Prolouge

1.8K 48 0
                                    

"Congratulations Ms. Fuego you are one week pregnant" sambit ng doctor sa akin

"P-po?" wala sa sariling tanong ko

"You are one week pregnat Ms. Fuego. Congratulations, you are having a baby" ulit pa niya

"T-thank you?" nasambit ko na lang

"I will give you an schedule for your check up okay? I will help you with this" sambit niya pa bago umalis sa harap ko

"Hindi! Hindi pwedeng mangyari to"

Nag asikaso naman ako bago umalis sa hospital at nag drive na pabalik sa bahay.

Hindi ko alam kung paano akong nakauwi ng maayos ganong ang daming pumapasok sa isip ko.

Pag patay ko ng makina ng sasakyan ko ay bumaba na din ako.

Kung kanina ay kinakabahan akong umuwi, naging triple pa ito ng makita ko ang sasakyan ng mga tito at tita ko sa labas ng bahay namin.

Nangangatog ang tuhod at ang bilis ng tibok ng puso ko habang papasok sa bahay. Halos mamuo na din ang ang pawis sa aking noo dahil sa kaba at takot kung paano ko masasabi sa magulang ko na buntis ako.

Na buntis ang nag iisang anak nilang babae...

"Huy, napaka bagal mo mag lakad"

Napapitlag ako ng gulatin ako ni Lucas mula sa likod ko

"Ha? A-andyan ka pala Lucas, late ka ata?" tanong ko sa pinsan ko

"Napatagal pa ang shoot namin" sagot niya lang tsaka tumuloy na sa loob ng bahay namin kaya naman sumunod na ako sa kanya

Happy Birthday to You
Happy Birthday to You
Happy Birthday, Happy Birthday
Happy Birthday to You

Happy Birthday to You
Happy Birthday to You
Happy Birthday, Happy Birthday
Happy Birthday to You

Kanta naming lahat ng makababa si daddy sa sala kasama si mommy.

"Happy birthday kuya" sambit ni tita Zeyha tsaka lumapit sa tatay ko

"Happy birthday kuya" ganoon din si ninong Ayden

"Happy birthday bro, tanda na hahaha" biro ni tito Marcus sa kanya

Binati na din siya ng iba. At ng ako na lamang ang hindi bumabati ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko

"Ano anak? Hindi mo man lang ako babatiin at yayakapin?" tanong ni dad sa akin

"H-happy birthday dad" nasambit ko na lang tsaka sa kanya yumakap

"Tara na sa kusina at ng makakain na tayo"  sambit ni Lola Mariz

Lahat kami ay pumunta na sa kusina at nag simula ng kumain at mag kwentuhan.

Kita ko sa ngiti ng tatay ko ang saya niya dahil naandito ang kanyang dalawang kapatid lalo na ang magulang niyang si Lolo Quin at Lola Mariz

Lalo tuloy akong napatahimik at nag isip kung paano ko sasabihin sa kanila ang tungkol sa nalaman ko kanina lamang.

Hanggang matapos kaming kumain ay ganon na lamang ang pagiging tahimik ko kaya naman hindi na nakapag pigil ang pinsan kong si Lucas

"Atasha, kanina ka pa tahimik ah. Nakakapanibago ka"

"Kanina ko pa din napapansin" sambit pa ng kambal niyang si Acxel

"W-wala" sagot ko na lang

"Atasha, may gusto ka bang sabihin?"

Ayun na naman ang kabang naramdaman ko ng si daddy na ang mag tanong

"Anak?" si mommy

"D-dad" baling ko kay daddy "m-mom" ganun din sa aking ina na nag hihintay ng sasabihin ko

"I have to tell you something..." kabadong sambit ko

"What is it anak? Is it about your entrance exam?" tanong ni dad

"Anak we know you can pass that exam, ikaw pa ba" sambit ni mommy

"H-hindi po iyon"

"Eh ano?" si daddy

"D-dad..."

"What is it Atasha? Pinapakaba mo naman ako"

"I'm p-pregnant"

Doon ay tumulo na ang luha mula sa mga mata ko...

Waves Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon