Chapter 1

2.4K 54 10
                                    

"Dude, kompleto na ang models natin. What time are we going to start?" Tumabi si Benj, ang assistant photographer, kay Jhay.

"Great. We'll start in half an hour. May aayusin lang ako."

"Are we going to stick to the original plan after this shoot?" Tanong ni Benj habang pinapanood sya sa pagse-setup ng camera.

"Of course. Unless tumanggi kayo. E di ako na lang ang magbabakasyon." Nang-aasar na sagot ng binata.

"Syempre gusto namin. Nagtatanong lang e. At isa pa, nakapagpa-book na kami ng girlfriend ko sa Hongkong. Kaya hindi ako papayag na magbago ang isip mo." Napangisi si Jhay sa sinabi ng kaibigan.

"Sigurista ka ha. Saka sino sa mga girlfriends mo ang isasama mo sa Hongkong?" Biro nya dito. Sa kanilang magkakaibigan kasi, si Benj ang pinakapalikero sa lahat.

"Syempre yung original." Nagkatawanan silang dalawa. "E ikaw ba? Saan ang balak mong puntahan?"

"Sa Bukidnon. Babalik ako dun sa dati kong pinuntahan. Malaking tulong yun sa atin kapag nangailangan tayo ng location. I want to check that out again." Napailing na lang si Benj.

"Trabaho pa rin? Akala ko ba bakasyon? Come on, dude. Give yourself a break." Though in Benj's part, alam nyang useless din ang sinabi nyang iyon kay Jhay. Knowing his friend, wala talaga itong hilig sa paglabas kasama ang mga babae.

"I am giving myself a break. Ikaw kasi ibang 'break' ang ibinibigay mo sa sarili mo." Pang-aasar nya sa kaibigan.

"Hay bahala ka nga. O sya, I'll check everyone na muna. Para makapagsimula na tayo." Tinapik sya nito sa balikat saka tuluyan ng umalis.

Napailing na lang si Jhay. Hindi na bago sa kanya ang mga ganoong usapan. Mula nang simulan nila ang business na ito, palagi na pinapansin ng mga kaibigan ang pagiging single nya.

Lima silang magkakaibigan. 4 years ago, naisipan nilang magtayo ng negosyo. Magkakaklase sila noong college at lahat sila may background sa photography. Kaya naman isang photography business ang naisipan nilang itayo. Si Jhay at Benj ang photographers. Si Chad naman ang nakafocus sa film-making. While Zen and Hanz focused on Graphic Designing. They named their business "The Bachelor's Photography". Successful ang business nila. Hindi sila nawawalan ng kliyente sa isang buwan kaya naman halos wala na rin silang panahon magpahinga. Pero ang sabi nga nila, priceless ang happiness na naibibigay nila sa mga kliyente. Nakakahakot ng atensyon ang negosyo nila na binubuo ng limang nagagandahang lalaki sa mundo. Bukod doon, may mga pinag-aralan ang mga ito at kilala sa alta-sosyedad ang mga pamilya. Pero hindi katulad ng ibang kaedad nilang binata na wala ginawa kundi ang magwaldas ng pera, hayun sila at pinapalago ang negosyo.

Jhay's mom and dad have been supportive to him ever since he was young. Panganay sya at si Julianne naman ang bunso - na mas kilala bilang Jules. Sa ngayon, wala sa bansa ang kapatid dahil sa Austria nakatira ito para mag-aral. Walong taon ang tanda niya sa kapatid at talagang malapit sila sa isat-isa sa kabila ng milya-milya nilang layo.

Unang nakitaan si Jhay ng pagkahilig sa camera noong 12 years old sya. Pinaglaruan nya ang lumang digital camera ng nanay na si Joey. Nakita ng magulang ang mga sample shots nya at natuwa ang mga ito. Hanggang sa noong 13th birthday ng binata, niregaluhan siya ng Polaroid camera. Hindi na rin sya naging malihim noong sinabi nya sa magulang na gusto nyang mag-aral ng potograpiya. Hindi tumutol ang mga ito ngunit hiniling ng ama na si Lance na mag-aral din sya ng Business Management dahil darating ang panahon na ipapamana ng mga ito sa kanya ang kompanya. And the rest is history.

He never had a serious girlfriend before. Flings marami. Pero wala pa syang matatawag na relasyong sineryoso nya talaga. He dates with girls. Pero hindi kasing lala noong mga kaibigan nya na talagang humahantong pa sa mga condo units pagkatapos. Unlike his dad, hindi sya babaero. He always respects girls. At hindi naman sya nagmamadali na lumagay sa tahimik. Lalo na ngayon na busy sya.

The PhotographerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon