Di ko namalayan kung anong, araw na? Anong petsa na ba? Kasi ginugulo ako ng isip ko sa ginagawa namin ni Clein. Kahit lasing na lasing ako nun, naalala ko naman ngayon! Pota! Mas mabuti sana kung di kona naalala para hindi ako nagpaparaisip nun!
Si Clein at Ako? Potek! Hindi nako virgin! Hindi rin nagpaparamdam si Clein. Hindi sya nag oonline o magchat manlang. Kung dati madalas syang active, pero ngayon hindi. Naguguilty ako para kay Jessa, parang akong naging kabit! Lasing rin si Clein kaya di kona sya masisisi.
May pasok na! Agad nagpagawa ng New Year's Resolution ang English Teacher namin.
"Hay naku! Kahit naman magpagawa pa nito si Mam, hindi parin naman nagagawa." Ani Carla.
Kung ano ano nalang nilagay ko, nilagay ko pagbubutihan kona pag aaral kahit naman hindi ko talaga yon magagawa HAHAHAHA!
Dumaan ang mga araw namalayan kong bihira ko nalang maalala ang nangyari. Si Rogue ang madalas kong kausap, bestfriend nya si Clein kahit ilang taon pa lang sila nagkakakilala. Wala naman syang nababanggit about kay Clein. Hindi ko rin naman tinatanong.
Akala pa naman namin may Js Prom kami. Kaso wala! Dahil sa nangyaring bagyo. Grabe lakas na bagyo ang nangyari. Halos masira ang bubong namin dahil sa lakas ng hangin. 2 days ang bagyo. Sa Tita ko kami lumipat nila Mama dahil pumapasok na ang ulan sa loob ng bahay.
Balang araw bibili ako ng maganda at maayos na bahay. Mahirap maging mahirap, dahil mahirap yung nararanasan nyo. Ni wala kayong pambili ng kahit anong kailangan sa bahay.
Pagkauwi na pagkauwi ko sa bahay ay halos atakihin ako sa puso sa lakas ng kabog nito. Nakatanggap ako ng chat galing kay Rogue. Parang nawalan ako ng hangin sa loob! Oxygen nga! Pota! Totoo ba to?
Rogue:
Matagal ko nang gawin to. Kaso hindi ko ginawa, gusto kong magkakilala pa tayo ng lubos.Pwede bako manligaw sayo? Kahit hindi ako gwapo tulad ng gusto ng mga babae. Kaya ko namang ibigay ang pagmamahal sayo. Ipaparamdam ko sayo kung ano ang tunay na pag ibig.
Me:
Manligaw? Bakit ako? I mean, bakit ako eh hindi ako maganda bakit ako?Rogue:
Maganda ka! Ako nga ang hindi gwapo eh. Kung hindi pwede ok lang naman mag iintay ako kung kailan ka handa😊Sa totoo lang, gwapo sya. Gwapo talaga sya. Sya yung tipo ng lalaki na ma-appeal. Sa tangkad at ma-muscles nyang katawan hindi nako magtataka kung pati bakla ay pagpapantasyahan sya.
Me:
Ok lang naman sakin. Ang inaalala ko, ikaw! Sure ka ba?Rogue:
Ang tagal ko ngang mag intay na masabi to sayo eh! Sa tuwing nagkakasama tayo. Hindi ko masabi sabi dahil walang tyempo para masabi ko to sayo. Matagal na kitang gusto.Payag ka ba? Ligawan kita?
Potekkkk! Sure ba to? Papayag na ba ako? Sa totoo lang parang gusto ko na rin sya eh. Sya lang naman talaga ang iniintay kong magsabi.
Me:
Sige. Hahahaha...Nanginig pako sa pagtipa non ha!
BINABASA MO ANG
MY LOVE IN CLOUDS - [COMPLETED✓]
Teen FictionLIFE IS SHORT, SO MAKE IT PERFECT. I JUST WANT TO BE HAPPY, WHY CAN'T IT BE GIVEN TO ME? IS IT HARD TO LOVE ME? I AM LAZY TO STUDY BUT I STILL WANT TO GRADUATE. "THE CLOUDS WILL CAUSE ME TO RISE IN LIFE".