Chapter 42

527 15 0
                                    

Months passed by. We already planning our wedding.

"Anong klaseng kasal ba ang gusto niyong dalawa?" tanong ni Aemi

Narito kami sa bahay para pag usapan ang kasal.

"Beach wedding" sabay na sambit namin ni Azriel tsaka kami nag katinginan at natawa

"Saang beach naman?" tanong ni Aemi tsaka nag note sa laptop niya

"Siargao" sabay ulit na sambit namin ni Azriel.

Hindi namin napag usapan ang bagay na iyon kaya pareho kaming natawa.

"Beach wedding? Why?" pag tatanong ni Aemi habang nakatingin sa laptop

"Well..." nilingon ko naman si Azriel para sabihing siya ang sumagot

"Doon nag simula lahat" sambit ni Azriel

"Actually, hindi doon. Sa gym" nakangising sambit ko ng maalala ko ang una naming pag kikita.

Noong natamaan ako ng yoga ball. Well Azriel told me na hindi siya ang nakatama noon kundi si Zack. Naikwento niya na sa akin noon iyon.

"Yeah. Sa gym kami unang nagkita. But sa beach nagawa si Z" agad ko siyang hinampas sa sinabi niyang iyon pero tinawanan niya lang ako.

"Nagawa si Z ha!" biro pa ni Aemi kaya nag tawanan kami.

"Laging nag kakasabay ang trip namin sa beach. Remember love? Una ay Siargao. You didn't know na andun ako?" tanong ko sa kaniya ng lingunin ko siya

"Ahmm... actually I know"

"You know?" kunot noong tanong ko naman

"Yeah" he just smiled

Napailing na lang ako sa kaniya.

"And then we met at La Union. Buntis ka na noon. Malaki na tiyan mo that time, and malapit ka na ding manganak. And then Boracay, kasama mo na doon si Z at gustong gusto ko na noon sabihin na ako ang tatay ni Z" sambit niya pa

"So, that is why you want a beach wedding huh?" tanong ni Aemi habang tumatango tango pa

"Yes" sagot ko

"Actually, there is another reason that I want a beach wedding" sambit ni Azriel kaya nilingon namin siya ni Aemi.

Nag taka naman ako doon kaya nanatili akong nakatingin sa kaniya at hinintay ang sasabihin niya.

"Nasa beach tayo noon ng marealize kong mahal na kita. Noong may nangyari sa atin na hindi ko inaasahan. No, pareho nating hindi inaasahan"pag tatama pa niya ng sinabi niya

"You know what? Sobrang nagalit ako sa sarili ko noon. Yes, I like you that time. Pero hindi ko ginusto na mangyari iyong bagay na iyon na walang permiso mula sa iyo" paliwanag pa niya.

Hindi man siya naka tingin sa akin ay ramdam ko ang sincerity niya. At naiintindihan ko na siya.

Lagi din niyang sinasabi na hindi niya ginusto na nangyari iyon sa amin dahil napakalaking pag kakamali daw ang nagawa niyang iyon.

Pero hindi siya nag sisisi dahil dumating si Z sa amin at noon niya din narealize na mahal niya talaga ako.

"That time, I knew that I love you. Pero hindi ko lang pinapansin. Dahil hindi ko naman inaasahan" pag dagdag pa niya.

Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kaniya. Pero ang alam ko lang ay hindi ko mapigilan ang aking ngiti kahit pa narinig ko na iyon mula sa kaniya

"Hindi naman kasi natin alam kung kailan tayo mag mamahal. Hindi natin aasahan yung darating na araw na mamahalin natin ang isang tao at hindi din natin alam ang dahil kung bakit natin sila minahal" sa wakas ay may nasambit na ako at tumingin na din siya sa akin

Waves Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon