Axel's POV
After a week, Thor and I grew a lil' bit closer. I mean we're not friends nor enemies cause she doesn't totally trust me yet about her personal life but I guess we both adjusted with each other. Maybe because we're always together at home and at work. We bicker sometimes but not all the time. Lagi lang kaming nagaasaran hanggang sa may mapikon.We also got our ID and uniforms yesterday. May pasok na din kasi kami next week. Nakausap na rin namin si Manager Dana tungkol sa oras ng pagpasok namin sa Café. Pumayag rin si Thor na pumasok sa Café at Bar ng weekends.
I was taken a back when she started to listen about to all what I'm saying. That's great though, but sometimes I just want to smack her head when she always complain about how hard the orders that I'm giving her.
Minsan ang sakit lang sa ulo nitong brat na binabantayan ko. Tulad nalang ngayon, tch.
Seven na ng umaga at hinahanda ko na yung agahan namin. Paano ba naman kasi hanggang ngayon ay naliligo pa si Thor. Sinabi ko na kahapon sakanya na siya na mismo ang magluluto ng agahan niya at siya na rin ang maghuhugas ng pinagkainan niya para matuto siya ng gawaing bahay.
Ang kaso nalate ang gising ni madam at kailangan pa magayos dahil may pasok kami sa Café.
Busy ako sa pagsandok ng kanin nang magring ang cellphone ko, tanda na may tumatawag.
Unknown calling...
Huh? Number lang? Sino naman kaya to?
"Hello?" sabi ko pagkasagot ko sa tawag. Hindi ito sumagot kaya naghello ulit ako.
"Who's this? Where's Lyrece?" Lalaki ang boses ng sumagot. Napakunot ang noo ko dahil sa tanong niya. Kilala niya si Thor? Ito ba yung tinawagan niya nung isang araw? Isa pa, bakit parang pamilyar yung baritong boses niya? Did I heard this somewhere?
Sasagot na sana ako nang may magsalita sa may pintuan ng kusina. Napatingin ako doon at nakitang si Thor yon. Bagong ligo at nakabihis na nung uniform ng Serenity's Cafe.
"Who are you talking with?" nakataas pang kilay na tanong niya.
Lumapit ako sakanya at iniabot ang cellphone ko. "Someone called and he's looking for you." sabi ko at napansin yung paghahalo ng mga emosyon sa mata niya. Hindi ko mapangalanan pero halo-halo talaga. Tuwa? Lungkot? Pagkabigla?
Kinuha niya naman sa kamay ko yung cellphone at basta-basta nalang umalis ng kusina at pumunta sa kung saang parte ng bahay. Nagkibit balikat nalang ako at bumalik sa pagsandok ng kanin.
Habang inaayos ko naman yung mga plato at kubyertos sa dining table hindi mawala sa isip ko yung tumawag. Pamilyar talaga yung boses. Parang si Caelan.
Hindi kaya si Caelan nga yon? But that doesn't make sense. Baka naman kaboses niya? Oo tama, marami naman talaga sa mundo ang magkakaboses. Baka nagkataon lang na kaboses ni Caelan yung kausap ni Thor. Tsaka kung si Caelan yon, paano siya makikilala ni Thor? Diba? Oo baka ganun nga.
"HOY!" nagulat naman ako dahil sa malakas na sigaw ni Thor at kamuntikan ko nang mabitawan ang hawak kong baso.
"Ano bang sinisigaw-sigaw mo dyan?" inis kong sabi sakanya.
"I've been calling you since I got here but you seem you are not on your senses." takang sabi niya sakin.
"Wala, may iniisip lang ako." sagot ko naman agad. "Saan na nga pala yung kausap mo?" tanong ko nang mapansin kong hawak niya nalang yung cellphone ko.
YOU ARE READING
Alpas
General FictionAlpas (al-pas) (v) To become free; to break loose Victoria Lyrece is smart but a brat. She can ace her exams but stopped going to school when she reached college. She also spends too much money on partying and things she don't even need. Sh...