Axel's POV
Pagkatapos naming mag-agahan, gaya ng sabi ni Thor sinama ko siya sa lakad ko. Papunta na kami ngayon sa Lockhart University. Mabuti nalang at maaga siyang nagising. Kung hindi iiwanan ko talaga 'tong alaga ko. Tss."Mabuti at may dala kang mga requirements ng Lockhart?" taka kong tanong habang nakasakay kami sa jeep. Mabuti nalang at hindi gaanong siksikan since Friday naman ngayon at bakasyon pa kaya walang sumasakay na estudyante.
"My grandfather forced me to bring these documents and such as if he's sure that I'm really going to study again." kibit balikat niyang sagot.
"Ah buti alam mo yung University na yon?" dagdag tanong ko pa. Inikutan niya naman ako ng mata. "It's a famous University." masungit niyang sagot.
Oo nga pala hindi lang dito sa Pilipinas sikat ang Lockhart University. Ilang saglit pa ay natanaw ko na iyon kaya nagpara na ako.
Naglakad naman kami ni Thor papalit sa gate ng LU kung saan sinalubong kami ng guard.
"Magandang umaga sainyo. Anong kailangan nila?" bati at tanong nito.
"Magiinquire po sana kami." sagot ko naman dito.
"Ganon ba? Punta lang kayo sa may Admission Office. Diretsuhin niyo lang itong hallway na ito pagkatapos ay kumanan kayo. Kapag nakita niyo yung unang building na may apat na palapag nasa ground floor lang din iyong Admission Office." turo nito sa direksyon.
"Maraming salamat po." sagot ko. "Tara na, madam." yaya ko naman kay Thor na sumusunod saakin.
Pagdating namin sa Admission Office binigay na namin yung mga requirements tapos ay may pinafill-up sila na form. Then hinatid kami sa may katabing room dahil magtetake na din kami ng entrance exam nila. Hays! Buti nalang prepared ako.
Naupo kami ni Thor sa magkabilang dulo ng mga upuan at nagsimula ng sumagot habang binabantayan kami ng isang prof. 200 items yung entrance exam nila tapos dalawang oras yung time para tapusin 'yon.
Makalipas ang isa't-kalahating oras napasilip ako sa kinauupuan ni Thor. Nakadekwatro siya na pambabae habang nakacross arms at nakatingin sa labas ng bintana. Wala namang expression yung mukha niya. Kanina pa ba siya tapos sumagot? Ang bilis naman?
Lumipas pa ang ilang minuto at natapos ko na din sagutan yung saakin.
"Tapos na ba kayo?" tanong saamin nung prof na nagbabantay samin. Tumango naman kami bilang sagot. "Sige, maghintay muna kayo doon sa labas ng Admission office dahil ngayon niyo din malalaman yung result. Then kapag nakapasa kayo sa score niyo din nakasalalay if makakakuha kayo ng full scholarship." paliwanag samin nung prof.
"Sige po, sir." sagot ko naman. Lumabas na kami ng room. Kaya niyaya ko si Thor na maupo dun sa harap ng Admission Office.
"Ang bilis mo yatang natapos kanina?" curious kong tanong.
"It's not that hard." mayabang niyang sabi.
"Hindi pa hard sayo yung mga yun?" gulat ko namang sabi. "Oh, baka naman hindi mo sineryoso yung pagsagot?" dagdag ko pa.
"Bakit ngayon din nila tayo pinagexam? I thought it should be scheduled." pagiiba niya ng topic.
"Ah kase late na tayo nag-inquire. Dapat nung March pa tapos halos April yung date ng entrance exam nila." tumango naman siya na parang satisfied na sa sagot ko.
YOU ARE READING
Alpas
General FictionAlpas (al-pas) (v) To become free; to break loose Victoria Lyrece is smart but a brat. She can ace her exams but stopped going to school when she reached college. She also spends too much money on partying and things she don't even need. Sh...