; Gray on the image, Crush na crush kasi ni Red mag smile si Gray lol;
--
Alam kong harmless si Gray in fact kung iri-rate ko yung danger level nya ay feeling ko kasing dangerous sya ng isang bear... isang teddy bear. Ewan ko ba kung bakit wala akong maramdamang malisya talaga sa kanya eh kung tutuusin ay lalaki sya.
Baka sanay na lang ako sa mga lalaki kasi lumaki akong may mga Kuya. Si Gray kasi may ganung aura ng protectiveness around him parang ideal na kapatid o kaibigang lalaki. Or baka rin feeling ko lang.
"Res."
"Bakit?"
"Sure ka bang okay lang sayo na dito ako titira?" He asked. Natahimik kasi ako after he said yes to my invitation dahil bigla akong napaisip.
Paano kung dadalaw sina Mommy? Paano kung nalaman nina Kuya? At higit sa lahat, paano ako magkaka-love life dito sa Sment kung may kasama akong lalaki sa bahay? Maiintindihan kaya ng aking future boyfriend na purely platonic at hindi romantic ang relasyon namin ni Gray? Dios mio, so many questions but the answers are so few... "Hoy, bakit nag-i-emote ka dyan? Pwede mo pa namang bawiin eh, di pa naman ako nagbigay ng reservation fee." He sounded like he was teasing but I knew he was worried too kasi less than a week na lang pasukan na at wala pa syang bahay na matitirhan.
"Yung totoo? Hindi ako sure." I honestly replied. "Takot ako sa stigma na kinakabit sa lalaki't babaeng nakatira sa iisang bubong. Baka isipin nilang nagli-live in tayo, may nangyayaring kababalaghan sa loob ng bahay o kung ano pa man. At feeling ko rin kahit hindi ka naman gwapo at iisipin ng mga future manliligaw ko na more than friends tayo."
"Dumugo ilong ko sa hindi ako gwapo." He answered chuckling.
"Siguro gwapo ka para sa iba pero hindi para sa akin. Ayoko sa mga lalaking Kayumanggi eh, parang nakakaimbyerna. Dapat kasi Maputi para lalaking-lalaki."
"Ayoko rin sa mga babaeng mahilig magmura, parang nakakabwisit. Dapat mahinhin at di magaslaw gumalaw para Dalagang Pilipina."
"As if may pakialam ako kung anong gusto mo."
"Wala rin akong pakialam kung anong gusto mo."
"Sinabi ko bang meron?!"
"Ayoko rin sa babaeng mahilig manigaw."
"At ayoko sa lalaking choosy! Chura mo!"
"Ayoko sa babaeng pikon."
"Ayoko sa lalaking akala mo naman good catch!"
"Ayoko sa babaeng hindi nakaka-take ng joke."
"Ayoko sa lalaking mahilig mag-joke hindi naman funny!" He started to laugh at lalo akong napikon.
"But I would love to be your guy best friend, Red." He said and I got a little confused. Teka lang, hindi ba nagbabalahuraan tayo, bakit nag-iba yata timpla mo? "Gusto ko ng kaibigang hindi mahihiyang sabihin kung ano ang ayaw nya sa akin. Gusto ko ng kaibigang tanggap ako kahit hindi ako maghilamos, maligo o magsuklay."
"Wait, bakla ka?!" Sayang naman genes mo, Griffin Dor. Ang gwapo mo kaya kahit ayokong aminin sayo.
"Saan galing yan? Gusto mong halikan kita?"
"Bakit ba kapag tinatanong ang mga lalaki kung bakla sila eh yan kaagad ang sinasabi? Madaming baklang marunong humalik ano!"
"Hindi bakla tawag dun kundi bi."
"Shucks, bi ka? As in?!"
"Red naman, gusto mo bang ikama kita?"
"Leche ka!" I replied and he laughed again.
BINABASA MO ANG
Strings of Fate (Kai fiction)
RomanceA red string of fate or String of fate is referred to red thread of destiny. The two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of time, place, or circumstances. This magical cord may stretch or tangle, but never break. Can t...