[Entry 8-----]
Dumiretso na agad ako sa bahay nina Mhae. Di naman kalayuan dito yun kaya nakarating agad ako sa bahay nila. Nakita ko si tita (mama ni Mhae) na nakatayo sa tapat ng bahay nila. Lumapit ako sa kanya parang tanungin kung nasan siya, pero sumagot lang ito na : “Nasa kwarto niya, nagmumukmok. Mukhang ayaw magpaistorbo”
“State the obvious, I didn’t get my perfect fantasy
I realized you love yourself more than you could ever love me
So go and tell your friends that I’m obsessive and crazy
That’s fine! I tell mine! YOUR GAY!”
Tugtog mula sa kwarto ni Mhae yun ah? Super lakas! Abot hanggang dito.
“Pwede ko po ba siyang pasukin? Ako na pong bahala magcomfort sa kanya.” Sagot ko kay tita.
“Sige, pasukin mo na. May susi ako ng kwarto niya. Tingnan mo na lang sa may ibabaw ng fridge.” Pagkasabi niyang yun, dumiretso na ko sa loob ng bahay nila’t kinuha ung susi.
“By the way,
I hate that stupid old pick-up truck
You’ve never let me drive!
You’ve been red-neck heartbreak
Who’s really bad at lying
So watch me strike a match on all my wasted time
As far as I’m concerned you’re just another picture to burn!”
Umakyat na ko agad sa kwarto ni Mhae. Papalakas ng papalakas ung tugtog. NP: Picture to burn by Taylor Swift. Naririnig kong sinasabayan ni Mhae ung kanta. Pero mas pangit to sa inaasahan ko.
-__________-
Binuksan ko na ung pinto, at bumugad sakin si Mhae na nakaupo sa kanyang kama at hawak hawak ung litrato ni James. Pinatay niya bigla ung music nung napansin niyang pumasok ako.
“Best, hinawakan niya kamay ko kanina….tapos…tapos…niyakap niya ko” sagot niya na medyo malumanay. -___________________________-
Tae, ang landi.
“He said, he truly loves me.” Oo narinig ko, kinareer mo naman? -________-
“Best, should I give him a chance?” she said coldly without facing me.
Hush. Ginayuma ba tong bestfriend ko? Wala namang nagawang magandang nakakakilig na nakakatuwa yang James na yan eh. Pansinin niyo sa mga unang entries, wala dba? So bakit pa bibigyan ng chance? Wala rin naming malalagay ung author jan. But geez, kailangan kong sumagot para naman makumpronta ko si Mhae.
“It’s up to you Mhae, kung confident kang di ka niya ulit sasaktan, then why will you give up?” I answered back.
Wala na siyang nasagot sakin. She stared back to the picture. Umupo na lang ako sa tabi niya at hinimas ang likod niya to show that I truly care for her.