[Entry 7-----]
Mhae’s POV:---
Good morning sa inyoooooooooooooooooooooooooooooooooooo!
Another day, another normal day!
Buti na lang sabado ngayon, I’m freeeeeeeeeeeeeee!
I can soar highhhhhhh, and touch the skyyyyyyyyyyyyyyy!
Keme lungs. Gusto ko gumala ngayon. Wala naman kasi akong gagawin dito sa bahay.
Miss ko na rin BFF ko. Puntahan ko kaya siya?
Kaso…. Baka galit pa rin siya sa kin.
Naku naman.
Eh kung… puntahan ko si Kim?
Nyaaa, wag na.
For sure, magiging topic namin si James bakulaw.
Arrrrghhhhh – Felix ….. T.T
“Mhaeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee! May naghahanap sayo! Bumaba ka muna rito!” sigaw na nanggagaling sa baba.
“Opo, papunta na.” pero bago ako bumaba, nag ayos muna ako ng buhok, nagpulbo. Nag ayos ng damit para naman mukhang tao ako kapag humarap sa kung sino mang nandun. Tapos, bumaba na ko agad. Pagkabukas ko ng pinto, isang nakatalikod na lalaki ang sumalubong sa kin.
“Hello? Sino sila?” nagtatakang sabi ko sa lalaking iyon. Pero di pa rin siya humarap, ngumingisi lang siya. Di nagsasalita. Yung feeling na ganyan? Sarap tadyakan promise!
“Ah, okay, di ka haharap? Matino akong kausap, kung ayaw, edi wag!” isasara ko na sana ung pinto pero bigla siyang humarap sa kin. Nakita ko ung mukha niya. Look familiar. Parang… parang… si James!
“Hi baby Mhae.” Isang magandang nilalang na nakangiti sa harap ko. OMEGED! Ang tangkad niya! He’s totally handsome. Napatulala na lang ako sa harap niya without saying anything. Kinikilig ako! Pero hep.. di pwede to. Dapat galit ako sa kanya! Dapat galit ako, inhale – exhale .. !
“You are not allowed to go in here without permission!” sinigaw ko habang nag-shushupi shupi sign sa kanya. That was the long term for LAYASSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSS!! Pero di ko masabi, nasa likod kasi si mama, kunwareng nanunuod ng TV pero nakikichismis. -_-
“Ok, okay! Wait. Give me a chance to ask permission.” Tinabig niya ko papaalis sa may pintuan at pumasok sa bahay. Dumiretso siya sa kinauupuan ni mama habang nanunuod ng TV. Tumabi siya, nakinuod ng TV at kumuha ng popcorn sa may mesa. Arggghhh! Ang kapal talaga ng mukha.
Tumingin siya sakin at kinindatan ako. Like…….aaaaaaaaaaaaaarrgggh! Cute thing. *0* Haixst! Hep – wag muna ngayon, dapat kong supilin tong lalaking to ngayon, sumusobra na sa kakapalan ng mukha. Hiyang hiya na ko sa kanya.
“Mrs. Laurente? Would you mind if I am sitting here next to you, watching television, eating popcorn and having some silly conversation at this moment?” sabi ni James while eating popcorn. Feeling close? Nya, kapal talaga!
“Oh no. do whatever you want.” Aba! Nag eenglish na rin tong si mama ah. Napakabad influence talaga nitong si James, baka mamaya ligawan din tong mama ko, nakow. Sabog mukha nito sakin! >.<”
“Thanks! Can I go with Mhae today? We’re about to have a date.” Anak ng…
“Hoy! Anong date! Date-deytin mo mukha mo! I won’t come with you! Lumayas ka nga dito kung ayaw mong tumawag ako ng pulis!”
“Kahit walang pulis dito?” pambabara ni mama. Speechless. Nanliliit ung isa kong mata. At ngumingisi naman tong si James. Napaka talaga! “Go ahead James, ihatid mo siya dito before 6pm ah.”