strings 15

34 2 1
                                    

A/n: Sorry it took this long for an update, I've been busy on school plus i have two ongoing story too. Hope you don't mind and enjoy ❤️

Hindi ko iminulat ang mata ko. Takot akong makakita ng hindi ko dapat makita. I was holding on to his towel for dear life. Pakiramdam ko kasi kapag bumitaw ako sa towel nya ay mahuhulog ako sa impyerno nang kahihiyan. Hindi ako gumalaw at hindi rin ako huminga.

"Holy crap-" I heard him say before I heard the sound of him running and his bedroom door closing with a loud bang. Kahit alam ko nang nasa loob sya ng kwarto nya nahihiya pa rin akong tumayo. Pero alam ko rin namang hindi pwedeng forever kaming mag-date ng towel nya sa sahig.

I scrambled to my feet and ran to my bedroon. Tarantang isinara ko ang pintuan ko at rinig na rinig ko ang malakas na kabog ng dibdib ko. "Ano ba yan, Red." I groaned as I covered my face with the towel I was holding. "Red! Para kang tanga!" I admonished myself. Wala naman akong balak hubaran sya. Gusto ko lang talagang gulatin sya pero ako yung nagulat. Aminado akong clumsy ako at sa kagustuhan ko tuloy na magantihan sya ay nagmukha pa akong manyakis. Pero, Lord hindi ko talaga sinasadya! Believe me, wala talaga sa isip kong mamboso! Diyos ko po, patawad!

Although wala naman akong nakita pero namula pa rin ang mukha ko dun sa nangyaring hubaran. I actually expected Gray to storm out of the house with his things. Alam ko namang kasalanan ko lahat, ako yung shunga, ako yung inelegantly uncoordinated. I looked at the towel I was holding and flinched. Itong towel na ito ay nakatakip sa hubad na katawan ni Griffin! I told myself. Nagdalawang-isip tuloy ako kung anong gagawin ko sa towel nya-kung lalabhan ko ba o susunugin.

Nagkulong ako sa loob ng kwarto ko at pinapakiramdaman ko kung lalabas ba sya o hindi. Alam ko namang hindi ko sadya pero hindi ko pa rin maiwasang mahiya. "Gray, lumabas ka, manligaw ka, mamasyal ka o kaya ay umuwi ka sa inyo utang na loob! Hindi kaya ng kapangyarihan kong harapin ka." I murmured to myself.

Feeling ko kasi kung sakaling nagkabaliktad kami ng sitwasyon at ako ang nahubaran nya ay naghuramentado na ako nang bongga. "Di bale, dito na lang ako sa loob at matutulog na lang ako." I said. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction nya-pwede syang magalit, maasar, mahiya o mas malala ay manukso. "Red kasi eh! Ang tanga mo!" I plopped on the bed. "Hay naku, Red!"

Gusto kong mag-sorry pero nahiya naman akong tawagin sya. Baka mamaya sa asar nya sa akin ay di nya ako pansinin. Ayoko pa man din nang napapahiya. Matutulog na lang sana ako noong narinig kong may humintong sasakyan sa tapat ng bahay.

"Delivery po para kay Miss Reighn Lu!" Someone shouted at napabalikwas ako sa kama.

"Red?" I heard Gray call my name. Lumabas ako sa kwarto ko at nakita ko syang naghihintay. He was wearing a pair of gray cargo shorts and light green round-necked shirt. "Yan na yata yung delivery mo." He said and I nodded unable to look at him. "Hoy, Reighn wag kang magpaka-demure dyan, di bagay sayo maging mahiyain." He sounded teasing.

"Tseh." I replied and he laughed. He was holding his phone and I saw him put it inside his pocket.

"Nahihiya ka sa akin?" He asked and I nearly growled in annoyance. "Sige na, kunyari hindi ko alam na hinubaran mo ako in broad daylight. Wala kang maririnig sa akin." Sabi nya habang pababa kami ng hagdan. "Uy, wag mo akong itulak!" Tawa sya nang tawa.

"Ang kapal mo!" I said and he laughed louder. "It was an accident! Gugulatin lang talaga kita dapat tapos natisod ako. Ikaw na lang ba ang huhubaran ko? Pwede ba?!"

"Awtsu. Deny pa to nang deny halata naman."

"Ang kapal mo, Gray!" Pinaghahampas ko sya sa braso at lalong lumakas ang tawa nya.

"Although expected ko nang ma-develop ka, Red but not this soon." Pagbibiro nya.

"Lul mo!" I replied as he continued to laugh.

Strings of Fate (Kai fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon