Claire's POV
Naalimpungatan ako nung narinig ko ang alarm ko sa phone. I groaned at kinapa ang phone ko sa side table ng hindi minumulat ang mata. Nung naramdaman ko na ang phone ko binuksan ko ang isang mata ko at pinatay yun.
I fucking hate alarm clock especially in the morning, pero hindi rin ako magigising kung wala ito kaya nagpapasalamat ako. I want a soothing music in the morning, waking me up pero hindi rin ako magigising at baka makatulog pa ko nang mas mahimbing.
Inunat ko ang katawan ko at tuluyan ng minulat ang mga mata. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid ko. I immediately panicked when my surroundings weren't familiar to me, but then I calmed down when I remembered that I'm in Baguio with....Zac.
Nasa ganun akong sitwasyon nung tumunog ang doorbell. Napakunot ang noo ko sa pagtataka kung sino yun. Tamad akong tumayo tsaka ako naglakad papunta sa pinto tsaka binuksan yun.
I stilled when I met Zac's eyes. Tinignan niya ko paa hanggang ulo at binalik sa mukha ko bago siya nagiwas nangtingin, nagpipigil nangngiti. Naramdaman ko ang paginit ng pisngi ko dahil sa hiya! Paano kung tulo laway ako!? Paano kung may muta ako!? Shock!
Tinago ko ang mukha ko sa likod ng pinto at mabilis na inalis ang muta ko kung meron man ako. Kiniskis ko rin ang gilis ng labi ko para tanggalin ang tulo laway ko kung meron man, pero parang wala naman. Nung handa na kong harapin siya, nilingon ko na siya at ngumiti ng kaunti.
"M-may kailangan ka?" tanong ko sa kanya.
"N-nasa kwarto ko yung breakfast. Kung okay lang dun nalang tayo kumain ng agahan." Tugon niya.
"O-okay. Maghahanda lang ako." Tugon ko. Napatango naman siya bago siya umalis at narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto niya.
Sinara ko ang pinto at sumigaw ng walang boses dahil sa kahihiyan! Shocks! Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin! Kinalma ko muna ang sarili ko bago ako naghanap ng pangpalit ko at pumasok na sa CR.
Nung una tamad pako dahil ang lamig! Pero nung okay na ang tubig na-enjoy ko na. Nung tapos na ko, nag toothbrush muna ako bago ako lumabas at dun nagpalit.
Nagsuot ako ng pantalon tsaka t-shirt. Hindi ko naman kasi inaasahan na mapupunta ako dito kaya hindi ako nakapagdala ng jacket oh turtleneck, kaya giniginaw ako ngayon.
Napatingin ako sa hoodie ni Zac, pwede ko naman to hiramin diba? Hmmm. Bahala na, isusuot ko nalang kay sa naman ginawin ako sa lamig. Kinuha ko yun sa tabi ng kama at sinuot yun.
Inayos ko ang mahaba kong buhok, kinuha ko ang susi, wallet, at cellphone ko bago ako lumabas sa kwarto at nag-doorbell sa kwarto ni Zac. Wala pang 10 second bumukas na yun. Pinagmasdan niya ang suot ko bago niya ko papasukin.
"Dito tayo." Sabi niya at pumunta kami sa hapag. Dalawa lang talaga ang upuan dun. Umupo kaming dalawa at nagsimula ng kumain.
"Tsanga pala.." Panimula ko nung maalala ko ang hoodie'ng suot ko. Nakakahiya naman kung hindi ko ipapaalam, baka feeling niya ineenjoy kong isuot to. "P-pahiram muna ng hoodie mo, wala akong panama sa lamig eh." Tuloy ko.
"I'll give you a new one. Marumi nayan." Aniya.
"Hindi okay lang." tugon ko. Tinignan niya ko nang seryoso, napagtantu kong ayaw niyang umayaw ako. "Okay." Mahina kong bulong.
"A-anong plano mo ngayon?" Tanong ko.
"Mrs. Abrams texted me, pupunta daw tayo dun sa kanila at ipapasyal nila tayo ni Mr. Abrams. Maglu-lunch narin tayo kasama sila at baka gabihin tayo ng uwi." Tugon niya. Napatango-tango naman ako at hindi na nagsalita.
BINABASA MO ANG
Us against the World - TOTGA Book 2
RomanceCOMPLETE It's been 8 years. You're already happy while here I m still stuck in the past. Will I be able to move on? Will I be ready to forget you? Especially now that you're happy with your...wife. This is Book 2 of '𝚃𝚑𝚎 𝙾𝚗𝚎 𝚃𝚑𝚊𝚝 𝙶𝚘𝚝 �...