Araw araw, gabi gabi, pati na rin madaling araw nagigising ako at mapapasabing nalang na Sana nakakausap pa rin kita, kahit wala na akong karapatan...
"Hoy besh, ok ka lang? Ano bang tinitingnan mo?" Bumaling sya sa tinitingnan ko. Napaiwas ako ng tingin at malabo ang aking mata dahil sa luhang namuo sa aking mata. Kinurap kurap ko yon para mawala ang namuong tubig sa aking mata.
Nutrition Day namin ngayon. Nandito kami sa shade house naka assign. Yung mga bida bida ang nagluluto. Bahala sila! Mga pabida naman.
Di ko namalayang nakatulala na pala ako kala Rogue at Kim na naghaharotan sa may canteen. Pinagtitinginan sila. Masakit pa rib para sakin. Lahat siguro ng ex ko sa kanya lang ako nasaktan ng sobra sobra. Yung halos magbigti na ako dahil sa sakit.
Niyakap ako ng mahigpit ni Carla "Nandito lang ako para sayo besh... Wag mo nang tingnan para di ka masaktan. Gusto mo ba sugodin natin---" umamba syang tatalikod para tumungo ron pero agad ko syang pinigilan. Hinigit ko sya paupo. Bumuntong hininga sya.
Umiling ako. "Hayaan mo na sya... Kung san sya masaya, hahayaan ko na. Kahit anong pilit natin, kung ayaw na nya, ayaw na talaga nya." Tumayo ako at tumungo sa mga niluluto.
Maraming palaro ang naganap sa araw na ito. Halos nanunood lang kami ni Carla dahil masayang manuod, nakakatawa.
Gusto kong umalis dahil nakita ko si Rogue na sasali sa parlor games. Magsusuot sila ng dress at susuot ng sandals na may mataas na takong. Habang may paper plate na nakaipit sa magkabilang gilid ng tuhod at nakaipit sa siko at bewang habang namamaypay. Iikot sila sa tatlong taong nakatayo.
"GO! ROGUE!..." bumaling ng mabilis ang mata ko sa gilid sa malayo dahil sa sigaw ni Kim at mga kaklase nila. Pero si Kim ang may pinakamalakas na sigaw. Epal!
Gusto ko nang umalis. Napahawak ako sa braso ni Carla dahil ayaw kong isipin nilang ninunuod ko si Rogue. Ngunit imbes na umalis kami ni Carla ay hinigpitan pa nya pagkakahawak ko sa kanya. Tumatawa sya. Nanuod ako pero sa iba ang nakatuon ang aking mga mata. Kaso hindi ko maiwang hindi mapatingin sa kanya. Tumatawa sya habang mabilis ang pagtakbo. Hirap na hirap sa sandals. May lipstick pa at blush on.
Kalaunan ay nanalo ang Grade 9. Marami pa kaming napanuood. Masaya naman dahil sa mga palaro. Mapeh shirt at pants ang suot para malaman kung anong grade mo. Dark blue ang mapeh shirts ng Grade 10. Dark red naman ang sa Grade 9, Yellow sa Grade 8 at Green sa Grade 7. Na may logo sa tapat ng puso ng paaralan. Sa kanan naman ay may pababang nakasulat na M A P E H (Then, grade mo). Ang jogging pants naman ay pareho lahat. May CNC na nakasulat pababa sa kanang gilid at sa kaliwang gilid naman ay may nakalagay na M A P E H pababa. Kulay Dark Grey.
Nagsikain at nagpalit rin kami ng shirt dahil basa na sa pawis. Yung iba naman ay hindi nagpalit. Siguro ay ayaw nila.
Habang nasa cubicle ako nakarinig ako ng pamilyar na boses. Si Carla kasi ay nasa kabilang cubicle nagpapalit rin ng damit.
"Kayo na ba ni Rogue? Bagay kayo!" Tumili pa yong babae.
"Hindi no! Magkaibigan lang kami... Hahahaha..."
"Sayang naman! Bagay pa naman kayo... Diba may jowa yung Grade 10? Wala na ba sila?"
Alam kong si Kim tong kausap nila base sa boses.
"Wala na! Nakakasawa daw yon. Over Clingy..." Nagtawanan sila.
Narinig ko ang padabog na pagbukas ng pinto ng kabilang cubicle. Si Carla yong nandon! Nagmadali akong magpalit.
BINABASA MO ANG
MY LOVE IN CLOUDS - [COMPLETED✓]
Teen FictionLIFE IS SHORT, SO MAKE IT PERFECT. I JUST WANT TO BE HAPPY, WHY CAN'T IT BE GIVEN TO ME? IS IT HARD TO LOVE ME? I AM LAZY TO STUDY BUT I STILL WANT TO GRADUATE. "THE CLOUDS WILL CAUSE ME TO RISE IN LIFE".