Twenty Two

755 16 0
                                    

Since Day One, You don't believe me... 

Nandito kami sa clinic ngayon dahil sa mga kalmot na nakuha ni Eunice kay Keycie. Pusa ba yun? Grabe yung mga kalmot niya kay Eunice eh. 

"Talagang dinamay niya pa si Saffira!" sigaw ni Eunice and look at me with an apologetic smile pero umiling lang naman ako sa kanya. Wala lang naman kasi talaga yun. I am willing to fight for them at kung kailan kong madamay magpapadamay ako. 

Ganun sila kahalaga sa'kin. If someone will try to hurt them I will be hurt together with them. 

"Pasalamat talaga siya wala ako doon, kasi kung nandoon ako baka siya nandito ngayon!" sabi ni Sheka na napabalik agad matapos marinig nang nangyari sa cafeteria. Pero thankful na din kami na wala si Sheka doon dahil baka lalo pang lumala yung gulo. 

"Did she say something kung bakit ka niya biglang ginanun?" tanong ni Raiven at tumango naman si Eunice. 

"She said na bakit ko daw ba nilandi si Nigel." Napanganga naman kami doon.

"What the! Nilandi? Si Nigel nga ang unang lumapit sa'yo!" sabi ni Raiven kaya napatango naman kami doon. 

"Grabe teh, buti na lang hindi tayo maganda!" sabi ni Toni and as usual dahil nandiyan na si Sheka na kanina niya pa hinahanap nag-umpisa na silang magtalo. 

"Eunice?!" Napatingin kami sa pinto ng clinic ng biglang bumukas yun at doon namin nakita si Nigel na parang tumakbo pa papunta dito. 

Tinawagan kasi sioya nila Van para sabihin na nandito kami sa clinic lalo na si Eunice at mukhang sinagot niya naman tawag ng mga kaibigan niya kaya siya nandito na ngayon. 

"Okay ka lang?" Lumayo na muna ako kay Eunice at ganun na din yung iba para magkausap sila ng maayos dalawa. I look at the door at nakita kong hindi naisara ni Nigel yun ng pumasok siya kaya kita dito sa loob na nasa labas lang sila Kalen. Masyado na kasi kaming marami dito baka magalit na yung nurse pag bumalik. 

"Oo, okay lang." sabi ni Eunice at halatang iniiwasan tumingin kay Nigel. 

Lalabas na sana kami para magkausap yung dalawa pero natigilan kami ng magsalita si Nigel. 

"I'm sorry, dahil nakalimutan kong paniwalaan yung ipinaramdam mo. I'm sorry." Napangiti naman ako doon at nagkatinginan kaming lahat at lahat kami nakangiti. 

"Ano nga ba yung ipinaramdam ko?" tanong ni Eunice. Paano pa kami lalabas nito! Gusto naming lahat marinig yung mangyayari sa dalawa! 

"Lalabas pa ba tayo?" bulong ko sa kanila at lahat naman sila umiling dahil paniguradong sila din gustong malaman ang mangyayari sa dalawa at mukhang wala naman sa kanila na nandito kami 'e.

 Tumingin na lang ako sa labas at nagtama yung mata namin ni Kalen pero ako na agad ang unang umiwas. Naalala ko na naman yung mga sinabi ko kanina sa cafeteria. Bakit ko ba nasabi yun? Siguro because he mention my Dad kaya sobrang lakas ng loob ko na sabihin ang gusto kong sabihin. 

Ganun na ba talaga? Masyado nga ba akong naging dependent noon kay Kalen at kanila Dad para yun ang maramdaman niya. Dad is scared to leave me dahil alam niyang hindi ko kayang mag-isa. 

He always think that I can't leave without Kalen and them. Hindi ko nga ba kayang mag-isa? Hindi ko maisip dahil maikling panahon ko lang naman naranasan ang mag-isa yun yung mga panahong umalis si Kalen papuntang Canada but later on Raiven and the other came in my life. 

Ano nga ba ang pakiramdam na hindi kumakapit sa iba? Yung alam mo na kahit wala sila kaya mo. I really don't know that feeling. 

"That you like me?" Nawala ako sa iniisip ko ng magsalita na si Nigel at narinig na namin yung tawa ni Eunice. 

Since Day OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon