Seventeen

707 14 0
                                    

Since Day One, You are my responsibility... 

I am just staring at the ceiling habang yung mga kasama ko dito sa kwarto tulog na. I am just thinking if tama pa ba na maramdaman ko yung ganito. Tama ba na mahalin ko siya matapos ko siyang itaboy? 

"Itulog mo na yang iniisip mo, Saffira." Napatingin naman ako kay Raiven na katabi ko. Akala ko tulog na siya at mukhang hindi pa dahil ramdam niya siguro na ang lalim ng iniisip ko. 

"Paano nga ako matutulog, ayaw nga umalis sa isip ko." sabi ko at naramdaman ko namang tumayo siya mula sa pagkakahiga at humarap sa'kin. 

"Labas tayo?" tanong niya at tumango naman ako doon. We just stay outside of our room dahil we are staying sa parang pacottage. "So, ano nga?" she ask ng makalabas kami. 

"Iniisip ko lang na kung tama ba 'tong nararamdaman ko para kay Kalen matapos ng ginawa ko noon." I said ang sigh heavily. 

"Walang tama pagdating sa pagmamahal, lahat kasi ng tao nagiging bobo at tanga dahil diyan. Minsan nga nagiging duwag pa e. Kaya walang tamang pagmamahal Saffira, hindi lahat ng love story perfect." Napatitig naman ako sa kanya at nakita kong nakatitig siya sa kwarto kung nasaan yung apat. 

"Parang ikaw ba? Tanga pagdating sa kanya." sabi ko kaya nahampas niya naman ako. 

"Duwag lang hindi tanga, ayoko lang kasing sabihin sa kanya yung nararamdaman ko because I'm scared na baka bigla na lang mawala kung ano ang meron kami ngayon. Kasi di ba okay na kami ng ganito. Halos nagkakasundo kami sa lahat paano pag umamin ako? Baka maglaho lahat ng yun Saff." she said and smile sadly. 

And I understand her. Dahil ganyan din ang sinabi ni Kalen sa akin noon. That he is scared to lose what we have. 

"What if he likes you too?" Siningkitan niya naman ako ng mata at mabilis na umiling. 

Ang sarap sabihin na 'kung alam mo lang talaga Raiven, gusto ka din niya' pero hindi ko gagawin dahil nga ayokong pakialaman storya nilang dalawa. "What if, Raiven!" Inunahan ko na siya dahil baka hindi niya pa sagutin. 

"Edi tatanggapin ko, bakit ko naman hindi tatanggapin ang nararamdaman ng lalaking mahal ko di ba?" sabi niya at tumango naman ako doon. 

"So, inamin mo din na mahal mo na siya at hindi mo lang gusto." Pang-aasar ko sa kanya. At saktong pagkakasabi ko nun nagbukas yung kwarto ng mga boys at ang niluwa nun si Kalen at Van kaya mabilis akong tumayo at pumasok ng kwarto at iniwan si Raiven sa labas. 

Sinandal ko na lang yung sarili ko sa pinto nageexpect na baka may pag-usapan sila. Hindi ko naman kasi kayang harapin si Kalen after ng sinabi ko kanina. 

"What's up, Ven. Ano nangyari doon kay Saffira?" narinig kong tanong ni Van. 

"Ah, ano... Inaantok na kasi yun." Nakahinga naman ako ng maluwag ng matinong dahilan ang binigay ni Ven. 

"Matulog ka na din." Napairap na lang ako sa sinabi ni Van. Kung umamin na kaya siya. Tatanggapin naman siya ni Raiven e. 

"Sige, kayo? Saan ba punta niyo?" 

"Hindi makatulog si Kalen eh, kailangan ng pampa-antok." Tumawa pa si Van. 

At nang wala na akong marinig mabilis na akong pumunta sa kama at nagtalukbong ng kumot. Naramdaman kong humiga na si Raiven sa tabi ko pero nagpanggap pa din akong tulog kahit tinawag niya ako.

Baka saan pa mapunta usapan namin e.

Ako ang nahuling nakatulog pero ako din ang maagang nagising. Tulog pa din yung tatlo. I just get ready at paglabas ko ng CR isa isa na silang nagigising. Maaga kasi kami ngayon dahil medyo malayo yung bayan na pupuntahan namin dito sa resort kung saan kami nakastay. 

Since Day OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon