Sa lugar na ito, sa buhangin na ito nakita ko siyang mag lakad papalapit sa akin.
Mataray ang mukha, at hindi ako pinapansin.
Pero ngayon, nag lalakad siya papalapit sa akin suot ang mahabang bistidang puti, hawak ang mga bulaklak sa kaniyang kamay at may ngiti sa labi.
Agad akong napapunas sa pisngi ng maramdaman ko ang pag tulo ng aking mga luha.
Dahil ang babaeng papalapit sa akin ay ang babaeng matatawag kong asawa.
Siya ang ina ng anak ko, siya din ang taong hindi ko inakalang siya ang makakasama ko habang buhay.
***
Dati rati ay tuwing umuuwi ako sa bahay ay si Aemi ang sasalubong sa akin, kung may pasok siya o lakad ay wala.
Kaya ang deretso ko ay sa kwarto ko para matulog at makapag pahinga.
Kaya hindi ko din gusto ang umuwi sa bahay. Sobrang tahimik at kami lang ni Aemi ang tao doon. Madalas pang wala kami roon.
Pero ngayon, halos mapunit ang labi ko sa kangingiti dahil malapit na ako sa bahay.
Agad kong pinarada ang sasakyan sa garahe tsaka kinuha ang gamit ko bago sinara ang kotse tsaka nag lakad papasok sa bahay.
"Daddy!" salubong ng dalawa kong anak sa akin.
Agad akong lumuhod at binigyan sila ng halik sa tigkabilang pisngi tsaka tumayo ng lumapit ang asawa ko sa akin.
Yumakap ito sa akin kaya naman agad ko siyang dinampian ng halik at kinuha niya ang gamit ko tsaka nilagay sa coffee table.
Akay naman ako ng dalawang anak ko papunta sa sala at naupo sa couch, habang ang aking asawa ay dumeretso sa kusina.
Wala siyang duty ngayon sa hospital kaya pinauwi namin ang mga kasambahay.
"Daddy you look tired" sambit ng panganay ko na si Z na naka kalong sa aking hita
"Well, I'm resting now" sambit ko tsaka siya niyakap ganoon na din ang kaniyang kapatid
"Dad, I got stars!" masiglang sambit ng bunso ko tsaka tumalon at kinuha ang papel tsaka pinakita ang kaniyang gawa na naka perfect
"Wow, congrats anak. You're doing great" sambit ko tsaka marahan na ginulo ang tuwid, malambot at bagsak nitong buhok.
"Zadeus Aphraim" napalingon kami ng biglang bumukas ang pinto ng bahay
"Aevrex, Zadeus nga. Lagi ka na lang may Aphraim" pag saway ng bunso ko sa pinsan niya na akay akay ng mommy nito.
"Ninang" sambit ni Z tsaka siya nag mano dito.
"Hey, what brings you here?" tanong ng asawa ko na kalalabas lang mula sa kusina
"Hi, nothing" sagot ng best friend niyang si Lienel tsaka ito humalik sa pisngi.
Nag mano naman si Aevrex kay Atasha ganoon din sa akin.
"Oh, I'm gonna tell you something later. Just wait" sambit ni Tasha tsaka agad na pumunta sa kusina habang nag tatagkal pa ng apron.
"Hey, Az. Wala kang duty?"
"Katatapos lang. Upo ka" turo ko sa bakanteng upuan "wala kang trabaho?"dagdag ko pa
"Wala, off ko. And Aevrex wants to play with his cousin" sabay naming nilingon ang dalawa na nag lalaro ngayon sa gilid.
Si Z naman ay nakaupo sa sahig at nag susulat sa ibabaw ng coffee table.
BINABASA MO ANG
Waves Of Love
RomanceHaving a family is great, but only when you are ready emotionally, physically and financially. Every teenager wants to enjoy their life before getting into a family because they believe that they can't do what they want when they are already a pare...