PAGE 26

17 8 0
                                    



Bawat galaw ni Clein ay sinusundan ko. Bawat pagbalat nya ng oranges ay nagfeflex ang kanyang braso. Ang matigas nyang braso ay sumasabay sa bawat pagbalat nya non.

Tumingin sya sakin at nilahad ang binalatang orange. Imbes na kunin ko yon ay inilapit nya sa bibig ko. Binuka ko ng bahagya ang aking bibig para tanggapin iyon. Ngumiti sya.

"Sarap ba?" Anya.

Tumango at at tumabi sya sakin. Medyo ok nako. Nagdalawang araw lang ako sa hospital at pinauwi na rin ako ng doctor nang makitang ok na ang kalagayan ko. Si Clein ang nag alaga saakin. Ni ayaw pa nga umuwi pero pinilit ko sya at ni Mama. Si Papa kasi ay may trabaho.

Pasokan na at balik klase nanaman. Kunti lang ang nakaalam sa nangyari. Sinabi ko naman ang buod para hindi na sila umusisa pa.

Dumaan ang mga araw ay naging masaya naman. Tuwing uwian ay tumutungo na ako sa paradahan sa palengke papuntang Calabasa. Hindi na rin ako nakakapunta sa Manlapaz. Bihira nalang. Siguro dalawa o tatlong beses nalang sa isang buwan. Nang mag December ay nagkaron ako ng boyfriend. Through Chat lang kami nagkakilala. Pogi sya. Ewan ko ba! Simula nang nagbreak kami ni Rogue ay wala na akong minahal pa. In-add ko uli sya sa Facebook para naman hindi maissue na inunfriend ko sya non. Inaccept naman nya agad.

"Sa totoo lang besh... Gusto kong ichat si Rogue. Gusto kong kamustahin man lang sya. Ayaw kong hindi kami nagpapansinan. Sira na rin ang barkada naming mga taga Manlapaz. May kanya kanya na kasing tropa." Napailing ako.

Tinapik ni Carla ang balikat ko "Balang araw... Magkakaayos rin kayo. Kung may nasira man, maaayos nyo yan. Hindi man tulad ng dati, pero maaayos nyo yan. Tiwala lang!" Seryoso nyang ani.

Nagkibit balikat ako.

December 13, 2020 dapat ay Christmas Party namin. Kaso hindi ako sumali sa kadihilanang trese iyon. Malas ang number thirteen. Naniniwala ako ron, dahil ilang beses na akong napahamak pag  araw ng trese, lalo na pag bernes.

"Grabe talaga yon si Emma! Napakagaling! Sana ganyan rin yung anak mo no? Riza." Narinig kong sabi ni Nanay sa labas, alas otso ng umaga.

Bakasyon na after Christmas Party. Naalala ko yung nilibre saakin ni Clein. Tinago ko yon at isinusuot lang pag may pupuntahang importanteng lugar.


"Ewan ko baga dyan kay Bb eneng! Hindi magaling!" Puna ni Mama.

"Naku Riza! Dapat hindi nyo ini-spoiled yan! Puro cellphone ang inaatupag!"

Sa huling salita ay napadiin ang hawak ko sa cellphone. Agad ko yung tinapon sa dingding, katabi ng electric fan sa gilid. Natamaan ang gilid ng electric fan dahilan para matumba iyon. Narinig ko ang yapak nila papasok sa loob ng bahay.

Humiga ako sa kama at tumalukbong bg kumot. Naramdaman ko ang mainit kong luha na pumapatak.

Narinig kong nasa gilid na si Mama ng cabinet ko at si Nanay na nagbubunganga.

"AY JUSKO! ANG ELECTRIC FAN! NAPANO TO!... Ano bb? Bakit nasira to!" Garasgal na ani Nanay.

"Anong nangyari, bakit to natumba?" Narinig ko na bumaba ang boses ni Mama. Alam kong napaupo sya para tingnan ang electric fan na natumba.

Naramdaman ko ang balikat kong nanginginig sa pagtulo ng aking luha. Sumusinghap ako para makalanghap ng hangin sa loob ng kumot.

"Hoy! Napapano ka? Bakit nanginginig ka?" Naramdaman ko ang paghawak ni Nanay sa balikat ko at niyuyogyog ako.

MY LOVE IN CLOUDS - [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon