"Hoy, biro lang naman."
"Kakaiba yung mga jokes mo, di ko maintindihan kung joke o pangiinsulto."
"Ang sensitive mo naman!"
"Ikaw naman ang insensitive."
"Pwedeng wag mo akong awayin? Buti nga sayo paa lang ang nainjure, sa akin yung puso ko dahil sa ginawa nung supot na yun! Yung utak ko kasi tangangtanga ako sa sarili ko na pumatol ako dun at yung pagkatao ko kasi ang pangit nya pero nagawa pa nya akong lokohin sobrang nakakainsulto!"
Tumawa sya uli ng malakas.
"Pero paano mo nalamang supot sya, Red?" He wiggled his brows and I scowled at him
"Excuse me ha, birhen itong kausap mo! Never been kissed, never been touched and never been penetrated!" He laughed harder. Lokong to.
"Pabayaan mo na lang ako kung gusto ko syang tawaging supot, walang bayag o mukhang tae."
"Hard mo naman, Red." He was grinning. "Pero hindi ko na pakikialaman yung pagiging mapakla mo sa ex mo. Kung gusto mong maging ampalaya, go ahead. Pero gusto ko lang sabihin sayo na ikakafeeling gwapo nya yang bitterness mo at wala kang makukuha dyan."
"Lakas makapayo ah, naging brokenhearted ka na ba?" I asked and he slowly nodded his head.
"Yun nga lang hindi kami pero parang kami. Malabo. YG University sya ako naman Sment kaya weekend lang kami nagkikita dati. Ayun, it didn't work. Pero okay na kami ngayon."
"Akala ko ba may nililigawan ka ngayon?"
"Oo. Classmate ko last sem."
"Good luck naman sa kanya."
"Para mo namang sinabing hindi ako great catch?"
"At dahil may utang na loob ako sayo dahil sa ginawa mo kanina ay sasabihin kong great catch ka. Aba, ang swerte nung babaeng nililigawan mo ha. At kung sino man yung tagaLB na hindi ginamit ang utak nya at pinakawalan ka, asus for sure naglalaslas na yun sa pagsisisi ngayon."
"Lakas mambola."
"Tuwangtuwa ka naman." I retorted. "Ibigay na lang natin tong mga isaw sa mga batang tumutulong sa parpapark ng kotse. Hindi ko na talaga kayang ngumuya." He readily agreed.
I offered na ihatid sya sa bahay nila but he refused.
"Iisipin ko pa lang na hindi ka pa nakarating ng Fairview tapos papasuungin kita sa ganung klaseng traffic at nagkakarerahang mga bus ay nakukunsensya na ako. Okay na ako, Ihatid mo na lang ako sa may shed sa University Avenue, para makapagabang ako ng taxi."
"Sure ka?"
"Oo nga. Ang kulit."
"Yung University Avenue yung daan papunta kay Oble di ba?"
"Oo. Magvovolunteer pa tong maghatid, University Ave. na nga lang di pa alam."
"Ang sungit mo! Nagmamagandangloob lang ako eh!"
BINABASA MO ANG
Strings of Fate (Kai fiction)
RomanceA red string of fate or String of fate is referred to red thread of destiny. The two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of time, place, or circumstances. This magical cord may stretch or tangle, but never break. Can t...