Chapter 11 - Long time no see

197 12 0
                                    




Claire's POV


Lunch break ngayon dito sa trabaho. Nasa office lang ako, nag-iisip kung ano ano. Nagyaya sila Zoe para kumain sa mini kitchen namin dito pero humindi ako.

Ginugulo kasi ng isip ko ang sinabi sakin ni Kuya.

It's my Dad's birthday next, next week. Ininvite ako ni kuya pero hindi naman ako in-invite ni Dad. Sabi naman ni Kuya na pupunta sila dun sa amin, hindi ko alam kung sasama ba ko o hindi.

Baka hindi na lang siguro? Hindi na ko welcome dun eh. Diba?

Napabuntong-hininga nalang ako at minasahe ang sentido ko.

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung ano ang una kong iisipin.

You know what, I think I need to eat para hindi na ko mag isip kung ano ano.

Tumayo ako saka kinuha ang bag ko. Tinext ko si Zoe na lalabas ako, okay lang ang sinagot niya.

Pagdating ko sa malapit na cafe, hinawakan ko ang handle pero nagulat ako nung humawak sa kamay ko.

"I'm sorry Miss." rinig kong sabi ng lalaki at inalis ang kamay niya sa kamay ko.

"It's okay——Michael?" Pagkaharap ko sa kanya ay nagulat ako nung si Michael pala yun.

Nanlaki din ang mga mata niya na parang hindi niya inaasahang makikita ako.

"Claire?" Tulala parin niya kong pinagmamasdan na parang nakakita siya ng multo.

"Hey." Bati ko sa kanya.

"How are you?" Tanong niya.

"Gusto mo munang pumasok." Sabi ko tsaka binuksan ang pinto.

"Oh yeah. Go in." Sabi niya ag siya na ang may hawak ng pinto. Pumasok naman ako at pumili.

Um-order muna ako tsaka sumunod si Michelle. Pagkakuha namin ng mga in-order namin umupo na kami.

"So how have you been?" Tanong niya.

"I'm fine. Nothing change really haha." Natatawang sabi ko. "You?" Pagbalik ko sa tanong.

"I'm good. Okay naman ang lahat, busy lang sa trabaho."

"That's good, just don't stress yourself at work."

"Haha. I can't help it, dun ko lang tinutuan lahat ng atensyon ko."

"How's Kat and Tita pala!" Pag-iiba ko.

"They're okay now. Kat is still hurting but she accepted the truth that our parents are not going to be together anymore."

"Pero nakikita rin niyo pa rin ba ang Daddy nyo?"

"Yeah. Sometimes but mostly ako hindi. I don't want to see him."

His jaw clenched kaya naisip kong galit siya sa Daddy niya.

"Kailan ka pala umuwi dito?" Pag-iiba niya.

"3 months ago...I guess?" Hindi siguradong sagot ko.

Nakalimutan ko kung kailan ako umuwi dito eh.

"And you didn't bothered telling me?" Taas kilay niyang tanong.

"I didn't know you wanted to know that I'm back."

"Of course I want to know."

"Bakit?"

"Anong bakit? Hindi ba pwedeng, I just want to see my ex?"

"Ay grabe." Tumawa siya.

"Just kidding, Kat always asked me where you are. Hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko dahil bigla ka nalang nawala noon after you and...him broke up."

Hindi ako nakasagot. Hindi kasi ako nagpaalam sa mga kaibigan kong umalis ako at hindi na babalik. Pero tinext ko naman sila, siguro hindi lang nasama si Michael dun haha.

"I went to Australia. Dad and I had an argument then he disowned me kaya kailangan kong umalis sa bansa to redeem myself."

"I'm sorry." I smiled at him.

"It's not your fault," I said, smiling.

"I stayed there for the past 6 years. Wala rin tayong communication para sabihin ko sayo ang nangyari." Tuloy ko. He chuckled.

"Maybe I can get your number now so we can have communication." Nakangising sabi niya sabay kuha ng phone sa suit jacket niya at binigay sakin. Nakangiti ko yun kinuha at nilagay ang number ko dun.

"Now my phone isn't broken because it has your number in it." He smirked. I chuckled.

"Are you free tonight?" Pag-iiba niya.

"Hmmm... Yes naman why?"

"Yayain sana kitang mag-dinner."

"Wow ang bilis mo ha." Biro ko. Tumawa naman siya.

"Wag kang feeling na date yun dahil kasama si Kat at ang nanay ko!"

"Hahaha. Sige."

"I will just pick you up later. San ka ba nakatira?" Tanong niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay at sumandal sa inuupuan ko na nakakrus ang braso.

"Why do you want to know where I live?"

"Para masundo kita."

"I can go to your house by myself."

"Do you know where it is?"

"No."

"Exactly, that's why i'm asking you where you live so I can pick you up later."

"You can tell me where. I can use the waze."

"Nah, our address isn't in the waze."

"And why is that?"

"Pag kasi ikaw ang nag-search wala pero pag iba meron. Kaya mas mabuti pang sunduin nalang kita." Tumawa ako.

"Okay. I'll send you my address later, i-text mo nalang ako para alam ko number mo."

Pagkatapos naming kumain at nagkwentuhan naghiwalay na kami. Kailangan ko narin bumalik sa Vet.

Wala akong ginawa maghapon kundi magtrabaho. Nung off duty na ako, umuwi ako sa condo para maghanda na mamaya sa dinner.





-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

To be continued.....


Not edited yet.





Happy Valentine's Day everyone! Eto nalang gift ko sa inyo HAHAHA<3

Us against the World - TOTGA Book 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon