Lovefools
Ang problema sa mga ex? Ang tagal nilang mamatay, mga ipis. Iisa pa lang naman ang naging ex ko pero wala na akong balak dagdagan. Dinaig pa ni Albert ang pamilya ko sa sobrang dami nyang missed calls at text messages kinaumagahan. Masyadong papansin, mukhang paniki naman. Peste.
"Kailangan mong magpalit ng number, Red!" I told myself after I took a shower. Late akong nagising kasi hinintay ko ang text ni Gray na nakauwi na sya. At ang loko past eleven na nung tumawag kasi daw na-drain ang baterya nya. Mga lalaki talaga ang daming excuse. Hindi ba pwedeng mag-text habang nagcha-charge? Nakakapanis ng utak. Mumurahin ko pa sana pero wala na akong energy kagabi kaya pinalampas ko na lang.
My phone rang for the nth time at tiningnan ko muna ang screen to make sure na hindi si Albert ang tumatawag. I smiled with relief when I saw that it was my Mom. "Mommy!"
"Red, kumusta? Naayos mo na ba ang apartment mo? Nalagyan mo ba ng secondary locks? Nandyan na yung kotse?"
"Okay lang po, Mommy. Nailagay na yung secondary locks na pinadala ninyo sa akin. Tsaka pagdating ko dito kahapon nandito na yung sasakyan. Mabuti nga mabait yung may-ari ng apartments at napakiusapan natin na sya ang kumuha ng kotse sa pier."
"Oo, nakiusap ang Daddy mo sa kanya and we just sent him the paper works. Good thing, we saw his apartment's ad online."
"Oo nga po, he's nice. At tsaka ang ganda ng bahay. Yung nasa pictures, yun talaga ang itsura ng unit."
"Pasensya ka na, Iha hindi ka namin nahatid."
"I understand, 'Mmy. Alam ko namang hindi ka pwedeng hindi mag-attend sa conference tsaka si Daddy din may business deal na inaasikaso."
"Kung hindi lang sana nagtatampo ang mga Kuya mo sayo."
"Di bale po okay lang. Sorry po hindi ako tumawag ulit kahapon, may mga inayos pa po kasi ako." I said. At tsaka sobrang daming nangyari, nawindang ako.
"I understand. Yung mga Kuya mo hanggang ngayon galit pa rin kung bakit ka namin pinayagang mag-Sment." Mom said. Apat ang kapatid kong lalaki at ako ang bunso. Lahat sila walang asawa at ginawa na nilang hobby ang pakialaman ang buhay ko. Nagtampo ako na wala man lang isa sa kanila ang naghatid sa akin sa Manila but I was aware that they hoped I'd get discouraged and not push through with my plans.
"Alam mo naman sina Kuya, Mommy." I sighed. Malayo ang agwat ko sa mga kapatid ko. Mom was already forty-one when she had me kaya tuloy nineteen years ang gap namin ng panganay kong kapatid samantalang yung sinundan ko namang Kuya ay thirteen years ang tanda sa akin. Architect si Dad samantalang si Mommy naman nagma-manage ng real estate business ng pamilya.
"Alam mo namang ikaw ang bunso kaya paniguradong miss na miss ka na nila. Nagkita na ba kayo ni Albert?" She asked. I had a feeling na alam ni Mommy ang totoong rason kung bakit gusto kong mag-Diliman. Siguro ganun ang mga nanay, ramdam nila ultimo kalandian ng anak. At siguro din martir ang mga nanay kasi kahit alam nila ang totoong reasons behind your decisions ay pikit-mata ka nilang susuportahan para sumaya ka lang.
"Opo."
"Ayaw ng Daddy mo at ng mga Kuya mo kay Albert pero kung saan ka masaya, alam mo naman kakampi mo si Mommy."
"Hiwalay na po kami." I muttered and there was a pregnant pause on the other line. "May iba na po sya."
"Oh my God, baby I'm so sorry. Kelan pa?"
"Kahapon lang po. Kahapon ko lang din po nalaman na may girlfriend pala sya dito.
"Gusto mo bang umuwi muna dito sa Davao? Lumuwas na lang kaya ako para may kasama ka?"
BINABASA MO ANG
Strings of Fate (Kai fiction)
RomanceA red string of fate or String of fate is referred to red thread of destiny. The two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of time, place, or circumstances. This magical cord may stretch or tangle, but never break. Can t...