SHAWN POV
PAPALAPIT NA ang gabi nang makabalik kami galing sa pag-skuba diving, ang huling activity namin ngayong ikatlong araw ng trip. It was a tiring day but we had so much fun. Hindi masyadong mainit ang araw ngayon, medyo madilim ang kalangitan mula kaninang tanghali hanggang ngayon. Pero kahit ganun ay hindi umulan.
Dumiretso ako sa hotel room namin, wala pa si Jayce nang pumasok ako. Nakakalakad na siya ngayon ngunit hindi siya sumali sa mga activities na ginawa namin ngayong araw dahil hindi pa masyadong magaling ang paa niya. The teachers told him to stay behind and till now I didn't see him the whole day.
Pagkatapos kong mag-shower at magpalit ay lumabas na ako sa room namin at bumaba. Alas singko palang ng hapon at hindi pa pala masyadong madilim sa labas. Marami akong nakikitang kaklase ko at bumabati sa akin habang nag-iikot ako sa resort.
May hinahanap ang mata ko nang hindi ko naman mahanap-hanap. Umupo ako sa bench malapit sa papasok sa bar area ng hotel. Hindi pa ako pumapasok diyan para uminom dahil sa ibang lugar kami noon nag-inuman kasama ang roommates ni Cleevan.
Bumuntong hininga ako at nilabas ang phone ko sa bulsa. Magpapa-music sana ako nang may tumawag ng pangalan ko.
"Shawn!" Tumingin ako sa taong tumawag sa akin.
"Bakit?" Tanong ko kay J-Jhay, speaking of inuman. Siya pala yung isa sa roommates ni Cleevan, meaning isa rin siya sa kasama kong uminom ng alak sa nakalipas na araw.
"Nakita mo ba si Evan o si Bobby?" Tanong niyang patingin-tingin sa paligid at hindi mapakali.
"Hindi. Bakit mo naman hinahanap ang dalawa?"
"Eh kasi." Napakamot ito sa batok niya bago tumingin sa akin.
Naghintay ako ng sasabihin niya at hindi nagsalita.
"Kasi... natalo ako sa pustahan namin ngayong araw e. Kaya iiwas na muna ako sa kanila, hanggat hindi ko napipilit makipag-date sa akin si Bellanca." Sabi nitong namumula pa.
"Yun lang pala e, akala kona kung ano." Sabi ko sa kanya. He smiled sheepishly.
"Hehe, oo nga pala. Bagay mo iyang hikaw mo ah, ikaw napili?" Tumango ako, hinawakan ko ang tainga ko at pinaglandas ang aking mga daliri sa malamig na bagay doon.
"Pero bakit sa kanan?"
"Why? akala ko ba bagay ko i—"
"Hindi kasi Shawn, kapag may hikaw ka sa kanang tainga kasi ay, ibig sabihin nun ay homosexual ka, kapag sa kaliwa naman daw ay straight ka daw." Natawa pa siya pagkatapos niyang sabihin.
"Seriously? saan mo naman napulot yang sinasabi mo?" Tawang tanong ko kahit na kinakabahan na ako.
"Uhm narinig ko lang naman hehe."
Napailing nalang ako. "Sige na ha, magtatago pa ako hahaha."
I nodded as I patted his shoulder.
Napabuga ako ng malalim bago maglakad patungo kung saan. Pumasok ako sa pool area, nakarinig ako ng ingay sa kanang bahagi. At doon ay nakita ko si Jayce kahit na medyo madilim dito dahil hindi lahat nakabukas ang ilaw ay alam kong siya iyon. Siya lang ang nagkapagpapatibok ng puso ko ng ganito kabilis.
Lumapit ako sa kanya na nakaupo sa gilid ng pool, hindi niya namalayang nasa likuran na niya ako dahil kita ko kung gaano siya kaseryoso sa paglalaro niya ng online game. I chuckled seeing his cute face pouting when he lose as he kicked his foot on the water.
Tumabi ako sa kanya at agad umakbay sa balikat niya na nagpagulat sa kanya.
"Losing the game huh?" I asked smirking.
BINABASA MO ANG
FALLING FOR YOU (Ongoing)
Teen FictionJayce Luca's life is very mysterious. He didn't even know why he needed to be protected in the first place. So, to feel his freedom despite of how mysterious his life especially his father, he became a carefree student. Not until he met this transfe...