Strings 12

86 2 1
                                    

"Ang bright ng future mo kung ako yun." I laughed uncontrollably. Hindi ko alam kung bakit ako natatawa sa sinabi nya. Sobrang mismatched kasi kami. Mahilig sya sa mahinhin at alam kong ang gaslaw kong gumalaw. Naghahanap sya ng Dalagang Pilipina, sa lakas kong magmura at mambara baka nga kahit bilang dalaga ay di pa ako papasa.

"Tuwang-tuwa ka ah. Ikaw din baka mag-fall ka sa akin nyan." He teased.

"Pwede ba, Gray. Tayo yata ang sure na sure akong hindi madi-develop kahit kelan. Tingnan mo naman ako, ang opposite ko sa pangarap mong maging haligi ng iyong mansyon samantalang ikaw naman, medyo di ko talaga bet yung mga morenang singkit. Para ka kayang binabad sa araw."

"Ang sama mo talaga sa akin, Red."

"Wala kayang masama sa pagsasabi ng totoo. Tsaka bakit disappointed ka? Crush mo ako, ano?"

"Baka ikaw nga itong ma-develop sa akin eh. Ihanda mo na ang puso mo."

"Tigas ng apog mo!" I uttered and he laughed. Nakakaloka. At tuluyan na ngang naglaho ang mga mata nya.

"Kung makatitig naman si Red."

"Excuse me, ha pero naaliw lang ako kasi nawala ang mga mata mo!"

"Defensive, wala na titibok na puso mo nyan para sa akin."

"Ang baduy! Syetness!" Tawa kami nang tawa. Ang komportable nyang kausap. Hindi ko kasi kailangang i-filter ang sasabihin ko at alam ko namang hindi namin kailangang i-impress ang isa't isa.

Aminin ko man o hindi, gusto kong maging kaibigan si Gray. Ang gaan kasi sa pakiramdam kapag kausap sya, para ko lang kakulitan ang mga Kuya ko. "Ano ba naman ito, baka malipasan na ako nang gutom." Reklamo ko sa kanya.

Ang haba ng traffic. Kaya tuloy sobrang nagsisi ako kung bakit ako sumama. Ano ba kasing pumasok sa utak mo, Red at mega-volunteer ka?

"Sorry. Nawala sa isip ko yung traffic. Gusto kasi talaga kitang dalhin dun sa isa sa mga paborito kong kainan."

"Keri lang. Okay na ring lumipat ka na agad kasi natatakot ako dun sa apartment mag-isa. Baka nga imbes na matulog ay magdamag akong mag-aabang ng miyembro ng Akyat-Bahay gang."

"Matulog ka muna para hindi mo masyadong maramdaman yung gutom. Di bale, di ako tutulog kaya you're safe."

"Hindi naman ako inaantok. Nagkainan na kasi ang mga bulate ko sa tiyan sa sobrang gutom nila kaya sobra akong nadi-distract."

"Try mong pumikit."

"Bakit mo ba ako pinapatulog?"

"Nakasimangot ka na kasi. Partida, na-experience ko na yung init ng ulo mo nung di ka pa badtrip, paano na lang kapag badtrip ka? Baka sumabog itong taxi ni Kuya."

"He he. Funny." He laughed. "Pero, Gray okay lang bang aalis ka sa bahay ng Tita mo agad-agad? Nakapagpaalam ka na ba?"

"Oo. Worried nga si Tita kasi aalis na sila in two days at wala pa akong matitirhan. Gusto nya daw sanang may mahanap akong bahay bago sila umalis. Tsaka wala nang mga gamit sa bahay nila kasi binenta nila."

"Hala speaking of gamit. May futon ka ba? Isa lang kasi futon ko at dun ako natutulog habang wala pang kama."

"May camping bed roll ako kaya yun na muna gagamitin ko habang hindi pa ako nakakabili ng kama. Gwapo ako pero di ako maarte."

"Sus. Gaya-gaya." I said and he burst out laughing.

Sa tagal ng byahe ay nakaramdam na ako ng hilo. Wala akong motion sickness pero hindi ko talaga feel ang amoy ng taxi. Naku, Red wag kang sumuka! I silently told myself as I closed my eyes and leaned against the seat.

Strings of Fate (Kai fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon