Entry 9

53 1 0
                                    

[Entry 9-----]

Mhae’s POV:---

Tik tilaok ! tik tilaok!

-____-

Tik tilaok ! tik tilaok!

O____-

Tik tilaok ! tik tilaok!

-____O

Tik tilaok ! tik tilaok!

-____-

Tik tilaok ! tik tilaok!

O____O ?

De, joke lang. Dito na ko sa school. Panung magkakamanok dito.

Pasensya na ah. Boring eh. Dito ako ngayon sa loob ng room, nakaupo. Nakanganga. Walang makausap. Wala kasi si bestfriend eh. Nasan nga ba yun? -___________________________-

“You’re little hands wrapped around my finger

And it’s so quiet in the world tonight….”

F E L I X   C A L L I N G

Speaking of …. tumawag si Felix. Bakit naman kaya?

Mhae: Hello best? Asan ka ba? Late ka na ah.

Felix: Mhae! Nandito ako ngayon sa ospital. Sa may emergency! May nangyari sa ….

*tuut.tuut.tuut!*

Me: Wait! Felix! Ano nangyari …..

Me: Hello? Hello? Felix!

Binaba niya agad ung tawag. T-teka! Ano’ng nangyari?!

Tumakbo na agad ako papalabas ng classroom. Dumiretso agad ako sa may gate, kaso…sarado na ito.

“Manong…ahmmm, ano kasi eh…ahmmm” sinubukan kong magpaalam sa may guard.

“Oh, anong problema mo? BAWAL NG LUMABAS! Alas-otso na! Pumasok ka na sa classroom mo! Baka pagalitan pa ko ni Ma’am San Mateo kapag nakita akong nagpalabas ng estudyante!” sagot niya with matching sigaw.

Eto pinakachallenging sa lahat.

Napakahirap makiusap sa isang aserong gwardiya.

“Manong, please! Emergency po! Please ……”

“Di na uso yang palusot na yan! Araw-araw ko na naririnig yan.” -____________________-

Taena, wala na kong magagawa. Kailangan kong magmadali.

Tumakbo ako sa may Gate number 2. Walang bantay dun. Mga janitress lang ung nandun, nagwawalis sa may gymnasium.

“This is it. Kaya ko to!” sabay lunok ng isang baldeng laway.

Maya-maya’y inakyat ko ung gate number 2. Marming nakakita sa akin, pero deadma lang sila.

Wala namang teachers kaya gora lang!

Kaso….

Tae, meron ako ngayon. -_________________________-

Hassle naman oh!

Di bale, isang beses lang to mangyayari sa tanang buhay ko. Bahala na!

Mula sa itaas ng gate na inakyat ko, tinalunan ko na lang pababa para mabilis.

“Ouch.” >.< badtrip, ang sakit sa puson.

Tumakbo na agad ako papuntang paradahan ng jeep. Kaunti pa lang ung pasahero. And as usual, mag aantay pa un na mapuno ung jeep bago umarangkada. Kamalas-malasan naman oh. -__________-

Felix, wait lang ha. Papunta na ko.

Tinext ko na si Felix habang nasa jeep. Di rin katagalan, umandar na ito.

After 7mins.nakarating na rin ako sa ospital.

Tumakbo na ko papuntang E.R, at dun ko nakita si Felix na nakaupo at nakayuko.

“Best… ano nangyari?” dahan dahan kong sinabi habang dahan dahan din akong lamalapit sa kanya.

Humarap siya sakin na may luhang nangingilid sa kanyang mga mata.

“Best….si tita…..” sumagot si Felix.

Nasa tapat na niya ako at hinawakan ang kamay ko.

“Si tita….patay na…..”

Bigla kong nabitawan ang kamay ni Felix. Napaatras ako ng bahagya sa kanya. Nanikip ang dibdib ko’t nangilid na rin ang luha sa mga mata king mga mata.

“Best… sorry…” lumakas ang mga paghikbi ni Felix

“H-hindi…” napatakbo ako sa loob sa kung san mang parte ng E.R.

Hinahanap ko si mama, pero di ko siya makita.

Inisa isa ko ung bawat kwarto sa maliit ng E.R ng ospital na iyon.

At sa huling kwarto na pinasok ko, dun ko nakita ang isang babaeng nakahiga sa isang kama na may kumot na nakatulakbong sa kanyang muka at katawan.

Dahan-dahan ko tong nilapitan. Tuluy-tuloy pa rin ang pangingilid ng mga luha sa ‘king mga mata. Hindi ko mapigilan lumuha.

At mas lalo pa itong bumuhos nang maalis ko ang kumot na nakabalot sa katawan ng babae sa kama.

“M-ma….mama?” tinitigan kong mabuti ang babaeng nasa kama.

Hindi pwede……

Muli, bumuhos ng malakas ang mga luha sa mga mata ko. Sinubukan kong gisingin si mama.

Oo, tama! Gigisingin ko siya.

“Ma, gising na mama!”

Inalog alog ko ung katawan niya.

“Ma, ako po ito. Si Mhae…ma, bangon na…aalis na po tayo rito….”

Hindi pa rin niya minumulat ung mga mata niya…

“M-ma! Mama … ! Gumising ka nga dyan ma! Wag kang magbiro please…” lalong lumalakas ang pag-iyak ko. Hindi ko na siya mapigilan.

Hindi niya ko pinapansin.

Hindi niya minumulat ung mga mata niya.

Ginigising ko siya.

Pero, hindi niya ko pinapakinggan.

Ma…

Please……

Gumising ka!

Napayuko na lang ako sa kanlungan ni mama.

Umiiyak.

“Best…tahan na…” umiiyak na sabi ni Felix habang hinihimas ung likod ko.

My BF is your GFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon