Chapter 3

1.7K 56 10
                                    

Chapter 3

Groggy pa si Toni nang bumaba sya sa bus na sinakyan nya galing sa Cagayan De Oro. Tiningnan nya ang mapa na dala. At ayon dito, malapit na sya sa Maramag Bukidnon. Isang sakay na lang ng jeep. Kagabi bago sya umalis, nakausap nya ang dating yaya nya sa telepono. Iyon ang isa sa mga taong nakasundo nya at napagsasabihan ng problema nya kapag wala si Janell. Ayon dito ay handa syang tulungan at pwede syang makitira sa bahay nito sa Maramag.

Luminga ang dalaga sa paligid.

Malayong malayo ang lugar na kinaroonan nya ngayon kumpara sa Maynila. May commercial places din pero hindi ito ganun ka-develop. Iba rin ang aura ng mga taong babad sa sikat ng araw ang balat dahil sa trabaho.

“Okay, so where am I going to take the jeepney?”, tanong nya sa sarili.

Wala syang alam sa pagba-byahe at ito na yata ang pinakamalayong lugar na narrating nya mag-isa. Wala syang dala kahit isang gamit. Tanging ang maliit na backpack lang ang meron sya kung saan nakalagay ang kanyang cellphone, wallet, identification cards, passport at ang paborito nyang pabango. Mga bagay na ni minsan ay hindi nahiwalay sa katawan nya. Napakasimple din ng suot nya. She’s wearing black shorts; lose white blouse and a pair of sneakers. Nakapony tail lang ang buhok nya. She’s also wearing a pair of small pearl earrings na kung titingnan ay mumurahin lang ang hikaw na ito na nabibili lang sa bangketa. Pero para sa mga marunong kumilatis ng alahas, isa tong one of a kind pearl na hindi biro ang halaga. Ang suot nyang white gold necklace na may pendant na ‘A’, initial ng pangalan nya, ay ibinigay sa kanya ng kanyang ate. Para sa mga simpleng tao, mas mukhang silver lang ang kwintas kesa sa white gold. Ang suot naman nya na relo ang pinakamura sa lahat ng wrist watch na meron sya. Nanggaling ito sa Paris na pinasalubong ni Janell sa kanya noong isang buwan. Kung ico-convert sa Philippine Peso, nasa 750 ang halaga ng orasan na iyon. Brown ang kulay ng bracelet at Eiffel tower ang background sa mismong frame.

Matagal nang pinangarap ng dalaga ang maging malaya. At ngayong nakuha na nya ito, hindi nya sasayangin ang pagkakataon. Matutupad na rin sa wakas ang plano nyang mabuhay ng simple. Yung walang taong palaging nakasunod sa kanya para bantayan ang bawat kilos nya. Yung walang nagsasabi ng mga dapat at hindi nya dapat gawin. Yung magkakaroon sya ng kaibigan hindi dahil alam ng mga tao na mayaman at kilala ang pamilya nya, kundi dahil sa totoong sya. At umaasa si Toni na mararanasan nya ang mga bagay na iyon sa lugar na ito.

“Excuse me po. Saan po ang sakayan papunta sa Barangay Kuya?”, tanong ni Toni sa nakita nyang lalaki na nakatambay sa ilalim ng puno.

Tiningnan siya ng mga tambay mula ulo hanggang paa bago sumagot.

“Dayo ka, ineng?”, marahang tumango si Toni bilang sagot kahit na kinakabahan sya. Hindi nya rin maiwasan na hindi matakot. Pero sigurado naman ang dalaga na kung sakaling may gawing masama ang mga ito sa kanya, hindi sya ang tutumba na duguan. Black belter sya ng Jujitsu.

“Sumakay ka sa jeep na yan.” Itinuro ng isang lalaki ang nakaparadang jeep na nagsasakay ng pasahero. “Medyo malayo ang Kuya dito. Baka abutin ka ng isang oras sa byahe. Basta sabihin mo na lang sa driver na ibaba ka doon.”

“Sige po. Salamat.”

Naglakad ang dalaga sa nakapilang jeep kung saan may barker na nagtatawag ng pasahero. Nagbayad muna sya saka sumakay doon. It took her 30 minutes bago napuno ang jeep at saka umalis. And weird enough dahil ngayon nya lang naexperience sumakay sa ganitong pampublikong sasakyan. At ang siste pa, pati ang bubong ng jeep may pasahero.

Sa may likod ng driver sya nakaupo kaya kahit paano ay nakikita nya ang paligid ng dinadaan nila. Walang katapusang palayan ang nakikita nya doon. Malawak na lupain, makakapal na puno at ang magandang background ng bundok. Magnificent. Malamig din ang hangin at presko kaya halos mapapikit na sya ng mata dahil para syang hinehele.

The PhotographerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon