Twenty One

776 13 0
                                    

Since Day One, You are there... 

I am waiting for Eunice and Sheka dahil sabay-sabay kami papasok. Nagulat nga ako na sasabay sa'min ni Eunice si Sheka eh akala namin susunduin na naman siya ni Red. And as usual Raiven is with Van. 

"Ang tagal!" sabi ko ng makasakay ako ng passenger seat at si Sheka nasa likod. I look at Eunice and she seems okay. 

"Si Sheka ang sisihin mo! Hindi na yata sanay sumakay ng kotse ko." sabi ni Eunice kaya napatingin ako kay Sheka na umirap lang. Hindi ko alam dahil simula kahapon parang iwas na iwas siya kay Red lalo na nung sinabi niya na hindi niya naman daw alam kung ano sila ni Red. 

Red really make my friend so quiet, huh.

"Ikaw naman?" tanong ko kay Eunice at ngumiti naman siya sa'kin at sa ngiti niya pa lang alam ko ng alam niya na ang dapat niyang gawin. 

Raiven texted me na nasa school na siya at ang tagal daw namin at kung may plano daw ba kaming magpalate. Tahimik lang kami buong byahe papuntang school at hindi ako sanay. 

Minsan nakakamiss din pala yung pagiging maingay ni Sheka. Hindi ako sanay na tahimik siya sana naman bumalik na siya sa dati mamaya. At ang tapang tapang niyang makipag-away kay Keycie sa cafeteria hindi niya naman matanong si Red kung ano ba talaga ang meron sila. 

"So Eunice tell us, what is really your plan?" tanong ko sa kanya habang naglalakad palapit kay Raiven na kasama na si Van. Napatingin din sa'min si Sheka na mukhang gusto din malaman. 

"Papayag ba naman ako na matalo sa babaeng yun? Ex siya di ba at ako ang niligawan, kaya may the best girl win, I think?" she said at natawa naman ako dun but I will support her kung yan ang alam niyang dapat gawin. 

"Ay bet ko yan! Ang sarap talaga ilampaso ng mukha ng babaeng yun eh! Ipamukha mo na mukha siyang paa!" sabi ni Sheka at mas lalo akong natawa lalo na at mukhang umiingay na siya. Kaunti na lang hindi na ulit titigil bibig niyan kakasalita. 

"Wow mga girls! Hawak niyo oras?" sabi ni Raiven ng makalapit kami sa kanila at napairap na lang ako dun. Pabor na nga sa kanya dahil ang tagal niyang nakakasama si Van. 

"Oh, bakit nandito ka pa?" masungit na tanong ko kay Van at natawa naman siya sa'kin at ginulo na lang yung buhok ko at tumakbo na paalis pagkatapos magpaalam. 

Naglalakad na kami papuntang room ng magulat kami ng biglang may tumapon mula sa second floor at ang malala si Eunice lang talaga ang nabasa pati si Sheka na nasa tabi niya kami ni Raiven hindi dahil mas nauuna saming maglakad yung dalawa. 

"Punyeta!" 

"Wahhhhh!" 

Tumingin ako sa taas at nakita ko si Keycie na nakangising nakatingin kay Eunice at dun ko din nakita si Nigel na mukhang gulat sa tabi niya at oo nga pala building 'to ng archi pero hindi ko naman expect na archi din pala yung babaeng yun. 

"Oh my god! Girls!" sigaw ni Raiven at lumapit na sa dalawa. Si Sheka na halatang galit na habang nagpapagpag ng uniform at si Eunice naman na nakatingin din pala sa taas at nakita kong kay Nigel siya nakatingin. 

Nung una lungkot ang makikita mo sa mga mata ni Eunice but later on nandoon na yung tapang. Yung tapang na meron siya na katulad ng kay Sheka. Sinundan ko si Eunice ng nakita kong paakyat siya ng second floor kung nasaan sila Nigel at dahil nga abala si Raiven sa pagtulong kay Sheka na kanina pa din nagrereklamo hindi na nila napansin yung pag-alis ni Eunice kaya no choice ako ang sumunod. 

Mamaya madamay na naman ako dito e! 

"Eunice! Wag ngayon, may klase tayo!" sabi ko pero mukhang hindi ko na siya maawat. 

Since Day OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon