Claire's POV
"No...I-it can't be." Hindi parin maipinta ang mukha ni Mr. Rodriquez. May kaba't takot at pagtatanong sa kanyang mukha.
Well, hindi ko siya masisisi. Sino ba kasing hindi magugulat pag nakita mo ang taong pinapatay mo... 6 years ago...
THROWBACK
2 years na ako dito sa Australia. Mahirap parin, mas lalo na at mag-isa lang ako. Pero mabilis naman akong naka-adjust at nakahanap ng trabaho. Nagtatrabaho ako sa isang restoran malapit sa apartment ko. Pero minsan rin ay pumupunta ako sa mga sideline ko pag wala akong trabaho sa restoran.
"Clarissa, mauuna na ko sayo." Paalam sakin ng kaibigan kong pinay.
Nakilala ko siya nung unang linggo ko palang dito sa Australia. Nagtatrabaho siya sa isang convenience store na pinuntahan ko noon at narinig ko siyang mag-tagalog. Kaya tinanong ko siya kung pwedeng magtrabaho dito. She asked her boss and the owner of the store hired me immediately because they need a night shift person.
"Sige, mag-ingat ka." Tugon ko. Muli siyang nagpaalam sakin bago siya umalis sa convenience store.
Umupo naman ako dun sa upuan at naghintay ng customer. I was just like that for 7 hours. Hanggang sa mag si-six na. Off na ako.
Naglalakad lang ako papunta sa apartment ko dahil malapit lang yun sa pinagtatrabahuhan ko. I was busy getting my apartment key sa bag ko nung may biglang tumakip sa mukha ko gamit ang panyo.
Sinusubukan kong makatakas at ginamit ko lahat ng lakas ko kaso bigla akong nahilo at nanhina.
"Isakay na natin dali!" Rinig kong sabi ng isang lalaki.
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita kong nasa isang van ako at may dalawang lalaki sa harapan na malabo ang itsura. Hanggang sa kinain na ng dilim ang paningin ko at nawalan na ng malay.
I groaned when I felt my body aches. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at umayos ng upo. Nagbaba ako ng tingin nung hindi ko maigalaw ang mga kamay ko.
Nakatali ako sa isang upuan, pati ang mga kamay ko at paa ay nakatali.
"You're awake." narinig kong sabi ng isang lalaki sa likuran ko.
"ANONG KAILANGAN NIYO SAKIN!? SINO KAYO!?" sigaw kong tanong sa kanila at nagpumiglas ulit pero ang higpit ng pagkakatali sakin kaya tumigil na ko upang hindi maubos ang lakas ko.
"Nandito kami para patahimikan ka." Sabi ng lalaking. Napatingin naman ako sa kanya at sinundan ng tingin nung naglakad siya papunta sa harapan ko.
"ANO BA ANG ATRASO KO!?"
"Samin wala, pero sa boss namin meron. You should have stayed quiet and done that investigation." Nakangisi niyang sabi. "You could have lived a longer life. But too sad to say, your life will end today."
BINABASA MO ANG
Us against the World - TOTGA Book 2
RomanceCOMPLETE It's been 8 years. You're already happy while here I m still stuck in the past. Will I be able to move on? Will I be ready to forget you? Especially now that you're happy with your...wife. This is Book 2 of '𝚃𝚑𝚎 𝙾𝚗𝚎 𝚃𝚑𝚊𝚝 𝙶𝚘𝚝 �...