Victoria Lyrece Clemente
"Madam nasa kwarto mo na yung maleta at bag mo. Ano bang mga laman non? Sobrang bigat." sabi nitong--- ano nga ulit pangalan niya? Geez! Dapat kasi si Nana nalang pinasama sakin ni Ojisan dito. Grandfather.
"What's your name again?"
"Let me introduce myself madam. I'm Axel Sandoval."
"How old are you?"
"22 madam." proud niyang sabi.
Nandito pala ako ngayon sa may sala. Siya naman ay nakatayo malapit sa may hagdan. Si Tay Magno naman ay nasa kusina.
"Ah I thought you were already on 25." pangaasar ko.
"Wag kayong magalala madam, tatanda rin ang itsura mo kapag naghanap ka na ng trabaho." pangaasar niya pabalik.
"I don't need to work." naiinis kong sagot.
"Ikaw ang bahala. Hindi ka mabubuhay kung wala kang pera. Sabi pa naman ng lolo mo 5,000 nalang ang meron sa wallet mo dahil nakafreeze lahat ng bank account mo." he said while smirking. This guy is getting into my nerves. I want to strangle him until he can't breath anymore.
"Did my grandfather told you all that?" I asked while controlling my temper.
"Siguro." nakakaloko niyang sagot.
"Teme kusojiji!" You old man. I yelled then throw away the throw pillow somewhere.
"Hoy wag kang magkalat. Wala kang katulong dito." inis niyang sabi tsaka lumapit sa throw pillow na binato ko. Pinulot niya yon at binalik sa sofa na inuupuan ko.
"Tsaka ano ba yung sinasabi mo? Japanese? Nasa Pilipinas ka, magtagalog ka." did he just give me an order?
"Ha?! Did you just give me an order?!"
"Oo bakit? May problema ka? Baka nakakalimutan mo? Inihabilin ka sakin ng lolo mo kaya makikinig ka sa lahat ng sasabihin ko. At kapag gumawa ka ng kalokohan isusumbong kita. Lalo kang hindi makakabalik ng Japan kapag nalaman niyang walang pagbabagong nangyayari sayo."
"Nani utten no bakayaro?!" What the hell are you saying stupid?
"Sinabing magtagalog ka. At isa pa hindi ako baka. Sa palengke ka maghanap ng baka." He's really stupid.
"Axel, Tory? Nagtatalo ba kayo? Rinig ko kayo hanggang kusina." takang tanong ni Tay Magno na lumabas galing kusina.
"Naghahanap kasi ng baka tong si Madam Thor--- este Madam Tory." sagot niya.
"Ha? Baka? Gusto mo ba ng ganon Tory? Naku pasensya na at Sinigang na baboy lang ang nailuto ko."
"Wag mong sabihing hindi ka kumakain ng Sinigang na baboy? Anong gusto mo? Mamahaling steak?"
"I didn't even say I don't like it." masungit kong sagot.
"Ah oo nga naman. Osya tara na sa hapag kainan."
"You're so annoying."
"Aba't talaga naman." hindi ko na siya pinansin at sumunod na kay Tay Magno papunta ng dining room.
YOU ARE READING
Alpas
General FictionAlpas (al-pas) (v) To become free; to break loose Victoria Lyrece is smart but a brat. She can ace her exams but stopped going to school when she reached college. She also spends too much money on partying and things she don't even need. Sh...