A/n: Hi guys! Gusto ko lang i-aware na this story is kim jongin x oc ito right? So hindi na po ako lalagay ng picture ni girl (Red character) kasi nga wala naman ako idea kung sino ilalagay ko, so ang point ko kayo na lang bahala mag imagine, kung gusto nyong ipotray sarili nyo, pwedeng pwede. And thank you sa kunting support here! Smiling gray on the media! L u v love ~
Pagkagising ko ay nasa sahig na ako at wala na sa bedroll. Hindi pala ako, kami pala. Gumulong-gulong yata kami habang natutulog at ang sakit ng leeg ko kasi dahil sa kung anong mahikang bumabalot sa apartment eh nakahiga ako sa tyan ni Gray.
"Ano ba naman! Aray, ang sakit ng leeg ko." I groaned. "Langya ka, Gray! Tinulak mo ba ako papunta dito?!" I demanded as I sat up. Ang sakit ng katawan ko, para akong nakipag-wrestling. Paano nasa sahig kami at since semento yun, ang lamig. "Hoy, Gray!"
"Ano na naman?" He grumbled as he rubbed his eyes with his hands before he opened them. Kumunot ang noo nya. "Bakit nandito tayo sa sahig? Aray, ang sakit ng likod ko." He complained.
"Ewan ko sayo! Siguro tinulak mo ako!"
"Ang sweet ko naman pala, matapos kitang itulak eh sinundan kita at gumulong din ako papunta dito. May gusto ka bang iparating, Red?"
"Kahit umaga, ang sarcastic mo, Gray!"
"Kahit umaga, ang ingay mo, Red!"
"Tumahimik ka! Ang sakit ng leeg ko! Mommy!"
"Baliw ka ba? Nasaan ang nanay mo?"
"Heh!"
"Good morning, Red."
"Good morning! Aray! Hindi ako makatayo! Nabali yata leeg ko. Ang tigas ng tyan mo kainis!"
"May abs ako eh."
"Sus. Lul." I murmured and he laughed. Tumayo sya at tinulungan nya akong tumayo bago kami parehong nag-inat.
"May muta ka."
"Nagsalita ang walang trace ng tuyong laway sa mukha."
"Hindi ako naglalaway." He said. "Baka ikaw yung naglaway kasi ang gwapo ng katabi mo kaya nilawayan mo ang mukha ko." He said. Kung ibang tao siguro ang nagsabi nun ay hindi ko lang sinapak kundi nilagay ko pa sa drum at binuhusan ng semento. Pero sa kanya, alam kong walang halong kalandian o anumang eklat kaya napapalampas ko.
"Dinuraan ko yang fezlak mo, mukhang tae kasi." I replied and he laughed again. "Tara, kain tayo ng breakfast sa Jollibee." Yaya ko sa kanya.
"Libre mo?"
"Ang bata ko pa para maging Sugar Mommy, ha. Tsaka ang ganda ko. Maghunos-dili ka dyan sa pag-i-imply mo na kailangan kong magbayad para sa atensyon."
"So aminado kang gusto mong makuha ang atensyon ko, Red?" He smirked.
"Gray, kung anong niliit ng mata mo ay yun namang kinapal ng mukha mo."
"I love you too."
"Pakyu." I answered before I left his bedroom. Hanggang kwarto ko naririnig ko ang halakhak nya. "Ang lala na ng tama sa utak nitong Intsik na to." I mumbled as I lay on my bed. Bumukas ang pinto ko at sumilip sya. "Hoy, di ka ba marunong kumatok? Anong sinisilip-silip mo dyan?! Binobosahan mo ako?!"
"Kaboso-boso ka ba? Wag feeling. At kakatok pa ba ako eh bukas na? Mukha naman akong tanga nun."
"So what's new? Matagal ka na kayang mukhang tanga."
"Alam mo, dahil sa kakalait mo sa akin, mai-in love ka talaga nyan. Ikaw rin, mahirap mag-fall sa isang tulad kong habulin."
"Habulin ng langaw, oo maligo ka kasi. Sus. Desperada lang? Ang daming papang naghihintay sa akin sa Sment eh sayo ko pa daw talaga mapiling ma-in love? Allow me to let you down gently, hindi kita type, hunghang! Kapal mo!"
BINABASA MO ANG
Strings of Fate (Kai fiction)
RomanceA red string of fate or String of fate is referred to red thread of destiny. The two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of time, place, or circumstances. This magical cord may stretch or tangle, but never break. Can t...