Chapter 7

1.1K 35 1
                                    

AN:

After 1234567890101144 years! Here's the update!

Kinabukasan, isinama sya ni Jhay sa pupuntahan nito. Ginamit nila ang Range Rover ng binata par makarating doon. Ang sabi ni Jhay, best time kapag kukuha ng pictures ang bandang sunset para makuha ang shadows and shadings ng subject.

Dumating sila sa destination bandang alas kwatro na ng hapon. Sa may burol sila pumwesto at mula doon ay kitang-kita ang magandang view ng mountain ranges na pinagmamalaki ng Maramag.

Humanga si Toni sa magandang view na nakikita nya. Mula naman sa pagse-setup ng equipments na gagamitin, hindi napigilan ni Jhay na mapatitig kay Toni. Simple lang ang ayos nito. Naka-tshirt ng medyo maluwag at maong shorts na hindi masyadong maiksi at nakatupi ang laylayan. Naka-pony tail ang buhok nito na nagpapakita sa maganda at makinis nitong batok. Tumatama sa mukha ng dalaga ang sikat ng araw at nakadagdag pa iyon para lalong kuminang ang mga mata nito.

"Wow! Ang ganda dito! Kilala na rin ba ang lugar na to?" Nakatingin pa rin si Toni sa view.

"Oo. Isa sa tourist spots dito sa Bukidnon itong mountain range. Yung iba talagang kinakaya magtrekking para makita ang view na to." Sagot ng binata habang hawak ang camera at nakatingin pa rin kay Toni. "Can you stay that pose? Kukuha lang ako ng sample photo."

Agad na napalingon sa kanya si Toni. Kinakabahan. "P-para saan?" Baka naman tama ang hinala nya dito. Baka spy ito ng daddy nya. Hindi nya rin kasi maintindihan ang sarili kung bakit basta na lang sya pumayag na sumama dito.

"Sample lang. Maganda yung view." Nakayuko si Jhay kaya pinagpasalamat ng dalaga na hindi nito nakita ang uneasiness nya.

"O-o sige. Pero wag mong ilalabas sa public ha? Kung pwede, burahin mo agad after." Doon napaangat ang tingin nito sa kanya.

"Bakit naman?"

"Eh kasi..." Bakit nga ba? Ano ba ang pwede nyang idahilan? "Ca-camera shy kasi ako. Nakakahiya kapag nakita yan sa public."

Hindi nakumbinsi si Jhay pero ngumiti sya at pumayag. "Okay. Deal."

Pinapwesto sya nito sa kinatatayuan nya kanina at pinatingin sa mountain ranges na nasa harapan nila.

"Just act as natural as you can. Wag mong isipin na may camera sa gilid mo." Sabi pa nito sa kanya na agad naman nyang sinunod.

Narinig nya ang ilang click ng camera nito habang kinukuhanan sya ng pictures.

"Ayan okay na." Tiningnan nito ang pictures sa camera na hawak. "Wow! Ang ganda ng kuha mo. The camera loves you!"

Napangiti naman ng malapad si Toni. "Talaga?"

Tumango-tango si Jhay habang nakangiti. "Yup. May nag-alok na ba sayo dati na mag-model?"

Napaisip bigla si Toni. Sa totoo lang, wala pa talaga. Pero kay Janell marami na. At saksi sya sa mga offer na yun. Isa sa mga natandaan nya ay noong kumakain sila sa starbucks at may lumapit sa kanilang bading. Nag-offer ito sa ate nya na mag-model. For cosmetics daw. Friendly ang ate nya at mahilig maki-socialize kaya inentertain nya ang bakla. Mga bata pa lang sila, alam na nya kung gaano nito kagusto magmodel. Mahilig silang manuod ng mga shows na related sa fashion and the likes. Kaya naman noong may nag-offer kay Janell ng ganoong career, muntik na nitong tanggapin iyon. Pero nang malaman nito na hindi sya kasama, tinanggihan na lang ni Janell ang offer na ikinainis ng bakla.

Katwiran ng bading, hindi daw kasi feminine ang dating ni Toni at hindi bagay magmodel ng cosmetics. As if naman! Hindi naman sya lalaki! At lalong wala syang hilig sa model-model na yan!

The PhotographerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon