Author's Note: Sorry po kung matagal ang update ngayon. Nawalan po kasi kami ng wifi for couple of days po.
Claire's POV
Tahimik ang kapaligiran. Malamig ang ihip ng hangin na tumatama sa aking katawan. Niyakap ko ang sarili ko't nanatiling nakatingin sa harapan. Nasa balkonahe ako ngayon, umiiyak nanaman.
Napapikit ako't pinunasan ang mga luhang tumulo sa aking mga mata.
"Claire." mas mabilis kong pinunasan ang luha ko nung narinig ko ang boses ni Miah sa likuran ko. Nilingon ko siya, walang expresyon sa mukha. "Handa na lahat, do you want to leave now?" Tanong niya at tumabi sakin.
Hindi agad ako nagsalita at tumingin sa harapan. After what happened earlier, nagmakaawa na ko kay Miah na umalis na kami duon. I was shameless when I begged him to take me away there ngayon lang ako nagsisi at ang kapal ng mukha ko!
"Yes." Maikli ong tugon. Nakita ko ang pagtango niya sa gilid ng mata ko.
"Sige, check ko lang kung may naiwan pa tayo." Aniya tsaka umalis pero hinawakan ko ang braso niya kung kayat napatigil siya sa tabi ko.
"Zac and I---we've been meeting each other since I left from Tagaytay." Panimula ko. Napayuko ako at kinagat ang mga labi bago ko siya harapin. Seryoso lang siyang nakatingin sa harapan niya, hindi ako pinansin. "I'm not telling you this to..." Huminga ako ng malalim. "To give you a bad expression or what....I'm telling you this because I want to be honest to you and I-I-I don't want to lie to you." Sincere kong sabi sa kanya.
"I know---nagpadala ako sa damdamin ko. I---I--" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nung lumingon siya saakin. Akala ko ay galit siya ngunit binigyan niya ko ng isang ngiti. Ngiting hindi naabot ang kanyang mga mata ngunit alam kong totoo.
"It's okay. I know that this will happen. I just didn't expect na mangyayari nga." He chuckled and looked away from me.
"I'm sorry." Ang tanging nasabi ko.
"Claire..." Lumapit siya saakin at hinaplos ang pisngi ko. "I want you to promise me one thing." Huminga siya ng malalim. "Whatever happens...right now or in the future...Whatever I do, remember that I do it to protect you." Napakunot ang noo ko sa sinasabi niya. I'm curious and yet confused. "No matter what happens just trust me okay?" Aniya tsaka hinawakan niya pa ang kabilang pisngi ko.
Nakatingin siya saakin, hinihintay ang sasabihin ko.
"Okay." Tugon ko sa kanya. "I'll trust you...and I always will." Tuloy ko. Napangiti siya sa sinabi ko pagkatapos ay hinalikan niya ang noo ko't niyakap.
Naguguluhan ako sa nangyayari. HIndi ko alam kung bakit sinasabi ni Miah ang lahat ng ito. Siguro iniisip niyang wala ako tiwala sa kanya? But he always knew that I trust him...Siya ang pinagkakatiwalaan ko maliban sa Kuya ko.
Pagbalik namin sa Manila ay hinatid niya ko sa condo ko ay agad din siyang umalis. Agad rin akong nagpalit ng damit. I wore black jeans and crop top na pinatungan ko ng maong jacket. Nagsuot ako ng boots na hanggang ancle ko.
Kinuha ko ang bag ko tsaka ang picture na nahanap ko noon sa bahay nila Dad na tinago ko sa closet ko. Muli kong pinagmasdan ang larawan ng bata bago ko ilagay sa bag ko. Kinuha ko rin ang baril na nasa ilalim ng unan ko at inilagay sa likod ng pantalon ko. Kinuha ko ang susi ng motor ko tsaka ako umalis sa condo at pumunta sa basement kung saan nakaparada ang motor ko.
Sumakay ako duon at in-dial ang number ni Mommy para tanungin kung saan sila.
"Mom." Sabi ko nung sagutin niya ang tawag.
BINABASA MO ANG
Us against the World - TOTGA Book 2
RomanceCOMPLETE It's been 8 years. You're already happy while here I m still stuck in the past. Will I be able to move on? Will I be ready to forget you? Especially now that you're happy with your...wife. This is Book 2 of '𝚃𝚑𝚎 𝙾𝚗𝚎 𝚃𝚑𝚊𝚝 𝙶𝚘𝚝 �...