!"

"Yes!"

Kasabay ng pagsinghap ng mga estudyanteng nanonood sa amin ngayon, natigilan ako ng marinig ang sinabi niya. Habang siya naman ay sobrang sama ng tingin sa 'kin ngayon. Napatingin ako sa bouquet of roses. Ano naman ang kagaguhan ng lalaking 'to at binigyan ako ng bulaklak?

"Ano bakit hindi ka makapagsalita ngayon?! Nakokonsensya ka?!"

Sa totoo lang, sumasakit na ang ulo ko sa kakasigaw nitong lalaking 'to. Pwede naman siyang magsalita ng hindi sumisigaw 'di ba? Kairita!

"Ano—" I cut him off.

"Can you please shut up?! Sino ba kasing nagsabing bigyan mo ako ng bulaklak, ha? Sinabi ko ba na gusto kong makatanggap ng bulaklak mula sa'yo?!"

Natigilan siya mukhang hindi inaasahan ang sasabihin ko. "Mr. Mortecarlo, kung sa tingin mo, makukuha mo ako tulad ng mga babaeng baliw na baliw sa'yo, nagkakamali ka." I said and smirked at him. "Uulitin ko. Hindi ako tulad ng mga babaeng baliw na baliw sa'yo." Saad ko at saka ako tumayo at binitbit ang gamit ko bago ako naglakad. Binangga ko siya bago ako nagtuloy-tuloy na palabas ng classroom namin.

Gumigilid naman agad ang mga estudyante para makadaan ako. Napakayabang ng lalaking 'yon! Anong tingin niya sa 'kin? May gusto ako sa kanya kaya siya na ang nag-first move para makuha ako agad? Well, nagkakamali siya. Hindi ako tulad ng mga babae na baliw na baliw sa kanya at handang magpakatanga para lang magpaloko sa kanya. Playboy!

Wala na akong balak pumasok sa first class ko at mukhang wala rin naman atang balak ang Professor namin na siputin kami.

Maraming estudyante ang napapatingin sa 'kin tapos bigla rin namang mag-iiwas ng tingin. I just rolled my eyes. Hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Napaamang ang labi ko ng makakita ng isang estudyante na kumakain ng shawarma. Oh gosh! Bigla akong natakam. Kaya naman naglakad na ako patungo sa direksyon kung na saan ang cafeteria.

Naiwan ko pala si Daphne. Bahala siya. Iniwan din naman niya ako kanina sa loob ng classroom. Mukhang nage-enjoy pa 'yon na titigan si Nathan na wala namang pakialam sa paligid.

"Ate Princess!"

Natigil ako sa paglalakad ng marinig kong tinawag ang pangalan ko ng isang pamilyar na boses na 'yon.

"Ate Princess!"

Nang lingunin ko ang direksyon kung saan nanggagaling ang sigaw, nakita ko si Stephanie na masayang kumakaway sa 'kin kasama ang isang kaibigan niya. Naglalakad sila ngayon palapit sa 'kin.

Kumunot ang noo ko at handa na sanang talikuran sila ng pigilan ako ni Stephanie. "Teka lang, Ate Princess!"

Inis na inis kong tinignan si Stephanie na napayuko naman ng makita ang mukha ko. "Ano bang kailangan mo?!"

Nakalapit na sila ngayon ng kaibigan niya sa 'kin. Nagtatago sa likod ni Stephanie ang kaibigan niya at mukhang takot ito sa 'kin. Lihim akong napangisi dahil do'n.

"Kumusta, Ate?" Nahihiyang tanong niya sa 'kin.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. Hindi ako sumagot sa tanong niya. Parang batang nilaro naman niya ang kanyang daliri habang bahagyang nakayuko.

"Sabihin mo na kung ano ang sasabihin mo dahil sinasayang mo ang oras ko." I said coldly. Nakita ko namang napalunok siya.

"S-Sorry, Ate. A-Ahm gusto ko po sanang tulungan ka. Nalaman ko kasi kanina na, lumapit ka kay Dean para makita ang CCTV footage."

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Paano niya nalaman 'yon? Pinagkalat ba ni Dean?

"Kung gusto mo, Ate. Ako ang lalapit kay Dean para malaman natin kung sino ang may gawa sa sasakyan mo." Sabi niya at saka siya ngumiti sa akin.

Walang emosyon akong tumitig sa kanya. "Sa tingin mo tatanggapin ko 'yang alok mo?"

"Nagbabakasakali lang naman ako, Ate."

I laughed sarcastically. "Pinabalabas mo na mas may karapatan kana sa 'kin sa University na 'to. Hoy Stephanie! Baka nakakalimutan mo, ako pa rin ang totoong anak ni Daddy. At ikaw! Wala ka ni isang karapatan magreyna-reynahan dito!" I said angrily. Dinuro-duro ko siya gamit ang isang daliri ko. "Gusto kong malaman mo na wala akong panahon para tanggapin kung ano mang tulong ang ialok mo!"

Saglit ko pa siyang tinitigan habang masama ang tingin sa kanya bago ako naglakad na palayo at iniwan siyang mangiyak-ngiyak kasama ang kaibigan niya. 

Wicked Princess [SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon