LAST PAGE: CLEIN GONZAGA

60 11 2
                                    

Simula pagkabata kilala ko na si Rizavin. Kalaro ko sya tulad ng mga larong kalye. Ako lagi yong kakampi nya. Ewan ko pero gustong gusto kong pinoprotektahan ko sya. Ayaw kong hindi sya isasali o matatalo sa laro. Mas ok nang ako yong matalo wag lang sya. Madalas napapansin kong nagugulohan sya kung bakit ako nagpapatalo dahil alam naman nyang magaling ako sa laro na yon. Ngumingiti nalang ako at sinusuklian rin nya ng ngiti.

Hindi man lang kami nagkaparehas ng School nong elementary dahil ayaw ni Mama na don ako mag aral. Nagmaktol pa nga ako kaso ayaw talaga nya.

Masaya ako sa tuwing kasama ko si Rizavin. Yung pakiramdam na ang luwag sa kalooban. Malaya kayong nakapapagsabi ng saloobin.

Simula nang tumungtong kami ng high school. Pansin kong madalas syang mag ayos. Kahit pabango nya'y abot na abot kahit malayo ka. Parang ipinapangligo na nya yung pabango eh.

"Grabe naman yung pabango mo. Nasa court pa lang ako amoy na amoy kona." Sabi ko sa kanya habang naglalakad pauwi sa bahay nila.

Sumulyap sya sakin "Nagpictorial kasi kami para sa ID".

"Huh? Madadala ba yung amoy ng pabango sa pictorial?" Gulantang kong ani.

Hinampas nya ako sa braso "hahahaha... Nakakatawa ka talaga!..." Umiling sya habang tumatawa pa rin.

Damn this girl! I love seeing her smiling.

Napansin ko ang mapula nyang labi. Parang strawberry. "Saka ano yan?" Turo ko sa labi nya "Bakit pulang pula? Nasugat ba? O lipstick?" Kumunot ang noo ko sa sariling tanong.

Dumapo ang hintuturo nya sa labi nya "Ah ito? D mo to alam? Anong sugat? Hahahahaha... Grabe talaga pagkasama kita lagi moko napapatawa. Liptint to! Uso ngayon." Ngumisi pa. "Nababaliw kana." Hinampas nya ulit ako.

"Baliw sayo..." Pahina kong ani.

Bumaling sya sakin "Naks! Bumabanat na."

Tumigil sya. Nagulat ako. Itinuro nya ang bahay nila. Hindi ko namalayang nasa bahay na pala nila kami. Tumango ako at aalis na sana kaso hinawakan nya ang kamay ko at hinigit papasok sa loob. Hindi nako magtataka na dadalhin nya ako sa kwarto nya.

Napalibot ang mata ko sa kwarto nya. Puro agiw. Lawa at gulo gulong notebook sa gilid. Puros sapatos at sandals pa sa ilalim ng kama. Kumunot ang noo ko.

Bumaling ako sa kanya "Asan walis tambo nyo?".

Napalunok ako dahil tinatanggal nya paisa isa ang butones ng blouse nya. Sumulyap sya sakin habang nakatalikod. May sando sya sa loob. Napaiwas ako ng tingin. Pakiramdam ko pinagpapawisan nako.

"Bakit? Ewan ko. Bakit?" Nagugulohan nyang tanong.

Tinuro ko ang mga kalat "Ang kalat oh!" Tumayo ako at inayos na sa tabi nya ang mga hindi maayos sa pagkakalagay. "Maglinis ka naman. Ayokong nagkasakit ka dahil sa alikabok." Naubo ako nang pagpagan ang libro. Napabaling ako sa kanya. Tinanggal nya ang palda. Napakurap kurap ako. Pakiramdam ko mabibilaukan ako sa sariling laway di ko malunok.

Maglalakad sana ako palabas ng kwarto nya ng bigla syang humarap sakin. Sobrang lapit namin sa isa't isa. Pantay lang ang height naming dalawa. Sandaling titigan ang namayani saamin. Wala akong marinig na kahit ano sa paligid. Para bang kami lang ang nasa mundo. Tanging bilis lang ng kabog ng dibdib ko ang naririnig. Naririnig din ba nya yon?

Nabalik ako sa ulirat nang marinig ang boses ng kanyang Nanay. "Bb eneng! Nag aral ka ba naman ng mabuti?" Narinig kong ani ng kanyang Nanay mula sa labas.

Naglakad nako palabas. Muntik pa akong matumba dahil sa tayo namin kanina. Ang pinipigilang hinga kanina ay bumibilis ngayon.

Kinuha ko ang walis tambo sa may tindahan nila. Nagmano pa ako sa Nanay nya at ang Mama nyang nanunuod ng telebisyon.

MY LOVE IN CLOUDS - [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon