Naaasiwa ako dahil parati kong nakikita si Rogue tuwing nagpapractice kami. Pano ba naman kasi, todo practice na kami ngayon dahil next week ay Foundation na.
Magaling naman sumayaw si Rogue. Ngayon ko lang syang nakitang sumayaw. Sa pagkanta'y narinig ko namana dahil madalas nya akong sendan ng voice message (vm) sa messenger.
"HO!" nagulo ko ang buhok ko sa ilalim dahil sa inis! Pano ba naman kasi, isip ako ng isip sa kanya! Ayaw ko na eh! Kasi wala namanang pag asa.
"Hoy besh! Pansin ko, umaasa ka pa rin kay Rogue?" Anya nang nasa canteen kami dahil recess naman.
Nagkibit balikat ako, halata ba?
Tinampal nya ang kamay kong nasa mesa. Pinandilatan nya ako ng mata "Halata! Hindi ko man alam ang pakiramdam ng ganyan, Oo nasaktan rin ako pero nakamove on rin. Ewan ko ba, ang manhid nito eh" turo nya sa puso nya.
"Siguro besh, hindi mo lang sya minahal ng lubos." Napailing ako.
Ngumuso sya.
Sa totoo lang, umaasa pa rin ako na magkaron ulit ng Kami. Umaasa ako na babalik sya sakin, kahit alam kong wala nang pag asa.
Gabi gabi, napapatulala ako sa langit habang nasa bintana. Dinudungaw ang langit na madilim. Nagkikislapang mga bituin.
Inaabot ko yon at pinapangarap na sana 'May magmahal rin sakin, tulad ng pagmamahal ko sa isang tao. Yung mas mahal nya ko...'.
Napapagmasdan ko ang ulap na mabilis na hinahangin, nadadala kung saan saan. Parang isang ulap ang buhay ko. Isang hangin lang, maitataboy na. Iiwan na ang nakasanayang lugar.
September 25, 2019 naganap ang Foundation Day. 5am pa lang naron na kami para mag ayos. Pinaiksian ang palda namin. Si Mama pa nagtahi nito. Medyo nagbuka sya dahil sa pagkakatahi. Nakamapeh shirt naman kami at nakasentipid naman ang buhok namin. Habang may garter sa ulo na black na may nakasulat na supreme. May hawak pa kaming pompoms.
Alas syete ay nagsimula ang misa. Sobrang daming tao dahil Grade 7- 4th Year College ang nandito. Halos mahilo kana sa dami. Baka matumba ka nalang kung gutom ka dahil nakakahilo talaga. Sobrang ingay, hindi maiiwasan.
Nang mag alas otso na ay pinalabas na ang Grade 7, 8, 9 at 10. Sumunod ang Senior High na Grade 11 at 12. Huli ang mga college. Sobrang dami. Nagsimula na kaming maglakad dahil magpaparada pa. Panay ang saway nila Mam at Sir dahil panay ang ingay. Naglakad kami paikot sa sentro. Maraming nagpipicture at napapatigil para panoorin kaming sumisigaw.
"FRESHMEN! FRESHMEN! FRESHMEN!... GO! GO! GO! GRADE 7..." sigaw ng leader nilang nasa unahan. At sasabay naman ang lahat.
"8 BY 11! 8 BY 11! GRADE 8! GRADE 8!" sigawan nila.
"CLOUD 9! CLOUD 9! GRADE 9!"
"GRADE 10 IN YOUR AREA! GRADE 10 IN YOUR AREA! GRADE 10! IN YOUR AREA!..."
"GRADE 11! SEVEN ELEVEN! GRADE 11! SEVEN ELEVEN! GRADE 11! SEVEN ELEVEN! GRADE 11!..."
"BATALYON! BATALYON! BATALYON! DOSE! DOSENA! DOSE! DOSENA! GRADE 12!"
Sunod sunod na Grade ang sumisigaw ng ganon. Sa College naman ay hindi ko na maintindihan dahil malayo na saamin.
Nakikita ko ang mga taong nanunuod na nagvivideo, kumakaway kapag may nakikitang kakilala samin at ang iba naman ay pumalakpak sa tuwa.
Nang makabalik kami sa School ay nagsalita pa ang Principal, President, Stockholders at iba.
Pinatabi kami dahil mauuna ang Grade 7 sa pagperform. Napatalon ako ng bahagya ng may pumatong na kamay sa aking braso. Nakita ko si Carla iyon. Ngumiti sya habang nakatingin sa gitna kung saan gaganapin ang sayaw.
BINABASA MO ANG
MY LOVE IN CLOUDS - [COMPLETED✓]
Teen FictionLIFE IS SHORT, SO MAKE IT PERFECT. I JUST WANT TO BE HAPPY, WHY CAN'T IT BE GIVEN TO ME? IS IT HARD TO LOVE ME? I AM LAZY TO STUDY BUT I STILL WANT TO GRADUATE. "THE CLOUDS WILL CAUSE ME TO RISE IN LIFE".