Chapter 1

1.6K 32 1
                                    

"Anak, what are your plans? College ka na" sambit ni dad sa akin

"I'm planning to apply an entrance exam in UST. Nursing" sagot ko tsaka nag patuloy kumain.

Naandito kami ngayon sa isang resto para mag celebrate ng graduation ko.

Naandito ang lahat ng kapatid ni dad, si tita Azeyha kasama ang asawang si tito Marcus at ang kambal nila na si Lucas at Acxel na kasabay ko ding naka graduate, andito din si ninong Ayden kasama ang asawa niyang si ninang Marionne na pinapakain ang dalawang taong anak na babae.

Maging sila tito Miguel at tita Hannah kasama ang kanilang anak ay andito din ganun din si tita Mau at ang kanyang asawa at anak.

Naandito din si Lola Mariz at Lolo Quin.

"Hindi ko alam na gusto mo palang maging Nurse" sambit ni mommy sa akin

"Pero kahit ano man ang gusto mo ay susuportahan ka namin ng mommy mo, alam mo iyan anak" sambit pa ni daddy

"Yes po dad, and I won't disappoint you two" sagot ko ng nakangiti sa mga magulang

"I know you won't disappoint us, Atasha" sambit ni dad

"So goodluck on your exam ija" sambit ni Lolo Quin

"Thank you Lo"

"Parehas pala kayo ni Maureen e" sambit ni tito Miguel

"Kaya nga, ano Doc" sambit ni tita Zeyha sa kanya

"Oo Attorney Castro" nakangising sambit ni tito Miguel sa kanya

Nag katuwaan sila hanggang sa ang kambal na ang napag usapan

"Kamusta naman kaya ang artista natin dito?" biro ni Malliyah, anak ni tito Miguel at tita Hannah

"Tsk. Iyah, masyado mo naman akong pinapansin" sambit ni Lucas

"Madaming chix yan, naku mommy" biro ng kambal niyang si Acxel

"Stop Acxel. Why don't you tell us about the girl na lagi mong pinupuntahan sa EVC? HUH"

"What? Sino yun Acxel?" tanong ni tito Marcus

"Bakit ako? Si Atasha nakikita ko lagi sa coffee shop malapit sa CFU tuwing hapon"

"Bakit ako Acxel? Bawal ba mag coffee doon?" tanong ko sa pinsan ko na nandadamay pa

"Sus, coffee? Araw araw?" pangungulit pa niya

"Kaibigan ko mga kasama ko doon" sagot ko naman dahil iyon ang totoo

"Kaibigan daw?" pag sabay naman ni Iyah at Lucas kay Acxel sa pang aasar sa akin

"Dad, promise! I am always with my friends" sagot ko ng nakatitig sa akin si dad

Wala akong boyfriend, and I don't want to have a boyfriend.

"Wala akong sinabi Atasha" sambit pa ni daddy

"Eh kasi dad, yung titig mo nakakatakot" sagot ko sa kanya

"Ganyan lang talaga yan si kuya" sambit naman ni tita Zeyha

"Atasha, I allow you to have a boyfriend. But remember that you need to bring him at home para makilala namin ng mommy mo" paala ni dad sa akin bago lumingon kay mommy

"And if ever you have a boyfriend, know your limits okay? You're still 19" sambit naman ni mommy

"Tasha pakilala mo na boyfriend mo" asar pa ulit nitong si Acxel

"Ikaw! Di ka talaga mag titigil kakaasar sa akin?" asik ko sa pinsan ko

"Tsk. Pag yang boyfriend na sinasabi ni Acxel ay sinasaktan ka, sabihin mo lang papabugbog ko" biro naman ni Lucas

Waves Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon