We prepare for our Maldives trip. Sobrang excited na ako dahil ngayon lang kami pupunta sa ibang bansa na mag kakasama.
Z is also excited, hindi naman niya first sumakay sa eroplano pero first time niya kasi mag travel sa ibang bansa.
Nag leave na din ako sa hospital at nakipag usap na din si Azriel sa teacher ni Z.
Papunta na kami ngayon sa bahay nila Azriel, doon kasi kami matutulog para malapit lang sa airport.
"Are you excited Z?" tanong ni mommy nang ihatid nila kami sa labas ng gate ng bahay
"Yes, wowa, I'm so excited" masiglang sagot niya sa kaniyang lola
"Have fun with your mommy and daddy huh"
"Yes po"
"Take care apo" pag singit naman ni daddy
"Yes po daddy" sagot ni Z.
Daddy na ang nakasanayan niyang pag tawag kay daddy. At wowa naman sa kaniyang lola
"O siya, mag ingat kayo. Mag message kayo kung paalis na kayo ng Pilipinas" paalala pa ni mommy bago niya ibigay sa akin ang maliit na bag ni Z.
"Yes mom. Message me kapag may problema dito sa bahay" sagot ko tsaka humalik sa pisngi niya ganoon din kay daddy.
"Azriel, ikaw na ang bahala sa mga prinsesa" paalala ni daddy na nakangiti pa kay Azriel
"Yes po tito"
"Daddy na sabi e. Ikakasal na kayo"
"Yes po daddy" sabay sabay kaming natawa dahil sa parang nahihiya pa si Azriel na tawagin si dad ng daddy.
"Ingat kayo" sambit ni daddy.
Sumakay na kami sa kotse ng maayos ni Azriel ang maleta sa likod ng sasakyan tsaka umalis.
Pag dating namin sa bahay nila Azriel ay wala doon si Aemi. Siguro ay nasa condo niya o kaya ay may trabaho pa.
Hindi na naman namin binaba ang maleta at ang isang maliit na bag na lang ang dinala ko dahil nandoon ang pamalit namin ni Z at ang isusuot namim papunta sa airport.
"Are you two hungry?" tanong ni Azriel ng maupo kami ni Z ng sabay sa couch
"Yes" sabay na sagot naman namin ni Z kaya natawa ito.
"Mag luluto lang ako. You can bring your things upstairs" sambit niya tsaka dumeretso sa kusina.
Well, nakatulog naman na kami ni Z dito once, noong umuwi si Persely, ang kapatid niya. Kaya alam ko na din ang pasikot sikot dito sa bahay nila. May ilang gamit din kami ni Z sa kwarto ni Azriel.
Umakyat na din naman kami ni Z. Tsaka inayos ang damit para bukas. Nilabas ko iyon sa bag para hindi naman gusot kapag sinuot.
Nag paalam din si Z na babalik siya sa baba para tulungan ang daddy niya sa pag luluto at ako naman ay nahiga sa kama hanggang sa hindi ko na namalayan ay nakatulog na ako.
Naalimpungatan ako ng may marinig akong hagikhik sa loob ng kwarto.
Dahan dahan kong minulat ang mata ko tsaka tumingin sa may bandang paanan ko.
Doon ay nakita ko ang nag lalarong si Z at panay ang saway naman ni Azriel sa kaniya para tumahimik ito.
"Shh... Z your mom is sleeping" sambit ni Azriel ngunit patuloy pa rin ang pag lalaro ni Z ng play dough.
"Hi" sambit ko ng maupo ako sa kama.
"Did we wake up you?" tanong ni Azriel
"No" pag sagot ko agad "kumain na ba kayo?"
BINABASA MO ANG
Waves Of Love
RomanceHaving a family is great, but only when you are ready emotionally, physically and financially. Every teenager wants to enjoy their life before getting into a family because they believe that they can't do what they want when they are already a pare...