"Anak what gift do you want for your birthday?" tanong ko kay Z habang inaayos ang buhok niya bago ako umalis
"Ahm. Gift? Ahmm can I meet my daddy?" napatigil ako sa ginagawa ko dahil sa hiling niya
"You want to meet him?"
"Yes!yes! "
"If you meet him, is that a best gift for you?"
"Yes mommy!" nakangiting sambit pa niya kaya ngumiti din ako.
Is Azriel a perfect gift for her birthday? I mean... Z deserves to know na si Azriel ang tatay niya. I will tell her naman pero hindi ko alam kung paano.
"We'll see baby, but for now I need to go to my condo" sambit ko at pinatayo siya
"Be here at my birthday"
"Ofcourse" sambit ko at humalik sa kaniya
Kinuha ko ang susi ng kotse at ang hand bag ko tsaka inakay si Z palabas ng kwarto
"Mommy, mauuna na po ako" sambit ko
"Okay take care"
"Yes po. I'll be here tommorrow" sambit ko at humalik sa pisngi niya "dad" baling ko naman kay daddy at humalik din
"Ingat sa pag drive" paalala niya at tumango ako.
Sinamahan pa nila ako sa labas at humalik kay Z bago sumakay sa kotse.
Hindi na mahirap iwan si Z sa bahay dahil simula naman ng pumasok ako sa school ay tuwing weekend ako umuuwi.
Mahirap pero babawi ako sa anak ko kapag tapos na akong mag aral. Mahirap kasi kung uuwi ako sa bahay e napaka layo ng school ko.
Pag dating ko sa gate ng village ay bumusina muna ako sa mga guard at nakita ko ang pag saludo nila tsaka ako lumiko.
Nasa daan lang ang paningin ko at nakikinig sa tugtog hanggang sa makarating ako sa condo.
Pag pasok ko ay agad akong nag linis dahil dadating si Kayla at Maggie para sunduin ako dahil lalabas daw kami.
Hindi din naman nag tagal ay dumating na silang may dalang wine at mga pagkain.
We decided to watch movie and eat tsaka kami lumabas.
"You know, we should hang out with the boys" sambit ni Kayla habang nakaupo kami dito sa park
"Edi na out of place naman si Andrei kay Azriel at Zack" sambit naman ni Maggie
Hindi ako umimik ng sabihin niya ang pangalan ni Azriel. Hindi nila alam ang nangyari sa amin kaya nanahimik na lang ako
"Oy Atasha, anong label niyo na ni Azriel?" bigla ay pag tatanong naman ni Maggie.
"Ha? Ah ano. Wala ah" pilit na ngiting sambit ko
"Sus. Lagi kayong mag kakasama e tsaka si Z"
"Tumahimik ka na lang Maggie" bigla ay nag salita naman si Kayla
Kanina ay madaldal siya pero ng kamustahin ako ni Maggie tungkol sa amin ni Azriel ay napansin ko ang pag tahimik niya na parang napansin din ni Maggie iyon kaya di na siya nag salita.
Pare pareho kaming tatlong natahimik ng ilang minuto ng mapag desisyunan kong sabihin sa kanila na alam ko na kung sino ang tatay ni Z
"Hey guys. I found him"
"Sino?" tanong agad ni Maggie
"Yung daddy ni Z..."
"Weh? Sino?" gulat na tanong ni Maggie.
BINABASA MO ANG
Waves Of Love
RomanceHaving a family is great, but only when you are ready emotionally, physically and financially. Every teenager wants to enjoy their life before getting into a family because they believe that they can't do what they want when they are already a pare...