Nagising ako sa ingay ng mga manok sa labas. Panay ang tilaok nila dahil umaga na pala. Hindi ko namalayan ang oras dahil madalas akong hindi makatulog ng maaga. Pano ba naman kasi, sumasakit lagi ang tyan ko. Parang may hangin sa loob na hindi ko maintindihan.
Nakita ko si Papa na nagkakape sa labas habang nakatingala sa langit. Tumungo ako sa kusina para magmumog at hilamos ng mukha.
Nang matapos, tutungo na sana ako sa kusina nang biglang binati ako ni Nanay at Mama "Happy Birthday, Bb eneng... 16 kana! Sweet 16."
Napaisip pa ako dahil hindi ko namalayang October 18 na pala ngayon. Hindi ko na kasi namamalayan ang petsa dahil maraming ginagawa sa School. At madalas rin akong magcellphone para hindi mag isip ng ng bagay na ikakasira ng aking isipan.
Habang tumatagal, nasasanay nakong wala si Rogue. Paunti unti ko nang tinatanggap na hindi talaga pwedeng maging kami.
Marami akong nakakachat na gustong makipagkaibigan o manligaw. Hindi naman ako pumapayag. Sumakatuwid ay iniiba ko ang aming usapan.
Dumaan ang mga araw ok na ulit kami ni Clein. Ayaw nyang pag usapan ang nangyari sa amin. Hinayaan ko na, ayaw ko rin naman na magkaaway pa kami ng dahil sa ginawa kong pang iiwan sa kanya.
Binati rin ako ni Papa. Nagulat ako dahil inabotan nya ako ng 500 pesos. Nagtaka pa akong kunin yon nang makaligo ako at makapagbihis. Nagsusuklay na ako ng buhok "Ano to pa?... Anlaki naman nito? Babayad ko ba sa tuition ko?"
Umiling si Papa "Para sa birthday mo yan... Ilibre mo mga kaibigan mo. Ubosin mo yan kung gusto mo." Anya at ngumiti. Gusto ko sanang ibalik kaso naisip ko yung damit na nagustohan ko sa palengke.
Kiniss ko pa si Papa mula sa likod, sabay yakap. Humalakhak sya.
Nang matapos ako sa pag aayos ng sarili ay lumabas na ako. Saktong pagpara ko ng tricycle ay syang may tumawag saakin "Bb eneng..." Tawag ni Tita Vergie. Lumapit ako sa kanya di kalayoan.
Inabot nya sakin ang 500 pesos. Nanlaki ang mata ko inilalayo ko yon sa kanya at umiiling habang nakangiti.
"Ano kaba... Sige na. Iyo na yan. Iyo na yan. Sayo yan! Happy birthday" agad nya akong hinigit at kiniss sa sentido. Ngumiti nalang ako.
Pinagtaboyan nya ako dahil andyan na ang tricycle. Gusto ko sanang ibalik ang pera ngunit nagrerehisterya na ang driver dahil hindi pako pumapasok sa loob. Kaya, pumasok nalang ako at kumaway sa kanila.
Nakatanggap naman ako ng chat sa mga kaibigan at kakilala. Nagbati sila at isa isa kong nereplyan habang sumasalampak ang hangin sakin.
Hindi ko namalayang nasa harap na pala ako ng School. Nakita ko si Carla na nakikipaglampungan kay Damzel habang nakapila sila. Friday kasi ngayon at may Flag Ceremony. Every Monday at Friday Morning ang Flag Ceremony.
Agad akong nakita ni Carla kaya niyakap nya ako sa gilid. Humalakhak ako. Pinugpog nya ako ng halik sa noo at pisngi habang nakayakap ang braso nya sa leeg ko.
Tumigil rin sya habang ngumingiti. Napailing ako sa kanya.
"HAPPY BIRTHDAY!..." pahabol pa nya.
May iba pang bumati saakin. Nang magpapasok na ay pumila agad kami. Lupang Hinirang, Panatang Makabayan, Mission & Vision at huli ang Philosophy.
Tatalikod na sana kami para pumasok sa kanya kanyang room nang pinapabalik kami at lumapit kami sa stage. Nagsalita ang isang studyante sa mic. Isa syang President ng SSG. "Good Morning, Students! Next week seambreak na natin. Gusto naming malaman nyo na kailangan nyong magpasa ng parol sa December 2... Yong lang! At Happy Birthday to Rizavin Vemtura!..." Anya at nilahad nya ang kamay nyang itinuro saakin. Tumingin ang nakararami saakin. Nagbati sila.
BINABASA MO ANG
MY LOVE IN CLOUDS - [COMPLETED✓]
Genç KurguLIFE IS SHORT, SO MAKE IT PERFECT. I JUST WANT TO BE HAPPY, WHY CAN'T IT BE GIVEN TO ME? IS IT HARD TO LOVE ME? I AM LAZY TO STUDY BUT I STILL WANT TO GRADUATE. "THE CLOUDS WILL CAUSE ME TO RISE IN LIFE".