Chapter 10

2.2K 51 31
                                    

Chapter 10

"And the perfect scenery just came out from the cave.", napangiti ng malapad si Toni habang nakatingin sa araw na unti-unti nang lumulubog sa likod ng Mountain Range ng Maramag.

Kasalukuyan syang nasa rooftop ng isang restaurant. The area was wide. Sa kabilang bahagi ay naroon ang isang native coffee shop. Sa pwesto naman nya nakalagay ang maliit na garden. Magandang tambayan iyon dahil presko ang hangin.

Hindi maalis sa labi nya ang ngiti habang patuloy na nakatanaw sa magandang sunset. It's yellow-orange color spread out through the clouds and gave the environment a magnificent view. Mas naging mahangin na rin dahil hapon na. Her hair was gently swaying with the wind. Itinali nya lang iyon into half-pony tail using her favorite clip. Few strands came out from the ponytail at sumasabay sa ihip ng hangin ang galaw.

Dahil sa magandang view ay hindi na nya napansin na medyo matagal na rin hindi nakakabalik si Jhay. After nila magswimming, dumiretso muna sila sa suite para magbihis at saka sya inaya dito. Ayon sa binata ay ito ang paborito nitong restaurant con coffee shop. Pero matapos nilang kumain ay nagpaalam muna ito sa kanya dahil may importante syang narecieve na tawag. He promised to be back right away, but unfortunately hanggang ngayon ay wala pa rin syang kasama.

Napalingon sya sa likod nang maramdaman nyang may taong nakamasid sa kanya. She wore her sweetest smile pero unti-unting nawala nang hindi kilalang lalaki ang nakita nya.

"Hi...", sabi ng lalaki.

'He looked familiar', naisip nya.

"Hello..."

"Are you alone?", nakangiting tanong nito. Pinag-aralan nya ang mukha ng lalaki. He looked quite handsome. Pero syempre, mas gwapo pa rin para sa kanya si Jhay.

"Um, yeah. Unless you can see something I dont...", natawa ito ng kaunti at naglakad sa tabi nya saka tumanaw sa sunset.

"I saw you this morning at the lobby...", napakunot sya ng noo dito. "...when I was playing the piano."

"Ohh..." kaya pala pamilyar ito sa kanya.

"You looked so committed to it... I mean, to the music and the piano."

"Yeah... I love listening to it but I hardly learn how to play that stuff... But really, you really are a good pianist.", lumingon ito sa kanya at ngumiti.

"Thank you. By the way, I'm Steve." tinanggap nya ang kamay nito.

"Toni..." napangiti ito at humilig sa barandilya ng rooftop at saka ibinalik ang tingin sa kawalan.

"Nice name. Are you a tourist? Ngayon lang kita nakita dito." bigla ay nag-alangan sya sagutin ang lalaki. Hindi nya ito lubusang kilala at mahirap na kapag may nangyaring hindi maganda.

"Well, sort of. I'm staying with my aunt. I---"

"And you're still here..." hindi na naituloy ni Toni ang anumang sasabihin nya sa kausap dahil narinig nya na ang boses ni Jhay mula sa likuran. Napalingon sya dito at nagulat sya sa masamang aura nito. Kunot ang noo at nagtatagis ang bagang.

"I'm waiting for you..." sabi na lang nya.

"And who is this guy?" tanong ni Jhay. Automatic naman sya na napalingon sa lalaking kausap nya kanina.

"He's Steve. Yung pianist sa lobby..."

"Nevermind. Let's go..." hindi nya maintindihan ang mood ni Jhay ngayon. Okay naman ito kanina noong nagpaalam pero ngayon, daig pa nito ang malakas na bagyo sa sama ng mukha.

"I have to go. It's nice to meet you." ngiti lang ang isinukli sa kanya ni Steve.

Nauna nang maglakad sa kanya si Jhay kaya patakbo syang sumunod dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The PhotographerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon