Chapter Seven

23 1 0
                                    

Axel's POV


Nakarating kami sa Serenity's Cafe ng hindi na ulit naguusap. Hindi naman sa awkward yung atmosphere, sadyang pinili nalang namin na hindi magsalita habang papasok dito sa trabaho.

Poker face lang si Thor pero ramdam ko naman na wala na siyang sama ng loob sakin. Ganun din naman ako. Nasa kitchen ako habang siya naman ay nasa labas at nagseserve.

Busy ako sa paghuhugas ng plato nang may magsalita sa tabi ko. "Maaga kayong pumasok ni Victoria?" napatigil ako sa pagbanlaw dahil sa gulat.Dahan-dahan naman akong humarap sakanya.

"F-Florence?" utal kong banggit sa pangalan niya.

Kinunutan niya naman ako ng noo, "Anyare sayo? Parang nakakita ka ng multo." naguguluhan niyang tanong saakin. Hindi ako nakasagot agad at nanatiling nakatingin sa mga mata niya.

Mga matang inosente na hindi mo aakaling may mga sikretong nakatago sa likod ng mga iyon. Mga matang isa sa mga dahilan kung bakit ko siya minahal. Mga matang madalas ko na ring makitang mag-alala saakin.

"Huy, Axel! Natulala ka dyan?" biglang sabi niya.

"H-ha? Ah, may naalala lang ako." sagot ko nalang at bumalik sa paghuhugas ng plato.

"Ano naman yun at natulala ka pa talaga? Hahaha! Osya, dun na ako sa counter." tumango nalang ako bilang sagot.

Bakit ba kasi nalaman ko yung mga yun? At ano ba talagang plano ni Thor? Balak niya bang magpakamartir? At ano ring balak ko bakit hindi ko kayang sabihin kay Florence na may girlfriend na si Caelan noon palang? Dahil ayoko siyang masaktan? Dahil ayaw kong mawalan ng kinikilalang ama yung inaanak ko?

Napabuntong-hininga nalang ako ng malalim. Ilang saglit lang ay dumating si Manager Dana sa kitchen at lumapit saakin.

"Axel, pagkatapos mo dyan magserve ka na dun sa labas at utusan mo si Tory na itapon yung mga basura. Linisin niya rin kamo yung harap ng Café." masungit na utos niya.

"Yes, ma'am." mahinahon naman na sagot ko.

"Carl, palitan mo si Axel maya-maya." utos niya naman sa isa sa mga katrabaho ko.

Nang matapos ako pinalitan na ako ni Carl. Lumabas na rin ako at nilapitan si Thor na kinukuha yung order mula sa may counter. As usual, ang sungit tignan ng mukha niya.

"Ako na diyan. Kanino ba to?" sabi ko at kinuha sa kamay niya yung tray na may Iced Caramel Macchiato at Iced Americano.

"Table six." tipid niyang sagot.

"Sige, ako na magseserve. Pinauutos pala ni Manager Dana na itapon mo daw yung basura sa kitchen tapos linisin mo daw yung harap ng Café." sabi ko naman.

"Linisin? You mean magwalis?" parang hindi pa niya makapaniwalang tanong saakin na tinanguan ko naman. "Sumunod ka lang baka paginitan ka pa nun." sagot ko sakanya at iniwan siyang nagrorolled-eyes.

Napansin ko naman na nakatingin samin si Florence kanina pero binalewala ko nalang. Hindi ko kasi talaga alam kung paano siya haharapin nang hindi iniisip yung sakanila nina Caelan.

HABANG nagseserve ako sa mga customers napatigil ako sa paglalakad malapit sa glass wall nang mapansin ko si Thor sa labas na may kasamang dalawang bata. Hindi niya ito pinapansin at patuloy lang sa pagwawalis. Pero mukhang hindi siya tinitigilan nung bata na sa tingin ko ay nasa sampu pababa.

Hindi rin nagtagal at mukhang nainis na si Thor sa pangungulit nung bata sakanya. Tinigil niya na kasi yung pagwawalis niya at hinarap na yung dalawang bata. Tsk! Baka awayin niya pa yung mga yun base sa ugali niya. Napailing nalang ako at bumalik na sa pagseserve.

AlpasWhere stories live. Discover now