PAGE 27

27 9 0
                                    

February 17, 2020. Araw kung saan gaganapin ang JS Prom, kaso hindi ako nakasali dahil walang kapareha. At sa kadahilanan na nag iisa ka rong sumasayaw. Mukhang tanga! Marami ring hindi sumali sa mga kaklase ko.

"May kumakalat na Virus ngayon sa China. Sa Wuhan daw ito nagsimula.............." Narinig kong balita sa kapit bahay namin na nanunuod ng Umagang kay Ganda.

Pumasok ako sa eskwela at maraming naririnig na kwento kwento tungkol sa kumakalat na Virus. Nung December 2019 pa ito nagsimulang ibalita. Pero ngayong Marso 2020 ay kumakalat na sa mundo. Sa April 6, 2020 dapat ang aming Moving Up Ceremony. Kaso hindi natuloy dahil March 14, 2020 pa lang ay ipinatigil ang pagpasok sa eskwela. Tinawag na COVID-19 ang Virus na kumakalat sa mundo. Natakot pa ko dahil marami nang namamatay. Ni hindi man lang kami nagkapaalaman ng mga kaklase ko! Gusto ko pa namang i-trashtalk yung kaklase kong mga bida bida. Char lang! HAHAHAHA...

Ang nakakatawa pa. Si Carla, February 22 pa lang ay bumili na ng dress sa Central Plaza Mall para sa Moving Up na magaganap. Kaso di natuloy. Potek! Pink dress sana ang suot namin sa moving up.

April 6 may nakita akong nagpost na nakapink dress sila at naka make up pa. Caption 'Moving Up sana namin ngayon'.

Dumaan ang mga araw at naging mahigpit. Bawal kang lumabas. Kailangan mong nag face mask at face shield. Kailangang may Quarantine Pass ka. May araw din kung kailan ka dapat aalis ng bahay. Social distancing. Nagkawalaan ng Alcohol sa mga tindahan. Lalo na ang mga delata at mga pagkaing madaling lutoin ay nagkaubos ubos na. Naaawa pa ako kala Mama dahil nagkakawalaan na ng bigas, wala kaming pera pambili ng isang sako.

Sobrang nakakabagot pa dahil cellphone lang ang hawak ko. Wala naman mapaglibangan sa tv dahil wala kaming tv. Malabo at mahirap humanap ng cignal.

Madalas kong kausap ang mga kaibigan ko. Ang bagot ko'y naiiwasan sa pamamagitan ng mga kaibigang laging andyan sayo.

Makakaranas ka ng lagnat, ubo at sakit sa lalamonan. Maaaring may Covid-19 Virus kana. Nakakatakot pa nga dahil isang araw nagkasasipon ako na may kasamang ubo.

Me:
   Besh, pag may sipon ba may Covid na?

Carla:
   Wala ata. Bakit may sipon ka ba?

Me:
   Inuubo ako at masakit sa lalamonan. Nakakatakot. Nanuod ko sa Facebook yung mga tao sa Italy ata yon. Sinunog ang mga patay. Pota!

Carla:
  Gago! Baka may covid kana! Hahaha... Kakatamad dito sa bahay! Gusto kong gumala! Yung dress di man lang nagamit! Hahahahaha... Kaya nga! Sa Italy nga. Nanuod ko yon sa Tv Patrol. Parang nasa malaking kawa. Tapos hinuhulog mga bangkay. Nasa track ata. Damn! Nakakaawa. Parang nasa impyerno. Kakaawa.

Totoo yon! Nakakaawa talagang tingnan yong mga bangkay. Parang mga basura na susunogin. Pero kung hindi naman yon sinunog ay maaaring kumalat pa ang Virus. Milyon milyon na ang namamatay. Nagmula raw ang Virus sa paniki. Ang sabi naman ng iba, nagawa daw ng Virus ang Doctor sa Wuhan,China. Gusto daw kasi nilang umunti ang tao sa mundo. Sabi'y gusto raw angkinin ng China ang Hongkong para mapasakamay nila iyon.

Buwan ng Mayo, sobrang higpit! Wala kang maririnig na ingay sa labas. Wala kang makikitang kahit na isang tao na dumadaan sa labas. Para bang unang araw pa lang ng mundo. Si Papa ang mayroong Quarantine Pass.

Wala akong ginawa sa nagdaang araw kundi magWattpad at Mobile Legends. ML10 ang niloload ko for 3days sa TNT.

Lagi kong nakakachat si Clein. Paminsa'y nagvivideo call kami. Lagi rin syang nasa bahay. Akala ko madadrop out sya pero naalaman kong nakiusap ang Mama nya para ipasa nalamang. Nagloko kasi sya pag aaral. Ngayong Lockdown ay nasa bahay lang rin sya.

MY LOVE IN CLOUDS - [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon