Strings 9

99 5 1
                                    

"Ano ito beauty pageant at ikaw ang organizer kasi nakalimutan ko ang sash ko?" Pag tataray ko sakanya. Hindi ko sya maintindihan. Ang laki ng problema ng intsik nato. Ano naman kung pang number twenty two ako? Kailangan ko ba tayaan yang two digits yang numerong na yan?

"Dapat kasi hindi ka na lang bumalik! Bumama kapa talaga!"

"Taragis naman oh! Eh ako na nga tong tumutulong! Ako na ngang hahatid sa isang walang kwentang tarantadong kagaya mo tapos ikaw pa may gana magalit!"

"Salamat sa walang kwentang tarantado ha, Red. Nakakataba ng puso." He sarcastically quipped. At lalo akong nabwisit.

"Bahala kana nga diyan!"

"Saan ka pupunta?"

"Uuwi na sa aking kaharian! Nakaka peste makipag usap sa isang mortal ng talipandas na tulad mo!" I angrily retorted as I walked back to my car.

"Sinira mo na lang din yung kinabukasan ko, panagutan muna at isakay mo na ako dyan sa kotse mo!" Lumingon ako sakanya at tumingin ng masama.

"Sumira sa buhay mo? Ano tingin mo sa akin? Shabu?"

"Dami mo pang satsat. Lumapit kana nga dito at alalayan mo ako."

"Gumapang ka papunta sa kotse ko! Walanghiya ka."

"Red!"

"Heh"

"Red! Ang sakit ng paa ko!" He called but I ignored him. "Red!" Haynaku ano ba meron sa Sment at may sapi ata tong lalaki na ito? Dapat talaga hindi na ako umalis Davao! Nyemas! Sarap gawing durian candy ang mga 'to. "RED!"

"Oo na! Andyan na!" I yelled as I went back to him. Inalalayan ko sya papuntang kotse ko, he open the door and let himself in.

Hirap syang iangat ang mga paa nya at ako naman todo aalalay. Mega assist.

"Salamat" He smiled and I glared at him. I walked to the driver's side and slid to seat. "Sorry na, Hindi mo naman sinadya sirain buhay ko."

"Ang kapal ng mukha mo ha! Ako? Ako talaga sumira sa buhay mo? Ano ba naman kasi meron sa lecheng twenty two na yan at naiinis na ako gusto ko nang ibangga tong kotse at matuluyan kana!"

"Mainitin talaga ulo mo noh?'"

"Eh ano naman? Ikaw nga ang liit ng kita mo kasi singkit ka wala kang nakikitang reklamo sakin!"

"Racist yang remark mo."

"Ay racist na ako? Diba mag kapareho tayong race? Bakit anong lahi ka ba?"

"Wag ka ngang sigaw ng sigaw. Sabi mo kasi maliit ang nakikita ko dahil maliit mata ko" He answered and for some reason I ended up laughing. Ang tanga lang kasi pakinggan nung sakanya galing. "Tapos ngayon tumatawa ka pa."

"It sounded so mongoloid coming from you." I retorded and he frowned.

"Ang lakas mo talagang mang insulto."

"Thank you" I answered before I sighed. "Ano ba, Gray. Ilang oras pa lng tayo nag kakilala pero lahat yata ng emosyon ko naramdaman ko na sayo. Kakaiba ka. You na talaga."

"Inlove kana sakin?

"You na talaga ang sobrang kapal!" I muttered and he laugh. "Ano ba meron sa number Twenty two?"

"Hindi mo ba natandaan? Diba sabi ko papakasalan ko ang pang number twenty two na lalapit sa akin!"

"Sus. Babae lang ang sinabi mo, Di mo ini specify na tao. Paano kung babaeng langaw pala ang umaaligid sayo na mas nauna sakin? Ano ka ngayon? Nakakabano yun paniniwala mo sa Horoscope na yan, Ano ba course mo? Bachelor of Arts in Divination at teacher mo si Proffesor Trelawney?" I asked and he doubled over in laugh.

Strings of Fate (Kai fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon