Chapter Four

20 2 0
                                    

Axel's POV


"Sumimasen, but you're really disturbing me and the other customers." nabigla ako dahil sa ginawa nitong alaga ko.

I mean tama naman yung sinabi niya dahil totoo namang naaabala na siya at yung ibang costumers. Pinagtitinginan na nga kami. Pati mga kasamahan ko ay mga kapwa natigilan at nakatingin sa gawi namin. Baka ako nanaman ang paginitan ng boss ko.

"Hoy! Ano bang ginagawa mo?" bulong ko na parang sigaw sakanya. Parang pinoprovoke niya pa kasi si Manager Dana. He's gay pero Dana ang tawag namin sakanya dahil yun ang sabi niya.

"I can't enjoy my coffee and pancakes because of you. I have the rights to complain." litanya ni Thor habang sumisimsim ng kape at nakatingin sa boss ko.

"Excuse me?" masungit na sabi naman ni Manager Dana.

"Oh, you can go. That's better." pilosopong sagot niya sa boss ko.

"Tory, please, don't make a scene." bulong ko ulit dito.

"What brings someone like you here?" napatingin naman ako kay Manager Dana dahil nag-iba ang tono ng pananalita nito, parang nanghahamon at handang patulan si Thor.

"Am I not allowed here, Mr. Daniel?" sagot ni Thor. May diin pa yung pagsabi niya ng pangalan ni Managar Dana. Wait--- paano niya nalaman na Daniel ang totoong pangalan ng boss namin? Magkakilala ba sila? Pero parang imposible naman iyon.

"What did you just called me?!" inis na sigaw ni Manager Dana. Napansin ko naman na binitawan ni Thor yung kapeng iniinom niya at binigyan lalo ng mapangasar na tingin si Manager Dana.

Heto na ang delubyo!

"Yare yare. Nande oketteru no?" Good grief. Why are you angry?

Huh?! Ano daw sabi niya? Japanese language ba yon? As if maiintindihan siya ng boss na---

"Shut up! You're really annoying me. Get out of here." Ha? Naintindihan ba ni manager Dana yung sinabi ni Thor sakanya? Halata sa mukha nito na napipikon na siya.

Ang expresyon naman ni Thor ay biglang sumeryoso. Okay? What is happening now?

"Anyway, I want to talk to you. There's something that I need to ask." sumeryoso din ang mukha ni manager Dana.

"Come with me in the office." utos nito kay Thor. "I'm sorry for interrupting the all of you. Please enjoy your coffees. Again I am sorry for our rude behavior." hingi pa ng despensa nito bago tumalikod at bumalik ng office niya.

"Don't order me around." sagot ni Thor bago kinuha yung sling bag niya at sumunod doon.

Hindi niya naman ako pinansin at wala man lang pasabi. Nakahinga naman ako ng maluwag namg makapasok sila. Humingi din kami ng pasensya sa mga costumer na naabala nung eksena kanina.

Naiiling na niligpit ko ang pinagkainan ni Thor.

"Anong nangyari? Bakit parang iba yung atmosphere dito?" napatingin naman ako sa gilid ko nang may magsalita.

"Florence? Kakarating mo lang?" takang tanong ko rito. Ang ganda niya talaga at ang amo ng mukha.

"Ah oo, buti nga hindi ako napansin ni Manager Dana e. Kung hindi mayayari din ako." sagot nito.

Si Florence, kababata ko at ang taong mahal ko. Umamin ako sakanya noon pero hanggang kaibigan at kapatid lang daw talaga ang turing niya sakin. Meron rin siyang ibang mahal at sila pa rin hanggang ngayon.

Minsan ko nang nameet yung boyfriend niya nung minsang ipakilala nita ito. Unang tingin palang sa boyfriend niya ay nagsusumigaw na yung buong pagkatao nito ng karangyaan at hindi man lang nakaranas ng hirap sa buhay. Parang si Madam Thor lang. Tss!

AlpasWhere stories live. Discover now