"Sis, would you please calm down? Hindi ka ba nahihilo?" Nasa loob ng kwarto ni Toni si Janell at nakaupo sa couch habang nakatingin sa kapatid na walang kapagurang naglalad pabalik-balik sa harapan nya. Her hands were held together just above her abdomen while walking around.
"I just cant believe what's happening, Jan. Our parents wanted me to marry a guy I dont even know, I've never met and an arrogant bastard. I even thought that our parents finally realized that it's the best time for me to take over with the company. But....argh! I really hate this! I dont want to marry that....who-ever-he-is. And I dont care if they already planned everything but I am not going to the wedding!" sumalampak ng upo si Toni sa tabi ng kapatid at saka pinagkrus ang braso sa dibdib.
Sa kwarto dumiretso ang dalaga matapos ang 'walk-out' drama nya kanina. 20 minutes after, she heard a soft knock outside her door. She didnt manage to stand up from the window couch. Maya-maya ay bumukas iyon at pumasok ang ate nya. Sinundan pala siya nito noong umalis sya sa restaurant.
"I'm sorry, Toni. I swear I didnt know anything about this. Kahit ako nagulat sa nalaman ko kanina." She said sincerely.
"I know. Dont be sorry."
Maya-maya ay may kumatok na naman sa pintuan niya.
"Ma'am Toni at Ma'am Janell, ipinapatawag po kayo ng mommy at daddy nyo sa study room." Sabi ng katulong mula sa labas.
Nagkatinginan ang magkapatid. But Toni forced a smile and stood up calmly. Isa talaga sa lakas nya ang pagiging cool sa oras na nagwawala na ang lahat sa paligid nya.
"Toni..." Janell said and hold her hand. "We'll face them together. Always remember, I'm here. I'll do everything to get you out from here.."
Toni smiled. "Thanks." Alam nyang imposible ang sinasabi ng kapatid.
Hindi man halata pero kinakabahan na si Toni sa kung anong mangyayari sa loob ng study room. Sigurado ang dalaga na galit na galit ang mga magulang sa kanya dahil sa ginawa nyang kabastusan kanina. But then again, she realized that what she did was better than cussing in front of those people. Baka kung ginawa nya iyon, ora mismo itakwil sya ng magulang nya.
Janell opened the door and they made their way inside. Nasa one-seater couch ang mommy nila at kasalukuyang may kausap sa telepono. As usual. At daddy naman nila, agad na umangat ang tingin noong makita silang pumasok.
"Sit." Matigas at madiin na sabi nito sa kanilang dalawa na agad naman nilang sinunod. Umupo ang magkapatid sa sofa na nasa harapan nito. Nakita nilang ibinaba na ng mommy nila ang telepono at doon na nagsimula ang sermon ng ama.
"You're really hitting the limit, lady. Ipinahiya mo ang pamilya natin sa kanila. I would have take the juice that you just spit on my face. But not the walk-out scene. That was so ill-mannered!" Umalingawngaw ang boses ng ama sa loob ng kwarto.
"Is it really hard to act without any touch of clumsiness? Wala talaga akong maaasahan sayo!" Galit na sabi ng mommy nila.
"I am not gonna say sorry." Diretsong sagot ni Toni. Naramdaman nyang bahagya syang kinurot ni Janell sa braso para sawayin sya. Pero nya ito pinansin.
"I'm sorry. What did you say?" Namumula na sa galit ang ama.
"Look, I did what you wanted me to do. But I wont be asking for forgiveness to neither anyone of you. It's not my fault why everything happened." wala man lang takot na makikita sa mukha ng dalaga.
"Hindi ka namin pinalaking maging bastos, Antoinette. Sa kabila ng ginawa namin ng mommy mo sayo, ganyan pa ang igaganti mo." Galit na galit ang ama ng dalaga.
"You know that is not true, dad. I always do what you wanted me to. I've been living with rules all my life. At wala kayong narinig sakin. But not with marriage. I wont let anyone force me marry a stranger." Sagot ni Toni.
"It's no use. Everything's set already. The wedding will be on Wednesday. At wala ka nang magagawa kundi ang magpakasal kahit na ayaw mo pa. Wag mo na kaming bigyan ng sakit sa ulo ng daddy mo. Hindi ka kailanman nakatulong." Salo ng mommy na halatang pinipigilan ang magalit ng husto sa takot na dumami ang wrinkles nya.
"Cause you never gave me the chance to prove to you that I can do better." Napayuko na lang si Janell na nakaupo sa tabi ni Toni. "And I dont get the reason why do I have to marry that guy. Kung gusto nyo na pala akong umalis dito sa bahay, you should have told me earlier. Para ako na lang mismo ang naghanap ng mapapangasawa ko. At least kilala ko yung tao." Kalmadong sabi ng dalaga kahit sa sarili nya gusto na nyang magwala.
"This is not just a simple wedding. This will serve as the seal sa pagme-merge ng dalawang kompanya. At wala ka nang magagawa para umatras. Now go back to your room. For the last time, wag mong ipapahiya ang pamilyang ito."
Tahimik na bumalik sa kwarto ang magkapatid. Hiniling ni Toni na gusto nya munang mapag-isa sandali at pinagbigyan naman agad sya ni Janell. Inside her room, she scream on top of her lungs. Ano pa ba ang pwede nyang gawin para mapigilan ang mga mangyayari? Sa kakaisip ay nakatulog na sya.
Kinabukasan, nagising ang dalaga sa marahang tapik sa balikat nya. Nakita nya si Janell na nakaupo sa gilid ng kama nya noong nagmulat sya ng mata.
"Get up. We need to talk." Sabi nito nang makitang gising na sya.
Napakamot sya sa ulo at bumangon habang kinukusot ang mata.
"Regarding what?"
"Here." Inabot nito sa kanya ang isang sobre. "It's 500,000 pesos. I think that would be enough for you to survive for a fee months." Napakunot ng noo si Toni dahil sa sinabi ng kapatid. "You'll leave tonight to Bukidnon. I talked to Yaya Thelma and told her you're coming."
"Jan..."
"Just to as I say, Toni." Seryosong sabi nito na ikinabigla nya. Minsan lang sila mag-usap ng ganito. "I'm helping you to get away from this. I bought you a new phone and a new sim card. Ako lang ang nakakaalam nun. So you can contact me anytime." Hindi na nakapagsalita si Toni dahil sa narinig. "Dont bring anything. Buy your stuffs when you get there."
"But... how about you?"
She smiled and hugged her.
"I can take care of myself. Just promise me you'll be safe."
"I promise."
And everything happened so fast.