Aminado naman akong nagpakatanga ako kay Albert. Aminadong-aminado rin ako na pangit sya at kasuka-suka ang pagmumukha nya. Ang hindi ko lang talaga matanggap ay yung kadramahan ng langit na maya't maya ay pagtagpuin kami. Nangangamoy meant-to-be kasi at iniisip ko pa lang na sya talaga ang para sa akin ay parang gusto ko nang magpasagasa sa tren.
"Lalim ng iniisip mo." Puna ni Gray. "Wag ka ngang sumimangot dyan, nakakawalang ganang kumain."
"Sa tingin mo naman ay inspired na inspired akong ngumuya habang ikaw ang nasa harapan ko? Nasusuka na nga ako sa asar kung di lang ako nasasayangan dito sa tocinong inorder ko!"
"Bakit ka asar? Dahil ba ang gwapo ko at ngayon mo lang na-realize?" Wow, pare hanep sa arrive!
"Hoy, Intsik umayos ka nga. Gwapo ka? Saan banda? Kasi paniguradong hindi yang mukha mo ang tinutukoy mo at mukha kang panis na espasol. Bago ka magsabing gwapo ka, ha, ay manalamin ka muna. Di bale bibili ako ng malaking salamin sa SM para naman sa bahay pa lang ay kitang-kita mo na ang katotohanan."
"Kung maka-insulto naman itong si Red, parang hindi sya dumantay sa akin at sumiksik sa kili-kili ko ng buong-puso kagabi."
"Ang kapal ng kalyo mo sa mukha, Gray!"
"Ayaw mong maniwala? Tinulak nga kita palayo eh. I was thinking, grabe naman maka-take advantage itong babaeng ito sa kahinaan ko. Hindi porke't akala nya ay tulog ako ay pwede na nya akong pagsamantalahan."
"Buhusan kaya kita ng pineapple juice dyan para magising ka!"
"Wag ka namang naninigaw, ang aga-aga. Kawawa naman talaga ang mapapangasawa mo at siguro isang taon pa lang kayong kasal ay bingi na yung tao."
"Pakibaba kilay ko, ha! Kung makasabi naman tong kawawa ang mapapangasawa ko parang ang swerte ng mapapangasawa nya!"
"Shh... nakakahiya sa ibang kumakain." He was grinning.
Alam kong mambibwisit lang sya kasi iilan pa lang naman ang tao sa Jollibee at nasa bandang-dulo kami kaya wala kaming katabi. Pero dahil siguro buraot na ako kay Albert, kahit na ano ang sabihin nya ay kinakabanas ko.
"Nahihiya ka sa ibang kumakain pero sa akin ay hindi?! Sa akin na nagpatira sayo sa apartment ko dahil sa angking kabusilakan ng aking puso ay hindi ka nakakaramdan ng kahihiyan?!"
"Ako pa talaga ang mahihiya sayo? Ako na kamuntikan mo nang masagasaan kasi broken-hearted ka at ang dahilan kung bakit hindi ako nakapagbayad sa boarding house na tutuluyan ko ang dapat na mahiya sayo?"
"Maghanap ka ng ibang matitirhan mo!"
"Okay. Maglakad ka pauwi kasi ako ang may dala ng sasakyan. Bili ka na rin munang palakol at palakulin mo ang pinto kasi nasa akin ang susi ng bahay."
"Walanghiya ka!"
"Parang sya meron."
"Meron talaga!"
"Oo nga pala may hiya ka. Taste lang ang wala ka kasi pumili ka na lang din ng gagawing boyfriend dun pa sa mukhang patay na kuko na niloko ka lang." Bwisit na to! Nanggagalaiti ako sa galit. Asar na asar talaga ako sa katangahan ko kay Albert at itong gagong Intsik na hayop na ito ay talagang feel na feel pang ulit-ulitin!
"Bwisit ka, alam mo ba yun?"
"Asar ka na nyan? Sa susunod bago ka mag-boyfriend isipin mo munang mabuti at di yung nagpapadala ka lang sa kabaitan nya. Hindi mo malalaman kung talagang mabait ang tao unless he is forced into circumstances that would reveal his true nature. Mamili kang mabuti at siguraduhin mo sa susunod ay pwede mong ipagmalaki ang taong bibigyan mo ng chance na manggago sayo. Look at it this way, Red no matter what you do now, nakakabit na yung mga salitang ex ni Albert sa pangalan mo. So, next time make sure that he'll be worth the trouble."
BINABASA MO ANG
Strings of Fate (Kai fiction)
RomanceA red string of fate or String of fate is referred to red thread of destiny. The two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of time, place, or circumstances. This magical cord may stretch or tangle, but never break. Can t...