Strings 4

67 23 18
                                    

"Babaeng papakasalan mo? Mas malala pa ata saltik mo sa akin eh." I said. "At naniniwala ka pa talaga sa Horoscope horoscope na yan? So lahat ng kapareho mong zodiac sign ay makaka-meet din ng dalawang babae ngayon araw na to? Either mapapakasalan nya o mambwisit sa buhay nya? Grabe naman yan, Ano yan? Syncronized destiny churva?

"So hindi ka naniniwala sa Horoscope?" He said and I shook my head for an answer.

"Hindi noh. Ang baduy kaya." 

"Ganyan ka ba talaga?" 

"Na ano?" I asked

"Ang lakas mo din kasing manlait eh."

"Kelan naman kita nilait, aber?"

"Manggatso, tanga, baduy. Ilan lang yan sa flattering adjectives na narinig ko ngayong araw galing sayo."

"Ang sarcastic mo" I rolled my eyes on him and He chuckled.

"Thank you" He answered grinning.

"Itulak kaya kita para lubos na yang injury mo?"

"Ang sama mo. Buti na lang hindi na tayo magkikita ulit." He said and I laughed "Bakit ka nga pala umiiyak?" He ask

"Tsismoso lang?" Nakarating na kami sa Infirmary at tiningnan kami ng Guard.

"May rumble ba?" Tiningnan nya si Gray. "Po?" I asked. "Yang boyfriend mo nakasali ba sa rumble ika ko." 

"Ha?" Ano ba to si Manong Guard, Nakakangawit ng utak. "Hindi ko po sya boyfriend."

"At hindi po to rumble, Nasagasaan po kasi ako ng babaeng ito." Gray said while grinning. "Kung makapag sabi ka naman ng nasagasaan!" Naitulak ko sya at muntik na syang matumba buti na lang sinalo sya ni Manong Guard. "Sorry! Sorry!" Sabi ko sakanya nung tumingin sya ng masama sa akin.

Strings of Fate (Kai fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon