AZRIELS' POV
"De Guzman, Azriel"
"Po?" tanong ko ng tawagin ang pangalan ko ng prof.
"Pwede bang turuan mo itong si Callejo. Paulit ulit na siyang nag dedemo ng gamit sa operation at paulit ulit din siyang nag kakamali"
Tumayo naman ako at lumapit sa kanila
"Sige po sir" sambit ko tsaka hinila ang likod ng polong suot ni Zack
"Siraulo ka talaga" sambit ko dahil alam kong inaasar niya si sir John
"Haha bakit ba?"
"Alam kong alam mo yang operating equipment na yan. Iyan ang pinag uusapan natin kagabi hanggang sa pag pasok kanina tapos hindi mo sasabihin ng ayos"
"Oo na. Idedemo ko na ng ayos" sambit niya kaya tinulak ko siya pabalik kay sir John
"Alam na niya daw po" sambit ko at bumalik sa upuan ko tsaka tiningnan si Zack na nag dedemo sa harap ni sir John
Zack is my bestfriend since grade school at hanggang ngayong college ay mag kaibigan kami. Hindi ko inaasahang sa med school din siya papasok.
Bumalik sa upuan niya si Zack ng matapos mag demo at sabay na kaming kumain ng lunch.
Napatigil ako sa pag nguya ng may babaeng lumapit sa kaniya.
Mukhang freshmen pa ito dahil hindi ko pa nakikita at mukhang mas bata.
"Hi" mataray na sambit ng babae at nilingon ko ang mga babaeng nag hahagikgikan sa gilid.
"Tsk" napailing na lang ako at nag patuloy sa pag kain.
Mga bata pero third year students agad ang puntirya
"Sorry ha kung bigla akong dumating my friends just said me to talk to you kasi you're handsome"
Napangiwi ako ng marinig ang sinabi niya.
Just said me? Ano daw? Pota. Ang harot tapos ganyan?
"Sorry ha. Pero may nililigawan na kasi ako" nakangiting sambit ni Zack
"Ay ganon? sayang. Loser"
"Ha?" napakunot noo na lang si Zack
"Wala" irap ng babae tsaka bumalik sa kaibigan niya
"Tsk. Hay naku" napailing na lang na sambit ni Zack
"Sumbong kita kay Kayla"
"Hoy! Grabe ka naman"
"Mambabata ka na ha" natatawang sambit ko
"Siraulo ka bro. Sila nalapit sa akin" pag angal niya habang patuloy na kumakain.
"Pero kamusta na kayo ni Kayla?" pag iiba ko naman ng usapan
"Ang tagal nga akong sagutin e"
"HAHAHA boi baka di ka sasagutin noon" asar ko pa
"Ulol. Inaakit nga ako noon sa summer e. Pupunta sa Siargo. Sama ka?"
"Pass" sambit ko dahil baka walang makasama si Aemi
"Damot mo naman boi. Bahala ka di ka na makaka enjoy next academic year"
"Bahala na" sambit ko na lang
Natapos ang buong mag hapon namin at umuwi na ako sa bahay.
Wala akong nadatnan sa bahay kaya agad kong tinawagan si Aemi
"Nasaan ka?" tanong ko agad ng sagutin ang tawag ko
"I'll be home late. May ginagawa lang kami ng groupmate ko"
BINABASA MO ANG
Waves Of Love
RomanceHaving a family is great, but only when you are ready emotionally, physically and financially. Every teenager wants to enjoy their life before getting into a family because they believe that they can't do what they want when they are already a pare...