Minsan maiisip mo nalang na bakit kapa nabuhay sa mundo kung masasaktan ka lang din naman. Hindi madaling mabuhay lalo na kung laging pasakit ang nararanasan mo.
Lalo na pag kinukumpara ka sa iba. Sobrang sakit yung ipagkumpara ka sa iba. Sabi ko sa sarili ko 'Kahit anong kumpara nyo sa kanya sakin, iba pa rin ako sa kanila'. Ayaw ko sa lahat yung kinukumpara ako kasi hindi naman ako yon.
"Ang galing talaga ni Emely no? Bat hindi ka don nagaya Bb?" Si Mama.
"Kaya nga. Galing na bata sa Emely! Andaming nakuhang awards... Ikaw kaya Bb kailan magkakaron? Baka hindi ka pa makapagtapos sa katamaran mo." Si Nanay.
"Magtatapos ako." Depensa ko.
Feel me? Yung kinukumpara ka porke hindi mo kasing talino ang pinsan mo.
"Kung hindi naman kaya... Hayaan nalang natin." Pagtatanggol ni Papa sakin.
"Kaya yan. Sya lang talaga ang ayaw mag aral. Pinapaaral hindi nag aaral. Puro pasarap sa buhay.........." Si Nanay.
Marami pa silang sinasabi pero hindi ko ininda. Sa makatuwid ay kinuha ko ang headset ko at sinalampak yon sa tenga ko. Araw araw nalang ganyan ang naririnig ko. Umagang umaga puro ganto, ganyan. Nakakasawa na!
Nakatanggap ako ng chat galing kay Rujan. Madalas kaming magchat at napapasaya nya ko. Ito nanaman tayo, ang rupok ko nanaman. Kung mahal mo talaga ang isang tao, kailangan mong sumugal kahit anong mangyari.
Buwan ng Hulyo ay lumipat bahay na kami sa Calabasa, Camarines Norte. Ayaw ko nga sanang sumama dahil mapapalayo ako pagpapasok. Yung dating kahit anong oras ako pumasok, ngayon kailangan kong maagang umalis para maaga akong papasok sa CNC. Mahirap pumasok pagmalayo ang bahay. Lalo na kapag umuulan dahil papasok kang basang basa.
Rujan:
Since... Matagal na akong nanliligaw sayo. Kailan mo ba ako sasagotin?Me:
Kung kailan mo gusto. Hahahahaha.Rujan:
Pano kung gusto kona ngayon? At saka bakit ka laging may 'Hahahahaha' sa chat? Mukha ba akong nakikipagtawanan?Me:
Gusto muna ngayon? Oh ede sige. Sanay lang akong may 'Hahahahaha'.Rujan:
Tayo na talaga? Sure ka?Me:
Eh sakin sure kana ba?Rujan:
Syempre sure ako! Magiging tayo ba kung hindi ako sure.Ganon ang nangyari sa nagdaang araw. Minsan pumupunta sya sa room para makakwentohan ako. Sa tagal, naging close kami sa personal.
"Ex mo pala si Levan?" Tanong nya. Nandito kami sa kabilang room na walang tao. Pang hapon kasi yung iba.
"San mo nalaman?" Tanong ko.
"Sabi nya." Anya. Potek! Sinabi pa talaga nya kay Rujan ha!.
Si Levan nagbreak lang kami mas lalong yumabang akala mo'y sobrang pogi eh maputi lang naman kaya pogi. Pota!
Nutrition Day at may mga palarong naganap. Pinagang hila ako ni Mam para sumali. Napasabak ako sa laro pero nahulog ang paper plate sa aking tuhod na nakaipit ron.
BINABASA MO ANG
MY LOVE IN CLOUDS - [COMPLETED✓]
Teen FictionLIFE IS SHORT, SO MAKE IT PERFECT. I JUST WANT TO BE HAPPY, WHY CAN'T IT BE GIVEN TO ME? IS IT HARD TO LOVE ME? I AM LAZY TO STUDY BUT I STILL WANT TO GRADUATE. "THE CLOUDS WILL CAUSE ME TO RISE IN LIFE".